VI
Kararating lang ni Chris sa kanilang bahay. Makikita niya ang kanyang ina na abala sa paghuhugas ng pinggan. Maya-maya ay mababasag nito ang isang pinggan.
Clara: ay kabayo!
Chris: Nay naman hindi na naman kayo nag-iingat
Clara: pasensiya na dumulas sa kamay ko
Naroon din ang kanyang kapatid na si Mico.
Mico: kuya pinggan lang naman iyan.
Chris: pag naubos ang pinggan eh di bibili na naman gastos na naman.
Mico: Kuya pengeng pambili ng project ko, may pinapadala titser ko.
Chris: Hindi ba kabibigay ko lang sa iyo nun isang araw?
Mico: Kulang eh,
Chris: Wala na kong mabibigay sa iyo.
Clara: Anak may kaunting natira sa akin, ako na lang ang magbibigay sa iyo.
Mico: ang damot mo naman.
Chris: ako pa ang madamot, ako na itong parating nagbibigay, kala mo naman ang taas ng sweldo ko.
Clara: Mico, Chris tama na, nagaaway na naman kayo, Chris ikaw ang panganay ikaw dapat ang umuunawa.
Chris: ako na naman ang nakita niyo!
Clara: Magkapatid kayo dapat nagbibigayan kayo.
Chris: Makalabas na nga.
Lalabas si Chris.
Mico: Bakit ganun ang kuya?
Clara: Hayaan mo pagod lang siguro, intindihin mo na lang.
VII
Nagprepresent si Chris ng article sa office.
Chris: The first phase of first love is lust, attraction and attachment. the close intimacy developed during the period of first love involved openness, trust and sharing attitude.
Manager: Nice presentation, I like it naalala ko tuloy ang first love ko.
Chris: Thank you po.
Belle: Sabi naman sa iyo magagawa mo iyan eh.
Manager: Tignan natin if pwede na kitang mapromote as Executive Editor in Chief ng magazine natin.
Chris: Thank you sir.
Belle: Dapat magpakain ka naman sa Jolibee.
VIII
Nag-iisip si Chris. Makikita niya ang teddy bear na nilalaro niya noon bata pa siya.
IX-FLASHBACK
Makikitang abala sa paghahain si Clara, lalapitan siya ng batang si Chris na nasa edad 7 taon gulang.
Clara: O Bakit?
Chris: Nahulog po kasi si teddy sa kama, iyak siya ng iyak.
Clara: sige yayakapin ko para sa iyo para hindi na siya umiyak.
Yayakapin ni Clara ang teddy bear
Chris: gagaling na po ba siya?
Clara: Oo naman niyakap na siya ni nanay.
BACK TO PRESENT:
Yayakapin ni Chris si teddy. Papasok si Mico.
Mico: Ano ka ba kuya? ang tanda-tanda mo na naglalaro ka pa.
Chris: Tumahimik ka nga baka gusto mong masaktan
Mico: Makalabas na nga.
X
Lalabas si Mico dala ang libro. Mauupo siya habang naglilinis si Clara.
Clara: anak mag-aral ka ng mabuti, yan lang ang maipapamana ko sa iyo ang edukasyon.
Mico: opo.
Clara: tandaan mo hindi kami nagtatae ng pera , pinaghihirapan namin ng kuya mo ang binabayad mo sa tuition.
Mico: Pagbubutihan ko po.
Clara: Yun iba kasi dyan ang bata bata nagboboyfriend na, nagaasawa, tandaan mo pag nakatapos ka, magkakaroon ka ng magandang kinabukasan.
Mico: alam niyo po kasali po ako sa quiz bee.
Clara: galingan mo ha, para kang kuya mo, noon nag-aaral pa siya mahilig din sumali sa mga school activities.
Mico: Bakit parang parating galit si kuya sa atinb?
Clara: Pagpasensiyahan mo na stress lang iyon sa trabaho.
Mapapaisip si Clara.
to be continue