Hindi ko alam kung nasaan ako.
Ano bang lugar to? At higit sa lahat, sino ba ako?Kanina pa ako naglalakad dito, at madilim na rin ang paligid, lumalamig na rin ang simoy ng hangin.
Mabuti nalang nakasuot ako ng hoodie. Kulay itim ito. Pero hindi ko alam kung saan ko ito nakuha.
Para akong nawawala. Hindi ko alam kung sino ang pupuntahan ko. At kung ano ba itong lugar na napuntahan ko.
"Jimin!"
Patuloy lang ako sa paglalakad.
"Jimin! Park Jimin! Hoy sandali lang!"
Park Jimin? Sino ba iyon? Sa pagkakatanda ko iyon ang...
Lumingon ako at may isang babaeng lumapit sa akin. Hindi ko siya kilala pero bakit kilala niya ako?
"Yung notebook mo, naiwan sa room. O, ayan na. Sayang lectures mo pag nawala iyan." Sabi niya at binigay niya sakin ang isang blue notebook.
"Ge una na ko." Sabi ng babae at akma nang papa-alis pero pinigilan ko siya dahil mayroon akong itatanong.
"Park Jimin ba ang pangalan ko?"
Mukha siyang nagulat sa tanong ko pero agad rin itong binawi. "Ano ba namang klaseng tanong yan? Ok ka lang? May sakit ka ba?"
Ako nga. Ang pangalan ko sa lugar na ito ay Park Jimin. Pero bakit hindi ko alam?
"Sino ka? At bakit mo ako kilala?"
Tinitigan niya muna ako ng matagal. "Hello? Mag-kaklase tayo. Jennie here? Ano bang nangyayari sayo?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Mukhang may sakit ka eh. O baka kulang lang sa tulog? Maigi pa, umuwi ka na. Malamig na oh. Magpagaling ka okay?"
Ito ang huli niyang sinabi at tuluyan nang umalis. Kumaway pa ito at sumigaw ng "Get well soon!"
Napatingin ako sa notebook na ibinigay niya.
Dapat kong hanapin ang taong ito. Sa tingin ko ay may konneksyon kaming dalawa. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Wala nang tao sa paligid.
Park Jimin...
Napahinto ako sa isang grills na gate. Napatingin ako sa bintana ng bahay na nasa loob non. May isang taong naka-dungaw doon at nakatingin siya sa akin. Gulat ang ekpresyong nakita ko sa kanya.
Possible bang kilala niya rin ako?
Tumalikod siya sa bintana na para bang may tinawag.
Kilala kaya ako ng taong nakatira sa bahay na iyon?
Akma kong lalapitan ang gate.
Ngunit biglang naging itim ang buong paligid.At nawalan ako ng malay.
----
Reminder:
W O R K O F F I C T I O N
YOU ARE READING
THE OTHER ME | PARK JIMIN
Misterio / Suspenso"Hindi ko alam kung paano iyon nangyari. Hindi ko alam kung saan siya galing, kung bakit niya ako sinusundan... Ako si Park Jimin. At meron isang taong naghahanap sa akin. Sino siya? At bakit magkamukha kami?" THE OTHER ME | PARK JIMIN By: Jjangjjan...