Hindi pang isang beses na tatawag si hazel kay heart matiyak lamang nito na hindi sila magkasama ni lupin.. "hello hazel, naglalaba kasi ako ng uniform ko kaya di ko agad nasagot mga tawag mo, may kailangan ka ba?", " wala naman heart, like lang kita makakwentuhan", sagot ni hazel sa kabilang linya. " ang totoo niyan heart, like ko lang talga makasigurado na kung di ba talaga kayo magkasama ni lupin" .pagpapatuloy na paliwanag ni hazel. Buntong hininga lang ang sagot ni heart sa kanya..." sorry talaga ha heart, akala ko kasi hindi ka tumutupad sa usapan". dagdag pa nito...
"alam mo hazel, mahal ko si lupin pero dahil may usapan tayo na iwan siya, titiisin ko ang sakit..my word of honor din naman ako." aniya ni heart na halatang naiirita at naiinis na kay hazel. " heart, to be honest with you, nagtext sa akin si lupin, nakipagbalikan siya sa akin, di ko alam ang gagawin ko.mhal ko siya but wala na akong tiwala. dahil sa mahal ko siya, nasira ko yong usapan natin, naging kami na ulit ni lupin.kasi sabi niya, ako daw talaga ang mahal niya at hindi ikaw."Hindi nakaimik si heart sa katotohanan na sinabi ni hazel, ..Parang pinagtaksilan siya tulad ng ginagawa ni lupin sa kanya..." ano eto hazel, pinaglalaruan nyo ba ako ni lupin, kung mahal mo siya, magbalikan kayo, di muna kailangan na sabihin mo pa sa akin mga plano niyo, pinagseselos mo ba ako?" panunumbat ni heart kay hazel. "No! may plano ako, tulungan mo ako, like ko makasigurado na talagang nagsasabi ng totoo si lupin sa akin.please, pagbigyan mo ako heart", muling nakikiusap si hazel ky heart. " anu naman plano mo?"'! bukas, magkita tayo sa mall, like kitang makita ng personal heart, makausap....like ko etext mo si lupin but please heart wag mong sabihin sa kanya n magkita tayo bukas ng tanghali, sagot ko, libre kita..excited akong makita ka heart..ok lang ba sayo?" " hayz! ok hazel, no choice ako, di ko alam anu ba talaga ang gusto mong mangyari..ok bukas after my class, para sayo aabsent ako sa afternoon subject ko, lakas mo sa akin," ...
"Ano kaya ang gustong mangyari ni hazel? bakit kaya like niya ako makita ng personal?like ba niya makita kung anu ang hitsura ko?kung pangit ba ako o maganda?makipgtalbugan ba siya?sorry ka hazel, paghahandaan kita, ipakita ko sayo na karapat dapat akong piliin ni lupin...nakakatawa naman, first time ko eto", pangiti ngiti si heart habang naghahanap ng magandang damit, sexy pero maayos tingnan..
"hello hazel, tagal ka pa ba?pangungulit ni heart kay hazel sa phone dahil inip na eto sa kakaantay.medyo sa malayong bayan manggagaling si hazel kaya natagalan eto. " pababa na ako ng jeep heart, naka orange t-shirt ako", Tanaw ni heart ang isang babaeng naka orange na blouse, maputi, medyo matangkad, chubby at sapat lamang ang kagandahan, higit sa lahat, nakamini skirt eto kaya litaw na litaw ang kaputian ng mga hita nito.. Nilapitan eto agad ni heart..."hazel?" tanung ni heart habang nakangiti. "yes?heart?" sagot naman ni hazel sa kanya na nakangiti din. "nice to meet you hazel, pasok tayo sa loob, doon tayo magkuwentuhan", yaya ni heart... " ang sexy mo naman hazel, hiyang hiya naman ako sayo'", sambit ni heart sabay tawa. nakatingin lang sa kanya si hazel na tila ba pinag-aralan ang kanyang buong mukha, pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa...nakaskinny jean siya that time at nakablouse ng color yellow na bagay na bagay sa skin complexion niya " maputi ka pala heart", " bakit, anu ba sa palagay niya?negrita ako at taong taga bundok?" bulong ni heart sa sarili niya. " di naman masiyado, hindi katulad sayo hazel, pahumble na sagot ni heart. " maliit pa la mata m, singkit kunti", pagpatuloy ni hazel... " bulag ba siya, cute eyes lang ako, d singkit, kasi ikaw malaki eyes mo, " pangungutya ni heart pero isip lang niya sinasabi.. "thanks hazel", kaplasikan na sagot ni heart. " maganda ka pa la heart", Papuri ni hazel sa kanya. " abay, akala nito mukha akong bakekang, hello, di ka lolokohin ni luipin kung hindi ako maganda, ambisyosa nito, akala nito maganda, hello, maputi ka lang sa akin no...di ba niya alam na manila girl ako,kutis mayaman ako noon, asar ha?,pasalamat siya nangitim lang ako dito sa bundok, kundi, panis beauty mo sa akin, heheheheh.!" muli na naman kausap ni heart ang sarili.
" magkatext ba kayo ni lupin,?", tanung ni hazel sa kanya. "yes! tulad ng plano mo, yun ang ginagawa ko", sagot ni heart. " alam ba niya na magkikita tayo?", usisa ni hazel sa kanya. ikaw ba sinabi mo sa kanya na magkikita tayo?'", balik tanung ni heart kay hazel. " hindi din, text natin siya, sabay tayo magtext sa kanya, tingnan natin kung magrereply siya sa atin pareho", pag-uutos ni hazel sa kanya. Tulad napagsunduan, sabay kinukumusta nila heart at hazel si lupin...Habang inaantay ang reply, nagkwentuhan sila at naging topic si lupin.
"hazel, may binigay ka ba na teddydog kay lupin, maliit lang?" biglang tanung ni heart, "yes, last month na sinama ko siya sa divisoria, my business kasi ako ng baloons heart, namimili ako sa manila, so, sinama ko si lupin tapos may nadaanan kami ng mga laruan at bears, ayaw ko sana yong bilhin kaso nakasimangot siya, gusto daw niya iyon, tinatanong ko nga kung para kaninu bakit gusto niya ipabili sa akin, sabi niya ibibigay daw niya sa pamangkin niya", mahabang pagsasalaysay ni hazel sa kanya..
" alam mo, last 2 weeks, pumunta ako sa kanila, doon ako natulog, may binigay siya sa akin na teddydog, sabi niya binili daw niya yun para sa akin, kasi nagpaalam siya na may party daw siya sa laguna, kasal daw, waiter daw ciya, hindi ko akalain na ikaw pa la ang kasama niya that time.iyong binigay niya, nakalimotan ko dalhin,sayo pa la iyon.".. , pag-aamin ni heart kay hazel.
Nakatulala lang si hazel sa mga narinig niya..."heart, napansin mo ba na nagsusuot ng panty si lupin?, panty ata ng nanay yong suot niya. Sabay nagtawanan ang magkaribal. "oo, one time na magkasama kami, first time ko nga nakakita ng lalaki na ngasusuot ng panty ei,", sagot ni heart na tawang tawa sa mga napag-usapan nila " kaya sinama ko si lupin sa mall, binilhan ko ng brief, dickies ung tatak, nagsale kasi kaya binilhan ko siya ng 2 piraso", Pangiting ngiti na pagkukwento ni hazel habang si heart naman nakatulala sa mga narinig niya.."totoo,?ikaw ang bumili noon?kasi sabi sa akin, siya daw ang bumili noon, 250 each daw, sabi niya, bibilhan daw sana ako kaso nagkulang ang pera niya...wow...liar niya talagal.sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakatagpo ng taong ubod ang pagkasinungaling." sambit ni heart na may halong galit na biglang tumunog ang phone niya..." hazel, si lupin nagtext, sayo nagtext ba?kakagising lang daw niya, sayo, nagreply na ba? pagtatanung ni heart ky hazel. hindi pa ei, bka nag-iisip pa ng sasabihin, " muli naman nagtawanan ang dalawa. Nagtext ulit si lupin kay heart hanggang tatlong beses. "wala pa rin ba sayo?", usisa na ni heart kay hazel na abang na abang sa phone niya.. " eto nagtext na, kumusta na daw ako.,oh shit lowbat ako, wait lang heart, pipila ako sa burger king, makikicharge ako doon, baka may text pa si lupin",
.
Panay text ni lupin kY heart habang si hazel panay tanung kung nagtetext eto at kung anu ang mga sinasabi nito,. " nakapagcharge na ako kahit konti, buksan ko lang baka marami na ding text si lupin dito". habang titig na titig si hazel sa phone niya panay tulo ng luha niya, nabigla si heart sa nakita niya, naawa eto at hindi niya maitindihan kung anu ang nararamdaman nito, kaya hindi niya napigilan ang sarili na lumapit kay hazel.
" tahan na hazel,anu ba ang sabi ni lupin sa mga text niya sayo?, pagtatanung niya ni heart. "wala heart, wala siyang sinabi kasi wala na siyang text sa akin maliban sa unang text niya, ikaw talaga ang mahal niya at hindi ako, kasi sobrang dami niyang text sayo while sa akin, eto isa lang, kumusta lang.ang ganda mo pala heart, akala ko kasi pinagpalit ako ni lupin sa isang pangit na taga bundok.kaya nga gusto kitang mkita ei, ngayon, naitindihan ko kung bakit niya ako pinagtaksilan kasi maganda, ", humahagulhol na ng malakas si hazel at wala ng pakialam sa mga taong kumakain.
Minabuti na lang ni heart na hindi magsalita hanggang nakapagdecide na si hazel na umuwi kasi hindi na siya kayang pagmasdan nito dahil sa tuwing nakikita siya, higit eto nasasaktan sa nangyari, hindi na din nakapagreply si heart kay lupin kaya sunod sunod naman ang pagtunog ng phone niya na narirnig ni hazel.
kapwa umuwi na sila sa kanila- kanilang bahay nang biglang nagtext si hazel ky heart. " ikaw talaga ang mahal niya, give up na ako heart, sobrang sakit, nasa iyo na kung kaya mo pang tanggapin si lupin sa buhay m kasi ako, ayaw na ayaw ko na talaga,", ang nilalaman ng text ni hazel para kay heart.
BINABASA MO ANG
Why You Still Single?
Teen FictionWhat are the reason behind why the most men and women still single? Takot nga ba sa responsibilidad? o takot magmahal at masaktan muli?