Simulan natin sa simula

9 0 0
                                    

Ready na ako ngayon para sa vacation namin, excited na akong makita ang mga friends ko tuwing sasapit ang bakasyon, kasi sila palagi ang nakakasama ko dun, bukod sa mga pinsan ko.

Sa rest house namin sa Cebu dun kami nagbabakasyon kasi, simula nung naaksidente ako at nagkaamnesia ako dun ako naggain nang mga memory, pero pautay utay ang pag-alala ko, sa tulong narin nang pamilya at mga kaibigan ko.

"Arya, tara na mahuhuli tayo sa flight"

Heto na, mag-eeroplano nalang daw kami papuntang cebu, kasi baka daw matagalan kami kapag nang land ay water transport pa kami, nga pala ako si Arya Jade Del Valle. Incoming 2nd year college, pero sa ngayon proproblemahin ko muna ang aming bakasyon.

So ayun, sa haba nang aming byahe nakarating narin kami sa rest house namin sa Cebu, maganda ang view kasi, malapit ito sa dalampasigan, napakaganda ng dagat kaya imbis na asikasuhin ko ang gamit ko nagpunta na ako sa dagat.

"Long time no see"

Bulalas ko pagkarating ko sa dagat, kasi naman tagal ko din di nakakita ng dagat sa Manila kasi wala naman masyado makikitang dagat eh.

Habang naglalakad ako, napansin kong may mga kabataang naglalaro di kalayuan sa kinatatayuan ko, nagpunta ako dun at baka sakaling sina Devin yun ang bestfriend ko.

"Hey, Arya, kelan kapa?"

Bati sa akin ni Devin, nang mkarating ako dun, hindi nga ako nagkakamali at sina Devin yun, naglalaro sila ng Volleyball, sila ay sina Devin, Khal, Raye, Jane, Moinee, at Jon. Si Devin, Jane, at Moinee, mga babae sila, si Jane kapatid ni Jon.

"Kakarating lang namin."

Namiss ko talaga sila kaya ayun naggroup hug kami, nakakamiss eh.

"Ano sali ka ba?"
Tanong sa akin ni Jon.

"Sige, kasi mukhang nakalimutan niyo, ako ata varsity ng volleyball sa school namin eh."

"Hindi ka lang maganda, makapal ka rin pala mukha mo Arya eh"
Sambit naman ni Devin sa akin.

Nagtawanan nalang kami, sa grupo nila Devin ako sumama, bali ako si Devin, Jon at Moinee tapos sina Raye, Khal, at Jane, mukhang lugi sila apat kami tatatlo sila.
Nagsimula na kaming maglaro, at nang napagtanto nina Khal na lugi sila tatawagin daw nila yung pinsan nila para maglaro.

"Hey Devin sino yung pinsang sinasabi ni Khal?"

Nakaupo nalang muna kami habang hinihintay si Khal.

"Ah yun ba, si Kristoff Valles, pinsan niya mula sa US, ngayon nga lang niya nabanggit sa atin nabanggit yun eh"

Malungkot ang pagkakasabi ni Devin sa pangalan ni Kristoff, pero hindi na iyun inusisa.
Oo nga medyo matagal na kaming magkakakila nina Khal pero never niyang nabanggit si Kristoff ba yun.

"Hey ano tara laro tayo may varsity na rin akong kasama dito"

Banggit ni Khal sa amin, habang nakatalikod pa kami, nang humarap na kami at tatayo, nakita agad namin si Kristoff, mukha siyang foreigner, matangkad, maputi, matangos ang ilong, hindi ko madescribe pero napakagwapo talaga niya.

"Eto nga pala si Kristoff Valles, pinsan ko"

Nakipagshake hand kami sa kanya, medyo seryoso ang mukha niya pero, nakipagshake hand naman siya sa aming lahat.
Nagsimula na kaming maglaro, halatang halata sa laro na napakagaling talaga nitong Si Kristoff, pero nung sa huli medyo maganda ang laban kaya ayun pagkaspike ko eksaktong tumama naman sa mukha niya yung bola.
Nagsilapitan naman kaming lahat sa kanya, hindi naman dumugo ilong niya pero halata sa mukha niya ang pagkairita sa ginawa ko, tumama ang tingin niya sa akin, masama ang pagkatitig niya sa akin, pagkatapos nun ay nag walk out na.

Always in my Heart (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon