Prologue

268 7 0
                                    

"Wala na talagang pag-asa, walang-wala na", tanging mga kataga na lamang na iyan ang nabanggit ko sa aking sarili nang makita ko ang pagbagsak ng aming lungsod, ang Wandour City, hudyat ng marinig ko ang kagimbal-gimbal na hiyawan ng mga tao roon sa pagbagsak ng isa sa pinakamatatag, tanyag, at matayog na tanggulang tore ng aming bayan. Oo, napanghinaan ako ng loob, hindi ko inaakala na matatalo ng simpleng pagtataksil ang aming bayan, ang bayan kong tahanan ng matatapang at malalakas na "Wandas" o ang "mga taong unang nakadiskubre ng apoy". Tulad ng apoy, mainit ang aming pagtanggap sa bawat isa. Walang nagmamataas, kahit pa man may hari at reyna kami, dahil itinuro sa amin ng bayan na ito ang pagmamalasakit at pagmamahal sa bawat isa. Sa apoy kami namuhay, sa apoy din pala kami mamamatay.

Hindi na rin kami nakahingi ng tulong sa mga kakampi namin sa Nightwell Fortress, ang mga taong ibon, alam ko na mahina sila sa umaga at tanging liwanag lamang ng buwan ang kanilang kalakasan. Sa nakapapasong init ng araw ay sumalakay ang mga taksil na "Arvendors", ang mga taong naging gahaman sa ginto at nais nakawin ang mahalagang bagay na itinatago ng aming kaharian, ang gintong singsing na pagmamay-ari ko.

"Ismael, natatakot man ako, ngunit isa na lang ang naiisip kong paraan...." pasimpleng suhestiyon ni Daphine, isang nimpa sa tribo ng Avian, di tulad ng taong ibon, kaya niyang lumipad hanggat gusto niya.

"Ano iyon, mahal na nimpa?" tanong ko sa kaniya. 

"Paano kung magtungo tayo sa tribo ng aking lahi... s-sa Avian, at kunin ang mahiwagang libro ng buhay at ang bagwis?" ika niya. 

"Alam mo namang delikado roon diba? Ayokong madamay ang tulad mong inosente sa gulong ito", pahayag ko sa kanya nang biglang tumama ang bomba sa kinatatayuang tore namin.

"Wala ng panahon mahal na Prinsipe, ikaw na lamang ang tanging tagapagligtas nila dito! Aasahan mo pa ba ang apat mong kapatid? Maawa ka sa bayan mo! Walang kahihinatnan kung magtatago at magpapasakop ka sa takot mo!", ika niya sa akin ng may paninidigan. Wala na rin akong pagpipilian, bilang na lamang ang oras namin kung hahayaan ko pa silang apihin ang bayan ko.

Nang dahil sa kagustuhan ni Daphine ay nagtungo kami sa Nightwell Fortress sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang lumipad. Bitbit ang mga armas, humanda kami sa paglalakbay papuntang hilaga.

Tumambad sa amin ang tahimik na kagubatan ng mga taong-ibon, sira-sirang kuta at tolda, kasama na ang mga duguang labi nila.

 Walang anu-ano, bigla na lamang lumakas ang ihip ng hangin, dumilim ang kalangitan, at nagngalit ng malalakas na kulog at kidlat ang mga ulap. Mula dito, lumabas ang pambihirang nilalang na kitatakutan ng sambayanan dahil sa kagimbal-gimbal nitong alamat. Ang sinaunag hari ng Arvendor, si Haring Archilles, ang hari at diyos ng kadiliman, ay nakalutang sa ipo-ipong tangay ang sandamakmak na insekto at nagsambit ng ganito:

"Kung sa akala niyo'y makukuha niyo ang mahiwagang libro at bagwis, nagkakamali kayo! Mga hangal! Nakalimutan niyo na bang ako'y isang diyos at sinuman ang magtangakang talunin ako ay siyang mamamatay at paparusahan sa Deoclas (mundo ng kadiliman)?!" 

"At anong sa tingin mo? Matatakot na lamang kami? Tatakbo at magtatago sa iyo? Kung gayo'y nagkakamali ka! Walang sinuman ang luluhod sa makapangyarihang tulad mo! Hindi mo kami mapapasunod dahil wala kang kwenta!" mariin na sinambit ni Daphine kay Haring Archilles.

Bakas sa mukha ng hari ang pagkadismaya at ang pagkagalit. Ngunit hindi siya pumayag na balewalain lamang siya ng nilalang na 'yon. Kaya naman nagsulat siya sa libro ng ganito gamit ang makapangyarihang bagwis:

Isang nimpang kaharap ko ngayon, haharapin ang matinding sakit sa balat, mabubura ang magandang pangalan niya sa tribo ng Avian, sa kaharian ng Arvendor, sa kapwa niya nimpa, sa mga taga-Wandour, at sa buong mundo ng Cosmos, lalong lalo na kay Prinsipe Ismael ng Bagong Wandour, at bilang karagdagang parusa, isinasamo ko sa librong ito na ibalik siya sa nakaraan na ganyan ang kanyang wangis, at paslangin siya ngayon din!

Nagkatotoo nga ang isinulat ng hari, nagkaroon siya ng sakit sa balat. Pagkatapo ay nahati naman ang kanyang katawan sa dalawa, ang isa'y napunta sa nakaraan at ang isa nama'y unti-unting nanghihina at namamatay.

"Hindi, hindi.... hindi maaari ito!" napasambit na lamang ako ng ganito, sabay hanap sa gintong singsing. "Aha! Kung akala mo'y nagtagumpay ka na, hindi!..... isinasamo ko sa singsing na ito na ibalik ang sinaunang hari sa kanyang pinanggalingan!'' at nagkatotoo nga ang sinabi niya. Unti-unting nawala ang presensiya ng hari at bumalik na sa Deoclas.

 Ramdam na ng hari ang pagkatalo niya, ngunit hanggang sa huli ay hindi niya pinalagpas ang pagkakataon na matalo sila, kaya't ginantihan niya si Prinsipe Ismael ng hininga ng kamatayan. Unti-unting bumagsak si Ismael sa lupa, hindi makahinga at unti-unti ring bumabagal ang tibok ng kanyang puso.

 Bago pa man mawalan ng hininga ang dalawa, isinambit muna ni Daphine kay Ismael, "Mahal kita bilang ikaw, 'wag mo s-sana a-akong k-kalimutan hanggang sa muli nating pagtatagpo". At pareho na ngang nawalan ng malay ang dalawa sa malamig na hanging umiihip sa kagubatan ng mga taong-ibon.


******AUTHOR'S NOTE*****

"Di ko talaga inexpect na tragedy 'to. I just writing my feelings down. Literal talaga yung, "walangpag-asa" line. Kanina kasi nawawalan na ko ng pag-asa magsulat e. Vote kayo pleassseeeee HAHAHA


THE LOST CITY OF COSMOSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon