Poison #11

6 0 0
                                    

Flashback

Komplikado ang kwento naming dalawa,  alam ko.  Sa umpisa pa lang,  hindi ko na siya kilala dahil nasa isang babae lang ang atensyon ko.

I didn't plan to notice someone like her,  someone like my mom.  She wasn't who I want to be with because she was clearly different from me. She was different from my ideal type of girl. Iyong loyal.

Sigurado rin akong magkakaiba ang mga ideolohiya namin sa buhay.  Magkaibang-magkaiba pa sila sa babaeng pangarap ko pero bakit noong dumating ang araw na pinansin ako ng long time crush ko ay siya ang naisip ko?

I ruffled my hair in annoyance. I couldn't help but laugh at my gesture. Argh.  Nababaliw na nga ako.

"Ayos ka lang?"

Napaupo ako nang maayos nang marinig ang malamig na boses na iyon.  I looked up and forced myself to smile.

"A-Ayos lang," sabi ko at ayaw ko nang malaman kung anong hitsura ko sa sitwasyong ito. Kinuha ko ang tasa at napasimsim sa kape. Napuna ko na hindi ito mainit so I curiously asked her. "Bakit malamig ang kape?"

Tinitigan niya muna ang kanyang tasa nang ilang segundo bago ako sinagot.

"I'm used to having cold coffee," simple niyang paliwanag at tiningnan ang tasa ko. Her right brow raised. "Ayaw mo?"

"No!" wala sa sarili kong sigaw. I then uncomfortably composed myself. Bakit ba ako nagkakaganito? "It's okay, " I assured when she only stared at me.

Natataranta akong uminom ng kape. Hindi ko na pinansin na ang awkward palang uminom ng kape na hindi mainit at hindi rin iced coffee.

"Halata namang hindi," seryoso niyang komento kaya nabilaukan ako. "I hate liars."

I coughed a few times while staring at her,  wide-eyed.

Seryoso bang ayaw niya ng mga sinungaling?  White lie lang naman 'yon ah!

"B-Bakit?" Iyon na ang lumabas sa bibig ko. I feigned a cough to hide my nervousness. "Why do you hate liars?"

Ang mga mata niyang kinatatakutan ng karamihan ay tumitig sa akin nang matagal bago ko nasilayan ang isang ngiti na hindi ko halos maisip na nanggaling sa kanya.

I couldn't help but smile at her because of her smile. Haha. Pwede ba 'yon?

Magsasalita pa sana ko pero nakalimutan kong may tinanong nga pala ako sa kanya. It was as if I forgot because of her smile.

Itatanong ko sana ulit pero—

"Because I hate myself." That was her answer. Nagkibit-balikat siya na parang wala lang ang kanyang sinabi at tinawag ang waiter. "One hot cappuccino for this guy."

"Hindi mo na—" Blangko niya lamang akong tinitigan kaya tumahimik na lang ako. Pagkaraan nang ilang segundo ay nagpatuloy siya sa pagsimsim sa kanyang tasa. "Anong ibig sabihin ng sinabi mong gusto mo ng malamig na kape dahil sanay ka na?"

Natigilan siya at ngumiwi.

"Ah. Dahil tinatamad ako."

Nagkasalubong ang kilay ko.

"That's it? You're just too lazy?"

"Hmmm." Iyon lamang ang sabi niya at tumingin sa labas ng bintana. Tumingin siya sa malayo, tila may iniisip nang mabuti. Pagkaraan ng ilang segundo ay nakita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata na agad ding nawala nang hinatid na ng waiter ang ini-order niya.

Sa puntong iyon, alam kong nagsisinungaling siya. At sa pagsisinungaling niyang iyon, hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng awa. Dahil ba napagsabihan ako ni Elizabeth na wala na siyang pamilya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

About HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon