2

3 0 0
                                    

Pagdating ko sa faculty,hinanap na agad ng paningin ko si Mr.Lopez.

"Sir!"tawag ko.

"Laira,andito ka na pala.Upo ka." sabi niya.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan.

"So hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.Malaking epekto ang pag absent mo na isang buwan at mahigit.Medyo humuli ka na sa mga lessons natin."

Napakamot nalang ako sa aking batok.

"Concern lang ako sa grades mo kaya sinasabi ko to sayo.Maaaring bumaba ang grades mo,o maaari ding bumagsak ka.So I decided na  tulungan ka ni Mr.Renzo na magreview at aralin ang mga lessons natin.Ohh andiyan na pala siya."sabi ni Sir kaya napatingin ako sa may pinto.

"Hello Sir-IKAW NA NAMAN?!"bungad niya nang makita ako.

"IKAW?!ANONG GINAGAWA MO DITO?!"sigaw ko sakanya.

"Ahhhmm,umupo ka na muna Renzo.Don't worry pumayag na si Sir Jayson sa pabor ko."sabi ni Sir Lopez.

Umupo na si 'Renzo'daw sa upuan na bakante sa tapat ko.Bale magkaharap na kami.

"Siya si Laira Madrigal.Siya yung tutulungan mo Renzo."sabi ni Sir Lopez kay Renzo.

"Laira,siya naman si Renzo Montallez.Siya ang tutulong sayo.Apo rin siya ni Mr.Jayson Montallez."

Siya ang tutulong sakin?!No!No!Helppppp!!

"Bibigyan ko kayo ng mga tatlong buwan siguro.Kapag okay na at nakahabol na si Laira,tataasan ko ang grade mo Renzo.Okay ba yun?"tanong ni Sir Lopez.

"Okay lang Sir.Basta ayaw ko lang yung mahirap turuan."sabi niya sabay baling sakin.

"Sir hindi naman sa choosy ako pero,mas komportable ako kapag magaling yung magtuturo sakin."sabi ko sabay tingin ng masama kay Renzo.

"Okay.Magaling naman-"

"Sir Lopez!May meeting daw po kayo sa 4th floor sabi ni Ms.Rosada.Now na daw po!"hingal na hingal na sabi ng pinsan kong si Terrence.

"Sige Terrence.Thank you!Ohh siya siya,iwan ko na kayo.Renzo,ikaw na bahala kay Laira.Laira,goodluck."sabi niya at iniwan na kaming dalawa,kasama ang aking pinsan.

"Laira,sagutin mo daw yung tawag ni Luke.Kanina kapa niya hinahanap."sabi ni Terrence na lalabas na sana ng faculty.

"Asan ba siya?"tanong ko.

"Abay hindi ko alam sa kuya mong panget.Basta ako pinsan moko na pogi."sabi niya sabay kindat.

"Magpinsan kayo Terrence?"singit ni Renzo.Ayy!Kasama pala namin to!

"Ohh pareng Renzo!Andyan ka pala!Oo,pinsan ko to bukod kay Luke."sabi ni Terrence.

"Tss.Hindi halata."sabi ni Renzo sabay irap sakin.

"Ikaw ahh!Kanina kapa!"sigaw ko sakanya.

"Kung mag-aaway away lang kayo students,lumabas na kayo."saway samin ng isang teacher.

"Sorry Ma'am!"sabay sabay naming sabi at lumabas na kami.

"Ikaw kasi eh!"sabi sakin ni Renzo.

"Bakit ako?!Ikaw tong kanina pa!"sabi ko sakanya.

"Laira!"sabi sakin ng isang babae na hingal na hingal na lumapit sakin.

"Laira Madrigal right?Yung kuya mo,si Luke nasa grounds,binugbog ng barkada ni Russel!"nagpapanic na sabi sakin ni nung babae.

Nagkatinginan kami ni Terrence.

"Thank you miss!"sabi ko sabay takbo at punta sa grounds kasama si Terrence .....at si Renz?!

Nakita na namin ang mga nagkukumpol na mga kalalakihan at kababaihan sa grounds.

"Tabi tabi!"sigaw ni Terrence pero patuloy parin sila sa pag sigaw at pag cheer sa mga nagsusuntukan.

"Padaanin niyo ako!Kuya ko yan!"naiiyak ko na sabi.

Nakita ko naman na may kausap si Renzo sa cellphone niya.May kaguluhan na nga sa school,nagawa pa niya makipag usap sa kung sino.Naturingan na apo ni Mr.Montallez.

Hindi na ako nagpigil at sumigaw na nang malakas.

"SABING PADAANIN NIYO AKO AT GUSTONG KONG MAKITA ANG KUYA KO!"sabi ko sabay sipa sa mga taong nasa harapan ko at nakaharang.

Naagaw ko ang pansin nila at nagbigay ng space,sapat para makita ko si Kuya na naka upo na sa sahig,duguan at marami pasa.

"Kuya!"sigaw ko at tuluyan na akong umiyak.

You and IWhere stories live. Discover now