A's

33 5 1
                                    

You were there ever since day 1. Literally day 1. Dalawang taon na tayong magkaibigan kaya naman kilalang-kilala na natin ang isa't isa. Maliban sa kanila, isa ka sa mga pinaka-pinagkakatiwalaan ko. Nga naman, tatlo lang kayong malalapit sa akin na ultimo tawa ko'y kaya ninyong basahin. Isang karangalan na ikaw o ang isang tulad mo ang naging kanang kamay ko sa pamumuno ng pack na ito; at isang malaking sakripisyo ang alisin ka dahil lang sa isang pagkakamaling nag-iwan ng malaking puwang sa ating kwento magkaibigan. Yet, having you for the second time around was really beyond my expectations. Akala ko hindi na kita mababawi, ngunit salamat kay pisngi at nagkaroon muli ng isa pang pagkatataon ang kung ano ang mayroon tayo.

Thank you for staying and still choosing Wolfe. Alam kong mahalaga rin sa iyo, sa inyo ni Blaez ang pack na ito. Malaki ang nabago nito sa buhay natin. New lessons, experiences, struggles and hindrances that really challenged our friendship. Marami akong pagkukulang bilang isang kaibigan pero gusto kong malaman mo na mahal kita at gusto ko lamang ay hindi ka masasaktan. Naririto lang ako kung sakali mang may mga desisyon ka ulit na hindi sigurado. Kung kailangan mo ng tulong, kung kailangan mo ng pampagising at suntok, handa akong untug-untugin ka nang paulit-ulit, kaibigan.

Wolfe wouldn't be the same without you, our beta. My one and only Bleidd.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bleidd Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon