Prolepsis

9 2 0
                                    

Mabilis na bumaba ng sasakyan si Terease. Ito ang unang araw niya bilang isang high school. Saint Marie's Academy mahinang basa niya sa pangalan ng paaralan na nakasulat sa gate ng school. Sa kanila ang paaralang ito. Dahil walang elementary sa school na ito sa ibang paaralan sya nagaral at ngayong high school pa lang siya makakapagaral dito. Hopefully hanggang college depende kung hindi ako ipatatapon ng mga magulang ko sa ibang mundo. Sa isip isip ni Terease. Kung bakit? Simple lang hindi siya ganung kabait na magaaral. Sumasagot siya sa mga teachers niya dati at nambubully rin siya madalas. Pero nangako siya sa kaniyang mga magulang na aayusin na niya ang pagaaral ngayong high school na siya. Well tignan natin.

Nagsimula ng maglakad si Terease para hanapin ang classroom nya. Class 1-B ang nakalagay sa information na binigay sa kanya.

"Maaga pa naman, maglilibot-libot muna ko."

Dahil maaga pa namang tunay naglakad-lakad muna siya sa paaralan. Hanggang sa dinala siya ng kaniyang mga paa sa second floor. Floor ng second year high school. Inisa isa niya ang mga kwarto. At dahil nga sa maaga pa wala pang masyadong estudyante sa loob ng school.

Class 2-A Basa ni Terease sa pangalang nakalagay sa pinto ng isang kwarto nadaanan nya. May kung ano sa pakiramdam. Parang gusto niyang sumilip sa loob. Wala namang mawawala sisilip lang ako wika ni Terease sa sarili at saka dahan dahang sumilip sa loob ng kwarto. Nilibot niya ang kanyang paningin sa loob. Tahimik dahil wala pang mga estudyante. Malinis ang loob ng room. Halatabg desiplinado ang mga nagaaral dito.

Masyadong namangha si Terease sa itsura ng kwarto kaya hindi niya napansin ang isang lalaking nakayuko kanina na ngayon ay nakatitig na sa kanya. Halong pagtataka at pagkagulat ang makikita sa mukha ng lalaki marahil siguro hindi niya inaasahan ang pagpasok ni Terease sa loob.

"Mukang tanga." Bulong ng lalaki saka muling niyuko ang ulo sa upuan. Muka namang napansin na ni Terease ang presensya ng lalaki kaya't dali dali siyang lumabas ng kwarto.

"Nakakahiya , may tao pala. Buti nalang mukang tulog di niya ako nakita. Makapasok na nga."

Bumaba na si Terease at pumasok sa room niya. Mga ilang minuto lang naman ng dumami na ang tao sa paaralan at magsimula ang klase.

Ngunit hindi na maalis ni Terease sa isipan nya ang lalaki sa class 2-A. Ewan niya may kung ano sa lalaki na gusto niyang malaman.

"Sana pala hinintay kong magising para nakita ko man lang ang mukha niya. Sabagay ok lang hahanapin ko nalang siya."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

He's FangirlWhere stories live. Discover now