1 . Show

32 0 0
                                    

Umagang kay ganda. Si Dreisha ay isang sikat na artista noon. At hanggang ngayon may mga KONTiNG shows pa rin naman sya pero sa sobrang konti, isa na lang pala. Hahahah.

"Kuya bilisan mo baka mahuli na tayo sa nagiisa kong show ngayong araw" Dreisha. Actually ang kuya nya ang tumatayong manager nya.

Kasalukuyan silang nagbabyahe papunta sa show nya. Kung itatanong nyo kung anong show yon? Naku isang nakakatawang show hahaha reality show kasi yun. (Make Me Laugh) oh diba teh show pa lang nakakatawa na. Ang Make Me Laugh ay isang show kung saan may mga challenges na kailangan nilang malagpasan. At ang napunta sa kanyang challenge ay kumain ng isang bowl ng pansit habang nakasakay sa roller coaster. Bet nyo ba yun?

Tinanggap ni Dreisha yung ganong challenge para may income sila. Madami kasing naiwang utang sila ng pamilaya nya simula ng bumagsak ang career nya.

"Uy sis kaya mo ba talaga yang challenge na yan? Hahahaha di pa nagsisimula natatawa na ko sa'yo." Sabi ng kuya nya. "Infairness kuya napakasupportive mo ha!" Ani ni Dreisha

Pasakay na sila sa roller coaster nang may marinig syang nagpipigil ng tawa. At yun nga ang magaling nyang baklang kapatid. Pagkaupo nya sa unahang upuan ng roller coaster itinali na sa kamay nya ang pansit take note super spicy pancit daw yun. Kailangan nya maubos yun sa isang buong round ng roller coaster.

"Kaya mo yan sis! Para sa exposure" oh di ba supportive.
"Punyemas kuya parang gusto ko ng umurong" mangiyak ngiyak nyang sabi.

At nagsimula ng umandar ang coaster. Nagmamadali nyang ubusin yung pansit para maachieve ang tumatanginting na exposure. Hahahah. Paakyat. Weeehhh. Ngunit ng pababa na ang coaster at biglang bumilis, ayun na nga di nya na makain at nagsisimula na syang masula. Pero push pa din si Dreisha.
"Takte pramisss last ko na to. Huhuhuh" Dreisha.

At sa wakas natapos ang challenge. Pagbaba nya nakita nya ang putakti nyang kapatid na namumula sa kakatawa. "Ikaw kaya gumawa ng challenge kuya. Ewan ko lang kungdi ka masuka! Punyeta!"

"Nice one Dreisha" ani ni direk. "Salamat po" aniya.

Sikat? NOON! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon