Marcescent

13 1 0
                                    

marcescent (adj.) withering, but remaining attached to the stem

Ako 'yung tipo ng tao na mabilis ma-attach.


You, of all people, should know that, Israel.


Napakabilis kong magtiwala sa tao. When I start feeling like my vibe is also your vibe, agad akong makikipag-usap and will do my best to prolong the conversation—even if I'm a bad conversation killer.


Ramdam mo naman siguro sa'kin 'yun di'ba, El?


Like, seriously. Wala pa ata tayong isang linggong close yet you already won me over. I never stayed up late for a person— for anime, manga, and a book, maybe I will, but for somebody else, I never did— until you came.


I always look for ways to widen our conversation. Gustong gusto talaga kitang kausap. With your quick wit and adventurous life, you had me.


Nung una naman kasi, although crush na talaga kita dati pa, wala naman akong pake sa'yo. Crush lang kita.  Isa ka sa mahabang listahan ng crushes ko. Habang may ka-MU ako, crush na kita; and that's all there is to it. Kahit anong pagpapapansin ginagawa ko. I had nothing to lose. Ano ngayon kung maturn-off ka? And in our case, lagi kitang hinihingian ng limang piso.


BUT DON'T GET ME WRONG! Hindi lang ikaw 'yung hinihingian ko ng payb. Si Alexis din at si Lemmy at Charles at Macmac at JM at Hill at Casing at Ken at Ate Aira at napakaraaaaaaaaami pang iba. 


'Yun kasi 'yung form ko ng paglalambing sa inyo (sa'yo). 'Yun bang haharangin ko kayo (ikaw) sa daan tapos isisigaw ko 'yung pangalan niyo (mo) tapos kapag lumingon ka na, papakyuhin ka bigla? Yup, I am that girl.


Gusto ko sana iprolong din 'to eh. 'Yung closeness natin. Sana para rin 'tong conversations sa messenger na pwede kang magchange colors. Kaso hindi.


Kasi El... natatakot na ako.


Natatakot na ako sa mga nangyayari. Natatakot ako na baka nahahaluan na ng iba ito. Natatakot ako na baka nagkakagusto na ako sa'yo.


Natatakot ako, Israel, na baka makulayan na ng ibang kulay 'yung nararamdaman ko para sa'yo. Gusto ko sana, na bago ako umalis, pagkakaibigan lang ang namamagitan sa ating dalawa. Gusto ko sana, na magkaibigan lang tayo.


At oo, maaari ngang magkaibigan lang tayo. Maaari ngang pagkakaibigan lang talaga ang meron sa atin. Maybe I'm just reading too much into things, even if I know na all this time, kay Yette ka lang talaga.


Pero El, paano? Dumating ako sa punto na kinikuwestiyon ko na 'yung pagiging loyal mo kay Yette, at El, umasa na ako nun. Sino bang hindi? El, sobrang caring mo. Sobrang husband material ka. Gwapo ka, magaling magdrawing, magaling maggitara, magaling sa sports, matalino, magaling magluto, at sobrang bait. Sobrang galing mo ring magbigay ng motibo.


Kasi El, kung kay Yette ka lang talaga, ano 'to? Ano 'yung mga pinaparamdam mo sa'kin? Ano 'yung pagtatanong mo nung aalis kami ni Karl as if magjowa tayo? Ano 'yung pagmamyday mo ng picture natin nung recognition? Ano 'yung sinasabi mo kanila Shai na ang cute ko? Ano 'yung sinasabi ni Alexis na ako raw 'yung bukambibig mo? Ano 'yung paghihintay at pagpipilit mo sa'kin na mag-online? Ano 'yung pinagbabawalan mo na 'kong pumunta kila Yshee kasi galing na 'ko doon? Ano 'yung pakikipagkwentuhan mo sa'kin ng apat na oras kahit alas dose ka na umuwi? Ano 'yung pagyayaya mo sa'king magBenGen? Ano 'yung lagi mo 'kong niyayayang gumala? Ano 'yung pagpipilit mo sa'king 'wag nang umalis?


Ano 'yun, El?


Ano ba talaga?


You take me high everytime, Israel. You're slowly becoming my drug. But, just like any other illegal substances, I come crashing down because of you. 


Every time na may motibo kang pinapakita, binabawi mo rin 'yon. Hindi ko alam kung bakit. Every time na feeling ko, may something na, lagi mong hinihila pabalik 'yon. 


Nung akala ko espesyal ako kasi lagi mo akong niyayayang gumala, sabi sa'kin ni Alexis, ganun ka raw talaga, laging sinasabi sa group chats niyo na "gala tayo". 


Nung akala ko espesyal ako kasi pinipigilan mo akong umalis, sabi mo mawawalan ka ng tropang kagaya ko.


Nung akala ko espesyal ako kasi minyday mo 'yung picture nating dalawa, after a few days, nagmyday ka rin tapos sinabi mong ang cute ni Yette kasi bagong  gupit.


Nung akala ko espesyal ako kasi niyayaya mo ako mag-BenGen, biglang hindi natuloy kasi nasa Batangas ka. Handang handa na 'ko non. Sobrang handa— naplantsa ko na 'yung susuotin ko, nalinis na 'yung sapatos ko, at ipapaplantsa ko pa sana 'yung buhok ko. But you cancelled kasi nga wala ka.


Akala ko espesyal ako.


Akala ko lang pala talaga 'yon. 


But for that matter, alam kong espesyal talaga sa'yo si Yette. I mean, duh, you talk about her as if she's some goddess. You look at her as if she's your everything. And maybe she really is.


Please don't think that I wrote this to beg for your love, care and attention. I know you will not read this story, but I wrote this for you to feel how much appreciated you are.


I appreciate you despite your flaws.  I appreciate you for your everything. Please keep that in mind. 


Alam mo ba, sabi ko kay Yeyeh, 'pag nakuha kita, hindi ako aalis. And I mean it. 'Pag naging akin ka, walang Kim Crista Elicanal na lilipat sa Pasig. Dito lang ako sa'yo. 


Pero alam mo rin ba, El, na kaya 'yun 'yung deal namin, ay dahil alam kong imposible? Imposibleng makuha kita. Imposibleng maging akin ka. Kaya ito 'yun ginawa kong deal, dahil I'm very much aware na hindi pwede, dahil nga nakatali 'yung puso mo kay Yette. And these feelings of mine? Malalanta rin 'to. Hindi rin magtatagal, kapag hindi na nadidiligan ng mga motibo mo, mamamatay din at malalanta ang mga dahon ng nararamdaman ko para sa'yo.


Pero kahit kailan,  hinding hindi ito mapuputol mula sa sangang kinakapitan nito. At ang sangang ito, mahal, ay ang puso ko.


Because you'll always be in my heart, Israel. You'll always be my marcescent.

MarcescentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon