Bunso

313 0 0
                                    

Minsan talaga may mga bagay na sadyang di inasahan na mangyayari sa ating buhay. Mahalin natin ang mga taong nakapaligid sa atin,ang mga taong nagmamalasakit at nagpapahalaga.

Ako si Hanna,bata pa lang ako ng iwan kami ni Papa,si Mama naman ay nakipagsapalaran sa ibang bansa kaya kaming dalawa na lamang ng bunso kong kapatid ang magkasamang namumuhay.

Isang taon pa lamang si bunso noon nang iwan kami ng aming mga magulang. Mula noon ako na ang tumayong ina para kay bunso,kapag umiiyak si bunso ay di ko mapigilan na hindi mapaluha dahil sa nararamdaman kong awa sa aking sitwasyon.

Akay akay ko si bunso kahit saan ako pumunta. Namasukan ako bilang tindera sa isang karenderia na malapit sa bahay na aming tinutuluyan, buti na lang at napapayag ko ang may ari nito na isama ang kapatid ko sa tuwing papasok ako.

Di naging istorbo si bunso sa akin dahil kumpara sa ibang bata ay mabait ito at di iyakin basta may mapaglaruan lang at makadede ay sapat na.

Taong 2000 napag isipan ko na mag aral na lang ulit total ay malaki na rin si bunso at pwedi ko na siyang dalhin sa mga public places.Pumapasok ako sa school na kasama si bunso.Masigla si bunso at masayahin kaya naman aliw na aliw ang aking mga kaklasi sa kanya.

Tuloy parin ako sa pagiging tindera tuwing sabado at linggo at sa gabi naman ay nglalabada ako sa aming kapitbahay. Lumipas ang panahon na ganun ang takbo ng buhay namin ni bunso Siya ang naging inspirasyon ko,ang taong pinagkukunan ko ng lakas ng loob.

July 3,Kaarawan ni bunso kaya naisipan namin na mamasyal sa tabi ng ilog,dati na rin kaming namamasyal dito kaya kampante ako na ligtas kaming dalawa. Pero sadya nga sigurong maikli lang ang buhay niya. Sandali akong ngpaalam sa kanya upang kunin ang dala naming makakain sa ilalim ng punong mangga kung saan doon namin iniwanan ang aming mga gamit.

Maya maya pa ay bumalik na ako sa lugar kung saan dun ko siya iniwan ngunit ang kanyang sout na tsenilas na lang ang aking nadatnan.Tumingin tingin ako sa paligid,ilang beses ko rin tinawag ang kanyang pangalan ngunit walang bunso ang sumagot sa akin. Sa may di kalayuan ay may nakita akong bagay ba palutang lutang,agad ko itong nilapitan at pinagmasdang maigi.

Halos himatayin ako sa aking nakita dahil ang palutang lutang na inakala kong bagay ay si bunso pala.Hindi ko alam ang aking gagawin.Pinanghinaan ako ng loob,galit ako sa aking sarili dahil wala akong nagawa upang isalba ang kanyang buhay.Isa akong walang kwentang kapatid,walang silbi.

Umuwi ako ng bahay dala ang malamig na bangkay ni bunso,humingi ako ng tulong sa aming punong barangay upang maasikaso ang kanyang burol inako na rin ng aming kapitan ang gastos para sa lamay.

Tinawagan ko ang aking mama upang ipaalam sa kanya ang sinapit ng aking mahal na kapatid. Pagkalipas ng Isang linggo ay inilibing na rin si bunso at sa mismong araw ng kanyang libing ay dumating si mama galing Hongkong. Alam kong ako ang sisisihin niya sa nangyari sa aking kapatid.

"Im sorry Ma"yun ang unang kataga na aking nasabi sa harapan ni Mama. "Sorry?yun lang?pagkatapos mong pabayaan ang kapatid mo. "Bakit maibabalik ba ng sorry ang buhay ng kapatid mo?ano?sumagot ka. "Bakit Ma?akala niyo ba hindi masakit sa akin ang nangyari?Kung masakit sayo mas masakit para sa akin,dahil ako,ako ang nag-alaga at nagpalaki sa kanya.

"Ako ang tumayong ina ni bunso mula nung iwan tayo ni Papa at umalis ka upang mangibang bansa,ako ang umako ng lahat ng responsibilidad na dapat ay ikaw. "Wala kang alam sa mga nangyari sa amin,sa mga hirap na dinanas namin. Sa mga oras na kailangan namin ng karamay,wala kayo.

"Mama di naman namin kailangan ng marangyang buhay dahil ikaw ang kailangan namin. "Alam mo Ma kung ano yung mas masakit?yun ay ang namatay si bunso na di man lang niya kilala kung sino ang kanyang mga magulang. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan namin ni mama.Hanggang sa ako na ang unang nagsalita. "Mama hindi ko ho kayo masisisi kung ako ang inyong sisihin sa pagkawala ni bunso,pero sana lang matuto kayong itama ang inyong pagkakamali.

Mas magiging masaya si bunso kung makikita niyang maayos ang lahat"pakiusap ko kay mama. "Patawarin mo ako anak,nagawa ko kayong iwan dahil sa galit at poot na naramdaman ko para sa inyong papa.Sana hindi pa huli ang lahat,gusto kong punan ang mga pagkukulang ko sayo"si mama na lumuluha na rin. "Matagal ko na po kayong pinatawad mama,alam ko po kung gaanu kayo nasaktan sa pag alis ni papa,ang mahalaga po sa ngayon magkasama na ulit tayo" Mahigpit ang yakap na iginawad ko kay mama.

Masakit man pero kailangan ko na siguro tanggapin na wala na si bunso.Ang mga masasayang ala-ala na lamang ang mayron ako. Madalas ko pa rin pasyalan ang ilog kung saan ay kumitil sa buhay ni bunso,pero mas maraming masasayang ala ala ang nakapaloob dito.Diko maiwasan na di mapaluha sa tuwing naalala ko ang aming kulitan ang matatamis niyang ngiti at ang mumunting tinig ng kanyang halakhak.

Sa tuwing sumasapit ang kanyang kaarawan ay dinadalaw namin ni mama ang kanyang puntod,ginugunita ko ang masasayang ala-ala nung nabubuhay pa siya.Ngayon isa na akong regestered nurse yon kasi ang gusto ni bunso para daw pag nagkasakit siya eh ako na ang mag aalaga sa kanya.

Everything happen for a reason Siguro nga kaya nawala si bunso upang muling magtagpo ang landas namin ni mama at papa.Napatawad na rin namin si papa kahit na may iba na siyang pamilya siya parin ang tatay ko.Ngayon dalawa na lang kami ni mama na namumuhay,hindi na rin siya nag asawa pa, kuntento na daw siya na magkasama kaming dalawa at nakikita niya akong masaya.

WAKAS.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BUNSOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon