Prologue

10 0 0
                                    


'Lagi kana lang gumagawa ng hindi naayon sayong posisyon Niana! Hindi mo ba naiisip na ikaw ay prinsesa! Hindi mo ba naisip na kung ano ang sasabihin saamin ng mga taong nakakakita sa mga pinag gagagawa mo!' Mahabang alintana ni ama

'Adhuste tama na' awat sa kanya ni ina

'siguro nga! Tamang ipatapon kita ng pitong buwan sa lupain ng mga tao baka sakaling magtanda ka!'

'Pero ama! Ayoko sa lugar nila ama naman sila ang sumisira ng mundo natin!' Sagot ko kay ama

'buo na ang desisyon ko niana! Diego pakitawag si alishia' utos ni ama sa kanyang kanang kamay

'ama naman! Magagawa mo ba talagang akong ipatapon sa mundo ng mga tao?' Pakiusap na tanong ko sa kanya.

'Oo kung iyon ang paraan para magbago ka niana! Sawang sawa nako anak! Sawang sawa nakong may saway sayo! Ang laki laki mo na pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo parin magawa ang mga tamang gawain puro ka kalokohan ang alam mo! Diego tawagin mo na ngayon din' sabi ni ama

'masusunod mahal na hari' sagot ni diego sa kanya.

Naupos si ama sa upuan nya at hinilot ang sintido.
Yumuko ako dahil sa hindi ko na alam ang susunod kong gagawin.

'Anak magayos kana ng gamit mo' sabi ni ina saakin napatingin ako sa kanya

'ina bakit hindi kamanlang tumutol sa gusto ni amang hari saakin?' Ani ko kay ina

'Pasensya na anak mahal kong niana ngunit napagkasunduan na namin ito ng iyong ama. Si alishia ang maghahatid sayo, sayong tutuluyan pero anak tandaan mo ito. Hindi ka pwedeng gumamit ng kapangyarihan sa mundo ng mga tao dahil kapag may nakakita sayo maaring mapahamak ang mga lahi natin, delikado ang paggamit ng kapangyarihan sa mundo ng mga tao anak maaari ka nilang hulihin at ang malala pa ay pag eksperementohan ka nila dahil ikaw ay may taglay na kapangyarihan. Anak ko ang magiging buhay mo doon ay hindi kagaya dito na malaya ka, doon ay maraming patakaran, maraming bawal gawin at madaming mga dapat gawin. Mahal na mahal ka namin ang iyong ama niana kaya sanay maintindihan mo kung bakit namin napagpasyahan na gawin ito sayo. Marahil ay pagbalik mo dito maging isa kang mabuting reyna' mahabang sabi ni ina.

Napahinga nalang ako ng malalim kahit na sabihin ni ina na intindihin ko sila ni ama tila hindi ko parin alam kung bakit hindi ko sila maintindihan, hindi ko sila kayang intindihin.

Lubos akong nalukungkot halos halo halo ang nararamdam ko ngayon nalulungkot, natatakot, kinakabahan iniisip kung anong mangyayari sakin.

Ang Alalay kong PrinsesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon