Thanks for the Mommieries!

79 2 2
                                    

Simula ng nasa sinapupunan pa lang tayo hanggang sa tayo ay maipanganak siya na ang naging ilaw natin  para maging gabay sa ating paglaki.Simula ng dumating tayo sa buhay niya naging masaya siya.

Lumipas ang panahon at tayo'y mag-aaral na. Hindi siya nagpahuli at tinuruan tayo ng abakada.At pati sa pagsulat at pagbasa.

Pag tayo ay nasusugatan, siya ang unang nangangamba.

Pag inaaway tayo ng kalaro at tayo ay umiyak,tawagin lang natin siya at tayo'y ipagtatanggol niya.

At kahit tayo ay malaki na lagi siyang nandiyan at di tayo pinapabayaan.Patuloy niya tayong minamahal at kahit ilang taon pa ang dumaan hindi magbabago ang kanyang nararamdaman.Hindi mahihigitan ng sino man ang pag-aalagang kanyang ibinigay habang siya ay nabubuhay.Sa dami ng kanyang pinagdaanan,hindi siya nagpakita ng kahinaan.Minsan nga kahit hindi sila ang dapat magtrabaho ay ginagawa nila para sa ating kinabukasan. O kaya kahit nag-iisa sila para buhayin tayo ay hindi sila sumuko.Pinapasok nila ang iba't ibang mapagkakakitaan para lang may pangbaon tayo pagpasok sa eskwela at may maipambayad tayo sa mga gastusin sa bahay.Minsan iniisip natin na madali ang buhay ng isang katulad nila pero hindi pala dahil hindi nila alam ang gagawin nila pag parating na ang gastusin.Pag may sakit o hindi maganda ang ating pakiramdam,labis ang kaniyang pag-aalala.May mga ilang katulad niya na nangingibang bansa para magkaroon tayo ng matiwasay na buhay,para matustusan ang ating pag-aaral at para sa ating kinabukasan.Sa lungkot at ligaya siya ang ating kasama,sa pagharap sa hamon ng buhay siya'y kaagapay,sa oras ng iyong kailangan tunay na maaasahan,kung tutuusin wala ka nang mahihiling pa o hahanapin pa sa isang katulad niya.Gagawin niya ang lahat para lang sa iyo na kanyang anak.Lagi man niya tayo pinagsasabihan o pinapagalitan hindi ibig sabihin nun ay hindi niya na tayo mahal,ang gusto niya lang ay maituwid ang mali na ating nagawa.Siya ang nag-iisang babae sa mundo na pinakita ang kanyang buong pagmamahal para sa kanyang mga anak at sa kanyang asawa.

Isang responsable,maalaga at mapagmahal 'yan ang katangian na ang isang katulad niya na nasa kanya.Lahat ng ating pinagdadaanan siya ang ating kaagapay.At sa pag-abot ng ating mga pangarap siya din ang ating kasama o katuwang para maabot ito.At sa paglipas ng panahon mananatili siyang mapagmahal at laging nakagabay sa pagtupad bg ating mga pangarap at mga nais makamtan sa buhay.

Marami siyang sinakripisyo para sa atin.

Dahil yan sa walang sawa niyang pagmamahal.

Sino nga ba siya sa buhay natin?

Siya ang ating INA.....

MapaNanay,Nay,Mommy,Mamsi,Mom,Inang,Mama o kahit ano pa ang tawag natin sa kanila.Siya pa rin ang best na ina na nakilala natin....

Kaya't wag natin siyang kalimutang batiin o sorpresahin sa araw ng mga ina sa darating linggo(May 10,2009).

Ito na pagkakataon natin para sila naman ay pasiyahin.

Sabi ng isang manunulat na si Mary Riley,"Ang ginagampanan ng isang ina ay maituturing na isa sa pinakaimportanteng career na meron ang isang babae."

To all the mothers out there...

Happy Mother's Day..!

-PrinceMART-

Thanks for the Mommieries!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon