I met my FAVORITE AUTHOR!

2.1K 56 29
                                    

*******

What happened last July 7, 2012 was one of the best gift I ever received. I met my idol/favorite author, Ms. Jessica Concha. She was the one who inspired me to write stories and she created my dream guy, that's LEE XANDER MACLEAN. Grabe, akala ko nga nung una, boring magbasa ng mga stories. Like what's up with that? Reading stories ain't my thing. Pero binago ni Ate Jess ang perception ko sa buhay pagbabasa. Haha! Buhay pagbabasa talaga? XD Ehhh sa hindi ko mabanggit kung ano yung right term for that eh :D 

Una kong nabasa is Hundred In One. Nakakainlove si Bee-brain! Andami pang talents. Talagang hundred in one. Kumbaga, all in one person na. Pinakyaw na lahat e. Siguro nung nagsabog ng mga talento si God, may dala-dalang drum yung lalaking yun. Samantalang yung iba, nga-nga. Hahaha! Biro lang ^____^ Tapos ayun nga, nasundan na ng pagbabasa ko ng ibang stories na gawa ni Ate Jess. Gusto ko ngang ibulsa lahat ng characters eh! Kaso bawal. Baka sugudin ako ng ibang readers at ipatapon ako sa bermuda triangle. Ayoko mangyari un! Maghahanap pa ako ng katulad ni bee-brain eh.

And oh, natuwa nga ako e. Kasi nalaman ko na pareho pala kami ng birthday. July 8. Naku, tama talaga yung theory ko na kapag ipinanganak ng JULY e, MABAIT. Hohoho :3 Violent reactions are not acceptable :P

Anyway, yun nga. Fast forwaaaaard! 

-=- July 7, 2012 -=-

Siguro mga quarter to 10 am kami nakaalis ni Joie. Talagang planado pati oras. Ayaw kasi naming ma-late. Gusto namin, kami ung unang makakausap kay Ate Jess. Syempre kasi baka kapag madami na kami, chances are baka maisantabi na lang kami at baka hindi na namin machika si Ate Jess. Hindi lang naman ang makita siya ang ipinunta namin eh. Syempre pati ang makausap siya. Para masaya! It's not appropriate kung tititigan lang namin siya. Baka matunaw. Pag nagkataon, hindi na matatapos yung Take Two (A Place In Time Sequel). Tsaka na, kapag tapos na. Kidding ^____^

At last, nakarating na rin kami sa MOA. Dumiretso kami kaagad sa seaside. Dun kasi yung meeting place e. Kahit mainit, hinanap namin ung ibang JS PEOPLE. Basta may makita kaming kumpulan na naka-color red na damit, chine-check namin kung yun nga sila. Nakakatawa nga e, nasalubong na pala namin ni Joie si Ate Jess pero hindi ko nakilala. Siya pala yung girl in blue dress na naka-boots. Nung nasalubong namin, napaisip ako ng, "Wow! Ang cool ng outfit!". Tapos ayun nga, napagalaman ko na si Ate Jess pala yun. Sumakit bangs ko dun, ah.

Pumasok na kami sa loob ng mall. Nakakatuwa nga e, kasi pinahawak sa akin ni Ate Jess yung iphone and camera niya. Ginamit niya ksi yung iphone ko. Hehehe. We all ate lunch at the foodcourt. Filipino food ang peg! Tapos ayun, picture picture syempre. Hindi mawawala yan noh. Lahat ready e. Puro may dalang camera. Yun nga lang, hindi ko masyadong nagamit yung camera ko. Nag-enjoy kasi ako. Tinamad na kong kumuha ng mga pictures. School photographer pa naman ako, haha! Parang ewan lang! Eh wala, gusto kong masulit yung oras e. 

Madaming naganap. Hindi ko na sasabihin lahat para may thrill. Para mapaisip kayo kung ano pang kaechusan ang mga pinaggagawa namin.

Overall, I enjoyed that day. I met new people and made new friends. Kahit na iba-iba ung age gap namin, nagkasundo kaming lahat. Akala ko nga nung una, ma-oop kami. Pero hindi. 

Sana meron pang PART 2 ang JS MEET UP. And hopefully, makasama ulit ako. Thank you po Ate Jess sa time. Salamat po dahil kahit napakahectic ng schedule mo eh nakakuha ka pa rin ng time to bond with us. Til' next time po! Psensya na po kung medyo maiksi at plain lang ito. Hehehehe.

I love youuuuuu Ate Jess!! And so as the JS PEOPLE. <3 

GOD BLESS!

xoxo,

--- Nicole :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 09, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I met my FAVORITE AUTHOR!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon