Introduction

0 0 0
                                    

It's already 3:25 am and yea di pa ako natutulog kase tinatapos ko pa yung chapter 1,2,&3 ng pananaliksik namin. "namin" pero ako lang nagawa, wala kong maasahan sa mga kagrupo ko e. I stop typing, ghad ito na naman ako sa aking pag o-overthink na matatapos sa pagiging depress.

Kung di kaya kami iniwan ni daddy mangyayre kaya yon? I bet hindi kase first of all kung di niya kami iniwan wala ako dito. Kung di kaya namatay si lola mangyayare kaya yon? I bet hindi kase makikita or mararamdaman niya yon. Kung di ba ako humiwalay sa mga kapatid ko at sa mama ko mangyayare kaya yon? I bet again hindi. Pero wala e nangyare na ilang beses pa nga e.

Ilan pa lang yan sa mga iniisip ko tuwing nagooverthink at nadedepress ako minsan bago pa magparamdam yung depression ko natutulog agad ako para maiwasan pero ngayom natime-ngan na may ginagawa kaya di makatakas. Buti na lang si lolo lang kasama ko sa bahay di niya malalaman kase di naman na sya nakakakita so i cry silently baka kase magising pa siya e tanungin pa ko. Dahil lang naman sa kanya kaya nandito pa rin ako, alam kong gusto ni lolang samahan ko muna sya para di sya malungkot kaya andito pa rin ako pilit pinakikisamahan ang bawat araw na dumadaan,pilit pinakikisamahan ang mga taong naging dahilan kaya ako nagka ganito, pilit iniiwasang tapusin ang sariling buhay.

Lau: Deuteromony 31:8
Lau: John 14:27
Lau: Kapit lang men

Nagtataka kayo bat bigla syang nagchat? Baka nakita ata nya yung mga shinare ko alam kase niyang may depression ako usually kase pagmagkachat kami nata-timingan niyang inaatake ako ng depression so sa kanya ko naoopen up.

Ian(Me): I can't
Lau: You can, I know it
Ian: E I'm exhausted
Lau: Then take a break for awhile

Lau: wag kang mag alala kaya mo yan ipagppray kita

Panis yang mga tropa goals niyo oy

Ian: Gusto ko pang matagalang break na
Lau: Don't you dare
Ian: I'm trying not to
Lau: Keep it that way
Ian: Pero kase
Lau: Maraming taong namamatay na gusto pang mabuhay kaya wag mong sayangin ang buhay mo

Yes opo ganyan po sya masungit po talaga yan pero minsan makakavibes mo rin, siya nga lang ata nakakaintindi sa mga kalokohan ko may similarities din kami sa mga gusto kaya siguro nagkakaintindihan din talaga minsan.

Ian: Kung pwede lang makipagswitch e
Lau: Stop
Lau: Get yourself together marami pa kaming may care sayo
Lau: Basta andito lang kami ni Lupa, We got your back
Ian: Thank youuu. My double back e?

Sya si Lau (Lo not La-w) Tropa ko, Classmate ko since Grade 8 pero ngayon nagkahiwalay na nagtransfer out kase ako e. Yes lalaki po sya pero di kami talo dui. Sila lang dalawa ni lupa lagi nagcocomfort sakin pag nadedepress ako idk why, malaki naman circle of friends namin pero minsan di ko feel yung iba para bang di ako welcome kaya kami lang madalas magkakasama. Uunahan ko na po kayo di po ako tibo sadyang mas comportable ako sa kanila? boyish lang po madalas lang mapagkamalang tibo.

Ako si Aviana, Ian or Yana for short, 16 yrs ng nakikipagsapalaran sa mundo. Grade 11 ABM student Single/Brokenhearted and I Thank you.

A/N: Kung nababaduyan po kayo sa story feel free na wag basahin hehe i just want to write what's on my mind. Kamsaaa~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DeepREASONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon