Chapter 3: Set Aside
Ilang minuto na ang lumipas simula nang dumating kami ni Knight sa soccer field ng Lab U, ngunit wala ni isa sa amin ang sumira sa katahimikan ng paligid.
I can't help but to appreciate the calmness and the silence it brings within me. Sakto kasing walang naglalaro o practice ng soccer team kaya ang tahi-tahimik ng paligid.
So refreshing.
"Why you didn't fight back?" Pambasag ni Knight ilang minuto pa ang lumipas.
A weak smile appeared on my lips. Without looking at him, I answered. "I don't know.. Maski sarili ko hindi ko na maintindihan ng mga oras na iyon."
"Mahal mo na ba siya?"
Mabilis akong napagawi sa banda niya. Natawa ng malakas at hindi ko napigilang mapailing. "Of course not! Kilala mo ako Knight and you knew hindi ako madaling ma fall."
Itinaas nito ang dalawang kamay na animo sumusuko. "Okay! I'm just asking." At natawa na rin.
Tumayo ako sa pagkakalapag sa field at pinagpag ang high-waisted jeans ko. Linapitan ko ang soccer ball na mukhang sinadyang iwanan at linalaro-laro ko ito.
Konti na lang masasabi ko nang maling nag heels ako ngayong araw.
"Is t-there any instances that you feel.. i-insecure over someone?" I asked without looking at him.
I honestly sort of feeling weird about this.. asking a guy about insecurity when in fact girls are the ones who are more often triggered when it comes to this issue.
Or.. I am just too angst to know if he somewhat have this in his self knowing that he is just like Fhag and Ksp, a person who's close to perfect too.
Or.. Naghahanap lang talaga ako ng rason o excuse para mapagtakpan ang hindi ko dapat maramdamang ito.
Umalis sa pagkakaupo sa lapag si Knight at nagpagpag ng mga kamay. He cooly put his hands inside of his jeans pockets.
I felt him stared at me so I stared back.
"Why would I be insecure?"
Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Hmm. Oo nga, ano? Why would you be insecure when in fact they should be the one feeling it?"
"You surely know that's not what I meant."
Napatingin ako sa kanya.
Alam niya lahat. Aside from Prey, he was also there when we made the Fake Relationship Rules.
Rule #1 Keep this as a secret.
"Nasaan nga pala si Prey?" Pag-iiba ko ng usapan.
"I'm hereeee!"
Natawa na lang kami pareho sa malakas na sigaw ng bestfriend ko. Agad nitong inabot sa akin ang dala nitong blue bolt Gatorade. Napangiwi agad ako ng parang tuko ito kung makadikit kay Knight.
"Inggit ka lang!" Sabay dila. Ew
Porket wala dito ang boyfriend ko. Ugh! Shooo! Stop thinking about him, A.
Nilingon ko si Knight. "Hindi ka ba na tu-turn off sa kaibigan kong ito?"
Nilingon nito si bes at animo nag-iisip."Hmm.." Natawa kami ng bumusangot si Prey.
Pikon!
"No. Never will." At ayon na nga kuminang ang mga mata nilang dalawa habang nagkakatitigan.
Sakit sa mata!
At oo, mag jowa sila. Alam ko na iniisip niyo. Na kunware knight in shining armor ko itong bestfriend ni Ry which is bagay idikit sa pangalan niya. Tapos kunware nagkakaigihan kami habang awol si Ry. Nakuu! Walang ganun oy!
Mahal nila ang isa't-isa periodt.
Naagaw ang atensyon namin sa tunog ng phone ko.
"Sino yan, bes?" Hindi na ako nakasagot kay Prey nang sinagot ko na ang tawag.
"Oh?"
Medyo lumayo ako ng konti sa kanila.
Bumuntong hininga ang nasa kabilang linya. "Are you okay?"
"O-Oo naman. Duh!"
Natahimik kami.
"I'm sorry.. I hope I was there. But-"
"Ano ka ba. It's okay nga lang." Busy kasi talaga ito. Palapit na rin kasi ang Foundation Month. Yes month kasi isang buwan talaga ito dinaraos.
"Punta ka dito.."
Napangiti ako at napakagat labi ng marinig ko itong mag tagalog. Ito kasi yung way niya ng paglalambing.
"Hmm.. diba banned ako diyan?" Narinig ko siyang tumawa.
Shocks! Kinikilig ako. Mukha akong ano dito na nangingiti!
"Sige na.. Punta ka dito."
Mas lalo akong napangiti. "Oo na po."
Patay. Tinamaan na ang lintik!
"Oh. Ba't ngiting-ngiti ka?"
"Ha?" Napahawak ako sa labi. "H-Hindi ah."
Ngayon naman sila na yung ngiting ngiti sa akin.
"Sige ha. Alis na muna ako."
Pumalatak si bes. "Sige na puntahan mo na siya."
"Anong s-siya?!"
Natatawa na naiiling sila ni Knight. "Halata ka bes."
"Go." Aniya naman ni Knight.
Aish. Halata ba talaga ako?
Dahil sa hiya at pagkailang nagmadali na lang ako umalis dun pero hindi maalis sa isipan ko yung tawa nila.
Naku naman!
Pero teka..
Nga naman ang epekto talaga ng Hari na yun sa akin. Parang hindi ako nalungkot kanina ah? Aigoo! Maipa check up nga itong puso ko bukas!
BINABASA MO ANG
I'M HIS FAKE GIRLFRIEND
Teen Fiction"To many feels with you, fake boyfriend." -Ackinn Kha