Sana

39 8 7
                                    

Nagising ako nang may maramdaman akong mainit na brasong yumayakap saakin.

Tumagilid ako at pilit hindi pinapansin ang taong makulit na gusto akong gisingin at yakapin.

Mahal gising na.....marahan niyang sabi sa aking tenga.

Mamaya na mahal unting minuto pa at babangon na rin ako,sabay talikod ulit sakanya.

Narinig ko siyang tumatawa kaya agad akong napabalikwas at tinitigan siya.

Mula sa mata niyang kumuha ng puso ko. Sa mapuputi niyang ngipin na lumalabas sa kanyang pag ngiti at pag tawa. Ang kanyang biloy sa kanang parte ng kanyang labi na lumalabas habang siya ay nagsasalita. Ang kanyang tenga na palaging handang makinig sa bawat hinanakit ko sa buhay. Ang kanyang ilong na paboritong amuyin ang aking pabango.

Hay napakagwapo ng mahal ko.

Bakit ka tumatawa mahal? Tanong ko habang nakatitig sa kanyang mapang akit na mga mata.

Mahal pang limang beses mo na kasing sinabi ang eksaktong linya na yan.sabi niya habang nakangiti ng malapad saakin.

Ganun ba parang wala akong natatandaan.

Maiba ako ng usapan bakit ka pala nandito mahal,ang aga pa ah. takang tanong ko sakanya.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang ngumuso at tumalikod saakin.

Hindi mo na naman natatandaan kung anong meron sa araw n ito mahal,last year nakalimutan mo din. Hay nagtatampo na ako mahal ah. Malungkot niyang sabi sakin.

Ano bang meron ngayong July 16 liban sa day off ko parang wala namang kaganapan sa buhay ko ah.

Tinignan ko ang planner ko para makita kung anong plano ko ngayong araw at ganun na lang ang pagkabigla ko ng makita ko na magdi-date pala kami ngayon ni mahal dahil anniversary namin.

Mahal.....tawag ko sakanya.

Mahal sorry na,mas lumapit ako sakanya.

Bati na tayo please.sabi ko na may kasamang pagkalabit.

naaalala ko na kung anong meron ngayon.kalabit ko uli sakanya.

Tumayo na ako at humarap sakanya ng nakangiti sabay hawak sa mga pisngi niya para mas makita ko siya.

Happy 3rd anniversary mahal!!! I love you Ethan Bien Lopez!! Masayang bati ko sa taong pinakamamahal ko.

Nakita ko siyang napangiti sa sinabi ko. Kaya agad niyang hinapit ang bewang ko at yinakap ako.

Nakakainis ka naman mahal eh,nagtatampo pa ako tapos biglang may ganyan sayang tuloy yung pagarte ko. Nakanguso niyang sabi saakin,hay napakakyut ng mahal ko.

Ay oo nga pala babati din ako. Happy anniversary din mahal ko at mahal na mahal din kita Inggrid Nikolai Olbes!! Sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

Tumayo na ko at hinila ko siya.

Halika na mahal ipagluluto kita ng paborito mo pangbawi ko.

Dapat masarap yan mahal ah. Parang nagdududa niyang sabi.

May niluto na ba akong hindi masarap? Tanong ko sakanya.

Siyempre wala,halika na. Sabay hawak sa kamay ko.

Mahal kita,mahal huwag mo akong iiwan ah. Sabay halik sa pisngi niya.

Mahal din kita mahal at siyempre hinding hindi kita iiwan.............

At sabay naming nilisan ang kwarto ng magakahawak ang kamay.
































KRIIIIIIIIIIING.........KRIIIIIIIIIIIIING.............KRIIIIIIIIIIIIIIING......

Agad kong pinatay ang alarm clock.

Panaginip........

Isang napakagandang panaginip na tipong hihilingin ko na lang na sana sa panaginip na lang ako nabuhay dahil buti pa ang sarili ko sa panaginip masaya kasama ang mahal niya eh ako.......

Ako nandito mugto ang mata kakaiyak dahil sa hindi na mabilang na beses na pang-iiwan at pagpapaasa niya saakin.

Sana palagi na lang tayong masaya.

Sana hindi lang ako ang nagmamahal.

Sana mahalin mo na lang ulit ako mahal......








Author's note:

Thank you po sa mga nagbasa at nagvote thank you po ng sobra.

Hi guys itutuloy ko na po siya kaya lang baka hindi aabot ng ten yung mga chapters itutuloy ko lang po talaga siya dahil sa aking friend hahaha. Thank you po ulit

Ciao!😘

















Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon