Prologue
He
“Anak, tapatin mo nga kami ng daddy mo.” Napalingon siya sa kanyang ina na nakaupo sa isa sa couches nila. “Bakla ka ba?”
Napatiim-bagang siya sa tinanong ng kanyang ina. Nakapameywang na humarap siya sa ina. “Mom. It doesn't mean na porket wala kang nakikitang kasa-kasama ko na babae, bakla na ako.”
Ang ama naman niya ngayon ang sumabat sa usapan. “Then find a girl, son! Alam mo namang hindi na kami bumabata ng mommy mo.”
Naiiling na umalis siya sa harapan ng mga ito.
Sa Lab U siya napadpad pagkatapos niyang makipag-usap sa mga magulang. Kung pag-uusap nga na maituturing iyon. Mas gugustohin na nga lang niyang pakiharapin ang
tambak na trabaho na inaatang sa kanya bilang president ng SC, kesa makipag-argumento sa mga magulang.Nakakunot ang noo na hinarap niya ang mga papeles na kailangan ng pirma niya nang biglang makarinig siya ng katok sa pintuan ng sariling opisina.
Isang babae na mala-diyosa ang kagandahan(yan ang depinisyon ng mga estudyante sa unibersidad nila dito) ang nakasilip sa tarangkahan. Walang iba kundi si Ackinn Kha--ang vocalist ng bandang Syncronize ng unibersidad nila.
“H-hi..” Itinaas pa nito ang kanang kamay na wari ay kumaway sa kanya.
“Can you be my girlfriend?” Walang pasubali na tanong ko dito.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko nang mga oras na iyon. Basta na lang lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ko. At may parte sa kanya na ayaw nang bawiin ang sinabi.
Nahihibang na nga ata ako.
She
LAGLAG ang panga ni Ackinn sa binitiwang salita ni Fhagarry aka Hari ng Louens Austin Bernards University--ang buong pangalan ng unibersidad nila at siya ring presidente ng Student Council o SC.
Nandito siya para papirmahan sana ito ng isang kasulatan na siyang magbibigay sa kanila ng kanyang mga ka-banda nang prebilihiyo na tumugtog sa Haven. Isang kilalang bar sa lungsod. Nakasaad kasi sa LAB U's rules and regulations na dapat gumawa muna ang isang estudyante ng isang kasulatan bago gawin ang ninanais--halimbawa ang pagsali sa mga beauty contest, na karaniwang ginagawa talaga ng ibang mga estudyante sa unibersidad nila.
Kaso mukhang iba yata ang ihip ng hangin ngayon.
“Pinagloloko mo ba ako?” Lakas-loob na tanong niya nang makalapit na siya sa mesa nito.
Hindi niya alam kung tama ba ang narinig o pinaglalaruan lang ba talaga siya ni Hari. Korni ba? Pero yun talaga ang bansag sa kanya ng mga hibang na fans niya. Duh. But the only thing that she is sure about, ang lakas nang pintig ng puso niya. Animo'y lalabas na sa rib cage niya.
“But just a pretend one. Cause honestly, you're the only one who is perfect for this set-up.”
Pagak siyang natawa. Iyong totoo, mukha ba akong kahingi-hingi ng tulong? Kasi sa totoo lang, ang dami nga nama ang lumalapit sa kanya para humingi ng pabor. Ito nga lang ang naiiba at mas personal.
“A-yo-ko.” Sagot niya agad dito.
Kahit naman kasi na gusto niya si supremo hindi siya papayag no. Hindi porket na may feelings ako dito, papayag na akong paglaroan nito!
Tsk. At ang daming mga babaeng nagkakandarapa dito, bakit siya pa!? Mukha ba akong easy-to-get para dito?? Tangna lang.
“Then I'm sorry.” Napakunot noo siya sa sinabi nito. Pagkuwan, “Cause I'm not going to allow you, and your band to perform.”
“You're kidding, right?” Aniya.
Tumaas lang ang kilay nito sa kanya. Pagkuwan pinagsaklop nito sa isa't-isa ang sariling mga kamay. “Sorry to dissapoint you but, I'm not. And I'm sure you know that I can exactly do that. So, just say yes.. love.”
Idinaan na lang niya sa ngiwi ang narinig sa huling kataga na sinabi nito para pagtakpan ang kilig na nararamdaman. Oo kinilig ako. Slight. Hindi din nakatulong ang magagandang abohin nitong mga mata sa nararamdaman niya. Dahil sa totoo lang, hindi na niya magawang iwasan ang mga mata sa kaharap.
This is honestly the first time na magkaroon siya ng pagkakataon na matitigan niya harap-harapan ang magaganda nitong mga mata. Tama nga ang mga naririnig niya sa tabi-tabi, walang makakahindi sa nag-iisang lalaking nagmamay-ari ng magagandang pares ng abohing mga mata sa unibersidad nila. At oo, paulit-ulit siya.
At dahil dito huli na nang mapagtanto niyang naka-oo na siya dito.
Peste.
Napatingin ulit siya sa mga mata nito. Pesteng mga abohing mga mata.
Pero paborito niya ang kulay na gray.
Mukhang na-peste na nga siya. Tsk. Tsk.
BINABASA MO ANG
I'M HIS FAKE GIRLFRIEND
Teen Fiction"To many feels with you, fake boyfriend." -Ackinn Kha