Tula Para Sayo

1 1 0
                                    


Hanggang kailan ka magpapangap na kaya mo pa?
Hanggang kailan ka magkukunwaring ayos kalang?
Hanggang kailan mo papasahin ang pasahin na iyong nadarama?
Hanggang kailan mo titiisin ang sakit na humahampas sa iyong dibdib?

Sa panahong puro problema nalang
Sa panahong hirap  na hirap kana
Sa panahong gustong gusto monang sumuko
Sa panahong hindi mo na kaya

Sa panahong akala mo ay wala kanang makapitan
Sa panahong akala mo ay mag isa kana lang
Sa panahong wala ng katuturan ang iyong buhay
Sa panahong naliligaw kana sa kawalan

Sa araw na bagsak na bagsak kana
at lupa nalang ang sumasalo sayo
Sa araw na umiiyak kana at sinasabing di mo na kaya
Sa araw na nalulumod kana sa dagat ng pasakit at paghihirap
Sa araw na gusto monang mawala at maglahong tuluyan dito sa mundo

Nandito lang ako at wag kang mahiyang;
Ibuhos  mo sa akin ang luha ng  pasakit
Ibuhos at pa-agusin ang iyong hinagpis
Isigaw mo sa akin ang iyong paghihirap
Isigaw mo sa akin mga daing mo sa buhay
Isigaw mo ng malakas!

Kung nanghihina kana at di mo na kaya;
Bibigyan kita ng pahinga
Bibigyan kita ng pagsubok
Bibigyan kita ng lakas
Bibigyan kita ng kalinga
Bibigyan kita ng pananampalataya
Bibigyan kita ng pag asa

Nandito ako yayakapin ka
Nandito ako proprotektahan kita
Nandito ako para makinig
Nandito ako para umunawa
Nandito ako para tumulong
Nandito lang ako lagi sa iyong tabi
at binabantayan ka
tanong SINO AKO? na laging gumagabay sayo at kailan man ay hinding hindi kita iiwan at pababayaan!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tula Para SayoWhere stories live. Discover now