G

115 7 2
                                        

Panimula.

"Gabby."

Natigil ako sa pagsusulat nang marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Nag angat ako ng tingin at agad na nagtama ang mga mata naming dalawa. He looked at me seriously.

"About what happened yesterday, kalimutan mo na yun."

Panguna ko na dahil alam ko namang iyon ang ipinunta niya dito ngayon.

"Fuck."

I heard him cursed softly. Kinunutan ko siya ng noo. He sighed then after.

"What were you doing there anyway? Akala ko ba hindi ka pupunta dahil may isinusulat kang bagong script?

Parang may halo pang tampo sa tanong niya. Nag iwas ako ng tingin bago ipinagpatuloy ang isinusulat. Narinig ko ang malakas niyang pagsinghap.

"Ga.."

Muli sana niya akong tatawagin noong biglang bumukas ang pintuan ng aking opisina. Iniluwa doon si Five.

"Good morning baby."

Nakangiting bati niya sa akin. Tumingin ako sa direksyon ni Nic upang makita ang kanyang reaksyon at ayun, nakasimangot at kunot noong nakatingin kay Five.

"Baby?"

Singit niyang tanong kaya nahinto sa paglalakad si Five papunta sa mesa. Lalong nagliwanag ang mukha ni Five noong mapansin niyang andito din sa loob si Nic.

"Man! Andito ka pala. Ngayon lang kita napansin."

Halakhak na saad ni Five bago nilapitan si Nic para sa man to man hug pero umiwas si Nic. Nagkamot na lang ng ulo si Five bago itinuloy ang paglapit sa akin. Pero gaya noong kanina, hindi natuloy dahil muling nagsalita si Nic.

"Baby?"

Ulit niya sa tanong kanina. Napatingin muli si Five sa kanya.

"Tawag ko lang. Wala lang. Trip trip lang."

Halakhak na sagot niya at tuluyan ng lumapit sa akin. He bent down and kissed me on the side of my head. Nakatingin ako kay Nic na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.

"Naglunch ka na ba? Tara. Libre kita. Magdate tayo."

Masayang anyaya niya sa akin.

"She can't. Busy siya sa new script na ginagawa niya para sa bagong gagawin kong movie."

Singit bigla ni Nic. Napatingin tuloy sa kanya si Five. Nagpalipat lipat ang kanyang mga tingin sa aming dalawa. Maya maya pa ay napahagalpak na siya ng tawa bago iiling iling na tumitig kay Nic. Pinantaasan lang siya ng kilay nito. Tumingin sa akin si Five at ngumisi.

"Hindi yan. Basta ako ang nag aya. Hindi makakahindi sa akin si Gabby. Mahal kaya ako netong bestfriend nating ito. At least ako, hindi ako totorpe torpe at pagago. Di gaya nung ibang kakilala ko sa tabi tabi."

Halakhak niyang sabi na siyang nagpakunot noo sa akin. Pinagsasabi naman ng isang ito?

"Tara na Gabby ko. Kain tayo sa labas. Libre ko. Sa paborito mong restaurant tayo kakain. Maya na yang pagsusulat. Gugutumin ka lang niyan e. Pag ikaw sumama sa akin, bubusugin kita ng pagmamahal, ay este pagkain."

Nakangising sabi pa niya. Natawa naman ako sa mga kalokohan niya. Nangingiting tumango tango ako sa kanya bago inayos ang gamit.

"Pa'no ba yan man, ako nanaman ang nauna. Ikaw kasi babagal bagal ka. Daig mo pa ang mga artista mo, pabebe ba."

Mahinang sabi niya kay Nic noong lapitan niya ito. Sinamaan lamang siya ng tingin nito bago tumingin sa akin ng masamang masama. Nagkibit balikat na lamang ako bago lumapit sa kanilang dalawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind The Scene(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon