Chapter 02: The Decision

24 1 0
                                    

A/N: Happy reading! ^_^

---------------------*
Ito yung list ng mga members ng grupo:
*Raven D. Aguixx
*Hanz Clark L. Valdez
*Stacey Kim C. Ong
*Crizelle T. Ramos
*Fiona Jane Mendez
*Carixxe Zeid Sy
*Morisette Gonzales
*Carl P. Cabrera
*Eunice Ramirez
*Steffi Nicole Fernandez

****Lunch Break***
"So...guys, anong plano?"ngiting-ngiting tanong ni Stacey.

Nandito kami ngayon sa hallway papuntang Canteen. Napagdesisyunan namin na magsabay-sabay na papuntang Canteen para mapag usapan na rin ang tungkol sa movie. Mahaba-haba pa naman yung oras namin.

" Oo nga gu-----"
naputol ni Eunice yung sasabihin niya kase biglang nagsi-tilian yung mga babaeng nakakita kay Raven.

"Kyahhhhh"

"Omo! ang gwapo niya!!!!!"

"Oh my gosh! kill me now!!!"

"Waaahhh Lexi!!!!! Andiyan yung crush mo!!! kyaahhh" sabi ni Eloisa.

Si Eloisa Salvador at Lexi Millers ay kilalang-kilala dito sa White Hills Academy. Magaganda sila at yung mga pamilya nila ang pinakamayaman dito sa Bulacan.

Matagal nang issue dito sa school na may gudto siya kay Raven but he doesn't feel the same way.

"Ah...hi R-raven"sabi ni Lexi kay Raven habang iniikot-ikot pa sa daliri niya yung dulo ng buhok niya. 

Nilingon naman namin siya.

"Oh....a-ah...Raven, una na muna kami dun ah?" sabi ni Stacey ng nakaramdam na maguusap yung dalawa.

"Tara guys. Geh bro" sabi ni Carl habang nakatingin kay Raven. Napatingin naman si Raven sa kanya at tinanguan niya ito.

Agad kaming hinila lahat ni Steffi. Tahimik lang kaming lahat habang naglalakad.Ngayon ko lang napansin na medyo malayo pala yung room namin mula sa Canteen.

~Canteen*~

Nagorder naman kaming lahat at kanya-kanya naman na kaming bigay ng suggestions tungkol sa project. Gusto na kase namin matapos agad 'to para hindi masyadong hassle sa sched namin. Pero kailangan naming pag-isipang mabuti ang gagawin para maging maganda ang takbo ng istorya.Maya-maya pa ay bumalik na si Raven ng nakakunot ang noo.

Hindi na namin siya tinanong at nagpatuloy na lang sa usapin.

"Dapat magkaroon tayo ng sapat na oras para rito kase syempre, kailangang tayo ang manalo 'no!" sabi ni Crizelle.

"Yah, tama ka. Kailangan nga nating manalo para maging pelikula ito.  At kung itong story natin yun mapipili, madi-discover tayo!!!!!" -Fiona

"Exited na tuloy ako.Hahaha" -Steff

"Ako rin!!!" sabi ni Eunice kay Steff. At nag apir pa ang dalawa. -_-

"Okay, so ano nga?" -Raven

Napahawak naman si Steff sa baba niya na para bang nagiisip. Gumaya rin yung iba sa kanya at nag-isip na nga.

Kung iisiping mabuti, 9-10 hours yung kailangan at talagang napakalaking oras talaga yung kailangang  igugugol para sa proyektong ito. Hindi ito basta-bastang project lang kaya kailangang gawing mabuti lalo na at horror ito at kailangang gabi kung mag-shooting.

"Ahh guys, may suggestion ako." -sabi ni Carl.

Napatingin naman sa kanya lahat.

"E pa'no kung mag sleep over muna kayo sa condo ko? malaki naman yun e. Ano?"-Morisette.

" Okay sana e kaso, san tayo magsho-shoot kapag gabi yung eksena? Hindi naman pwedeng puro sa condo mo lang lagi yung scene diba?"-Stacey.

"Oo nga atsaka masyadong hassle kapag paulit-ulit tayong pupunta sa condo mo at sa pag sho-shootingan." -Steffi

"Unless....."

Napalingon silang lahat sakin ng magsalita ako. Syempre maliban kay Raven. Naka-poker face lang ito.

"Unless may malapit na place para pag shootingan, tama ba?"

Nagkatinginan sila at napatango.

"Bakit? May naisip ka bang hotel na may malapit na lugar kung san tayo pwedeng mag shoot? Spill it. -Fiona.

Napatango ako sa kanila.

"Actually it's not a hotel but it's my condo. Lumipat lang ako dito sa bago kong condo kase... Uhmmm..." I hesitate to say it but it looks like i have no other choice but to say it."May kababalaghan kaseng nangyayare dun at sa katabing bahay. Pwede tayong mag shoot dun. Kung okay sainyo.

"Yey! I'm so excited!"-Stacey

"Wait, payag kayo?"
Di makapaniwala kong tanong.

Nagkatinginan naman sila at nagsimulang mag-ingay. Hindi ko sila maintindihan kase naman diba? sabay-sabay silang nagsasalita.

"Yeah" halos magkasabay-sabay nilang tanong. Pero nakita kong naka-poker face lang si Morisette.

Nang tingnan ko siya ay pinilit niyang ngumiti.Kaya nginitian ko nalang din siya.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin kami sa classroom.

*****

Pagkatapos ng klase ay nagsipag tayuan na ang mga kaklase namin.

At yung iba naman ay naguusap-usap pa. Tungkol sa project or sa mga crush nila------which is Raven.

Nagaayos na ako ng mga gamit ko at muntik ng mapatalon sa gulat ng biglang sumigaw si Crizelle at Fiona.

"LET'S GO TO HELL NAA AAA!!!!" sigaw nila.

A/N: Sumain ninyo ang kaganda han ko. CHAROT ^_^ Hwaiting! Labya *finger heart*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Room for rentWhere stories live. Discover now