Chapter 2: The Engineer

40 0 0
                                    

DALE ALDRIN'S POV

"Kunin mo kay Karlo yung plates at sabihin mo sa kanya na magkita kami sa lobby mamayang 3 pm. Sabay na kaming pupunta sa site." wika ko sa tauhan ko at dumiretso na kong pumasok sa office ko.

I was about to open the lights ng maaninag kong may nakaupo sa upuan ko.Napangisi naman ako.

"Kanina ka pa?" tanong ko.

"Yeah." she said then smiled.

Binuksan ko na ng tuluyan ang ilaw at lumapit ako sa kanya.

Tumayo naman sya at gad akong hinalikan sa labi. We kissed for a while then napagpasyahan naming tumigil na.

"What do you need?" mahina kong bulong sa tenga nya.

She giggled then said, "I need you to sign this." At inabot naman niya sakin ang papel na nasa table ko.

"Anything for you. Bukod dito, ano pa kailangan mo?"

"You." she said then winked.

"I'm not surprised." I said then we went out.

--

"This is nice." sabi niya sakin habang nagbibihis siya. Nasa condo ko siya at palagay ko alam nyo naman na kung bakit.

"I know." sabi ko naman habang nakahiga pa. Tinatamad akong bumangon. Haynako.

"You should get up ang go dress tinext ako ni Karlo at palagay ko papunta na sya sa lobby any minute now.

"Wag na lang kaya ako pumunta sa site?" sabi ko naman.

"Sige wag kang pumunta dun, wag mo icheck ang mga kailangang gawin at wag mo rin akong dramahan kapag sinabon ka ng tatay mo at ng mga kapatid mo ah!" Mahaba niyang litanya. tss, kahit kelan.

"Makasigaw ka ah, boss ka ba?" natatawang tanong ko naman sa kanya.

"Hmm, Sating dalawa, I still make the rules."

"Tss. I f*ck rules." Mahina kong bulong at tumayo na sa kama.

"I heard that Poor Whisperer!" she shouted.

I just laughed at dumiretso na ko sa banyo para makaligo.

Her name is Blaire Monteverde. My secretary and my fling. She's not my girlfriend but we're friends.

Di ko naman din kasi ugali magseryoso eh. Lalo na sa babae, well except for Blaire, I'm pretty serious na sya lang ang gusto kong makafling.

Well maraming nagsasabi na sobrang magkaiba kami ng kakambal ko na si Arvin, pero di naman din gaano. Pareho naman kming maloko nun sadyang loyal lang sya kay Ara.

Tinapos ko na ang pagligo ko at nagmadaling nagbihis. tsk, tae naman si Blaire, iniwan ako!

Pagkabihis ko ay dumiretso na ako ng parking lot at nagdrive, while driving, nakatanggap ako ng 4 messages. 1 kay Kuya Daryll, isa din kay Kuya Darren, Isa kay Kambal at isa kay Blaire.

Yung kay Blaire lang ang binasa ko.

*Sorry for leaving you.*

Napakunot ang noo ko at parang kinabahan ako. Di bale, magkikita naman kami mamaya.

--

"Ayusin nyo to, at ito pa. Make sure na magiging matibay ang mga walls at foundations especially sa floor na to..." Naririnig kong nagsasalita si Karlo.

Ako, eto pa rin. Tulala! Una dahil kay Kuya Darren, pangalawa dahil kay kuya Daryll at kambal tapos lalong lalo na ng dahil sa text ni Blaire. Di uso sakin ang reply pero nireplyan ko si Blaire.

Ang problema, di na nya ko tinext ulet. Tss.

Teka nga, big deal ba talaga sakin to? Nakakaano naman kasi yang si Blaire! Di malinaw sa gustong sabihin.

"Boss Aldrin, okay na po. Nacheck ko rin yung mga employees sa audit at sa construction, everything is under control and everyone is doing good."

Nabalik naman ang focus ko ng magreport sakin si Carlo. Isa siya sa mga employees na naging close sakin, aside from Blaire obviously.

"That's good to hear. Ipahanda mo na ang sasakyan babalik na tayo sa office." I commanded.

"Yess boss." at umalis na sya.

Naupo ako sa isang monobloc chair na nasa harap ko at naglabas ulit ng phone.

Maraming missed calls sakin ang kakambal ko pero ni isang reply kay Blaire ay wala! tch.

Tinawagan ko si Arvin para malaman ang problema niya.

(Hello)

"Problema mo?"

(Wala! Nagyayaya si Kuya Darren. Bisita raw tayo sa kanila.)

"Ah. Oo, nareceive ko nga yung text niya. Pupunta ka ba?"

(Malamang. Excited nga ako eh.)

"Tsh. Ikaw na lang pumunta! Magakamukha naman tayo."

(Gago! Ano ka? May representative? Tss. Pumunta ka ah! Bubugbugin ka namin pag hindi!)

"Oo na! Oo na!"

Bigla naman niyang binaba ang linya. Aba Bastos! tss.

Sakto namang tinawag na ko ni Karlo at sumakay kami sa sasakyan.

--

"KELAN PA TO ANDITO?! NASAAN SI MONTEVERDE?!" halos mapugto ang litid ko sa leeg dahil sa panggigigil!

Nagresign si Blaire!

"S-sir, k-kanina pa po sya umalis. Di naman po namin alam na... na nagresign siya." Nanginginig na sabi ng isa ko pang tauhan dito.

Putek, ano bang klaseng lokohan to?

Umalis ako ng padabog sa opisina ko at tinungo ang parking lot. Habang nagdadrive pinilit kong tawagan si Blaire pero hindi siya sumasagot.

Hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta eh. Hindi ko rin alam kung saan nga ba tumutuloy si Blaire! Nakalimutan kong icheck ang background niya kanina bago umalis. Chapu naman.

Maya-maya ay namalayan ko na lang ang sarili ko na tinatahak ang bahay namin pauwi.

Nakita ko sa labas na nakapark ang kotse ni Kuya Darren.

Pinark ko rin muna sa labas ang sasakyan ko atska ako pumasok.

"Masaya kami na makita kang muli Princess."

Yan ang huli kong narinig, kaya't nagmadali akong tinungo ang sala.

Oh by the way! I'm Dale Aldrin Hidalgo and I'm the Engineer among the four brothers.

FOUR BROTHERS AND A SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon