This Chapter is dedicated to My anak anakan April Jane Lozano hihihi labyuu nak support mo naman story ko missyouuu 😘😘😘
-----------------------------
Hindi na ako mapakali sa upuan ko, gustong gusto ko na tumayo para magawa na yung pinaplano ko
Sakto pala ang pagpaplano ko kasi naalala kong P.E din namin ngayon BWAHAHAHAHA bale pag katapos ng break time namin ay P.E na what a very lucky day hahah pati ang panahon nakikiayon sa akin
Hindi na talaga ako mapakali sa upuan ko kaya pati yung katabi ko nasasagi ko na
Chinecheck ko kasi yung garapon na may langgam baka natapon na sa bag ko edi lagot ako diba!
Chineck ko ulit yung bag ko tas nagulat ako ng masiko ko si kwatog
"ARAAAAAY!" Ang Oa naman netong kwatog na to
Hindi naman masyadong malakas eh
"Ang oa mo kwa- ay Isaiah" sabi ko sakanya
Sakto namang nag dismiss na si Maam kaya di ko na siya pinansin
Dali dali ko hinatak si bes
At nagpunta kami sa locker ng mga bitches
Binigay ko na yung iba kay anikka para matapos kami kagad
Binuksan ko yung locker ni Miah, YES KOREK KAYO DIYAN! Siya yun! siya yung leader ng mga kolorete, siya yung nanampal sakin, hinayupak nato Miah pala pangalan niya
Hinanap ko na yung pam P.E niya HAHAHAH mamaya makakakita kayo ng literal na makati mga gaga!
Natapos ko ng lagyan ng langgam yung damit niya tsaka naman ako lumipat dun sa locker nung iba pa niyang kasama
Nang matapos kami ni beshy dali dali kaming pumunta sa locker namin at kinuha na namin yung damit namin
Pagkatapos naming magbihis pumunta na kami ng gym
At sakto wala pa yung mga kolorete sisters HAHAHAHAH
Naupo muna kami ni anikka sa bleachers habang hinihintay yung iba naming mga kaklase pati nadin yung teacher
Makalipas ang ilang minuto pumasok na yung mga mukhang hito HAHAHAHA
Ohaaaa! Nakarampa pa maglakad ang mga gaga HAHAHAH
Pagkaupo nila bigla nalang nangamot ng nangamot yung isa
Di ko mapigilang matawa sa nakikita ko dahil lahat sila nag uumpisa ng mangati
Lalo na si Miah
Aba mas madaming langgam ang nilagay ko dun no
Hindi nila pinapahalata sa iba naming kaklase na sobrang nangangati na sila
At sa wakas! Dumating na yung teacher namin
"Sorry class, Im Late may biglang meeting kasi. So for now dahil late na ako ilabas niyo nalang muna yung libro niyo and answer page 24" sabi ni Sir
Nanghinayang naman kaming lahat dahil sayang yung effort naming magpalit ng damit
Pero sakin okay lang HAHAHAHA nakaganti naman ako eh
Natapos naming sagutan yung libro namin kaya pinasa nanamin yun kay sir
Tinignan ko yung mga panget ayun kamot padin ng kamot HAHAHAHAHAH ang epic ng mga mukha hindi na makangiti HAHAHAHAHAH
Nakita ata nila akong nakangiti habang nakatingin sa kanila
Sabay sabay nila akong inirapan, mga gagang to
BINABASA MO ANG
Love Takes Time
Teen FictionA story that full of hopes that one day our true love will comes in a very unexpected circumstances of our lives.