May isang kaharian na nagngangalang Mandala, kaharian kung saan marami itong magagarbong klase ng bulaklak, puno o mga halaman.
Ang kahariang Mandala ay mayaman sa likas na yaman. Hindi mapagkakaila na ang kahariang Mandala ang isa sa pinakamaganda at pinakatanyag na kaharian sa lugar ng mga hindi ordinaryong tao.
Sila ay may mga taglay na kapangyarihan, kaya nilang magpatubo kaagad agad ng halaman, magbigay sigla sa mga halaman, magbigay ng sapat na tubig at sapat na init sa mga halaman, mag bigay ng magandang lupa para sa halaman at magpagalaw ng kung ano mang bagay.
Noong unang panahon dito sa kaharian ng mandala ay may magasawang nagngangalang haring adhuste at reyna solidad. Sila ang nagpapatakbo sa buong kaharian ng Mandala. Napapatakbo nila ito ng maayos, masasaya ang lahat sa kanilang buhay na makukulay gaya ng mga tanim nilang mga halaman, walang kinatatakutan. Ngunit lahat ng ito ay nagbago dahil sa mga tao.
Kilalanin natin si Aladin isang ordinaryong tao, sya ay isang magsasaka na naging hardinero ng mga pamilyang manansala. Nakilala ni aladin ang dalagang anak ni Don Manansala simula ng ito ay umuwi galing sa malayong lugar o tinatawag nating ibang bansa.
Isang araw nakita nya ang sasakyan ni don manansala sa gitna ng daan papunta sa mansyon ng manansala. Nagulat sya ng may isang bumaba na dalaga.
Tila bumagal ang lahat sa kanyang paningin isang kita palang niya sa dalaga ay nabighani na siya may maninipis na mga labi, at sapat na katangusan ang ilong may magagandang mga mata na animoy parang kumikislap kung ito'y iyong tititigan may makakapal at mahahaba na pilik mata na tumutulong sa mga mata nya para sa mas maging mapungay ito, may mahahabang bagsak na buhok at ito ay makintab na itim na mas lalong nakakapagbigay ganda sa kanya, maganda ang hubog ng kanyang katawan makinis ang mga balat mula ulo hanggang paa.
Ang mga iyon ay agad niyang napansin sa dalaga sa isang titigan lang. Lubha pa syang nahulog sa dalaga ng sya'y itong nakausap ng isang beses para tulungan nyang buhatin ang mga gamit nito.
---- Magbalik Nakaraan ----
'Binibini, maaari ba kitang tulungan?' Tanong ni aladin sa binibining nagngangalang Rose Manansala agad na napatingin sa kanya ang binibini at sinabing
'Maraming Salamat, ngunit hindi ba ako makakaabala sayo kung magpapatulong akong magpabuhat ng mga gamit ko?' Tanong ng binibini dahil napansin nyang may dala itong malaking gunting panggupit ng halaman.
Agad itong napansin ni aladin at humingi ito ng pasensya sa binibini.
'Pasensya na binibini saglit lang ito' bahagyang napatawa ang binibini sa ikinilos ni aladin.
Habang si aladin naman ay kumaripas ng takbo inayos ang mga gamit at naghugas ng kamay para hindi naman nakakahiya sa binibini.
Bumalik si aladin sa binibini. 'Binibini akin na ang lahat ng iyong mga dala at ng makapasok kana sa loob ng mansyon' agad na kinuha ni aladin ang tatlong bagahe sa loob ng sasakyan. Dalawang maleta at isang maliit na lalagyanan ng maliliit na bagay.
'Maraming salamat, ano nga pala ang iyong ngalan?' Sabi sa kanya ng binibini napangiti ng lihim si aladin dahil kinausap sya nito
'ako si aladin binibini, isa akong hardinero dito sa hacienda manansala, dati akong magsasaka sa labas ng lupaing ito, pero ng makilala ko si don manansala ipinagkalooban niya ako ng trabaho na maging hardinero dito sa hacienda manansala kapalit ng dalawang daang piso na bayad saakin sa araw araw' nakangiting sagot ni Aladin sa binibini
BINABASA MO ANG
Ang Alalay kong Prinsesa
FantasyIsang prinsesang ipinadala ng kanyang sariling ama sa mundo ng mga tao. isang mundo na malayong malayo sa kanyang mundong kinagisnan. Isang prinsesang naging Alalay. Makakaya nya kaya na tumagal ng Pitong Buwan sa mundo ng mga tao?