"Dismiss" sabi ng Filipino teacher nila pagkatapos mag bell
"Yung mga sweepers ha, maglinis muna kayo bago umuwi!" Sigaw ni Lyna, ang president nila.
Halos mapamura si Johan sa sinabi ni Lyna. Naalala niya kasi na sila ang sweepers ngayong araw. Masakit pa naman ang ulo niya dahil sa Math kanina. Hindi siya okay. Wala siya sa mood maglinis.
"Shit kailangan kong tumakas"
Dahan dahan siya nglumakad sa lavas. Yumuko siya pababa ng naglalakad siya sa may bandang bintana. Nang nakatakas siya ay ngumisi ngisi siya.
"Hehe success"
"Sinong may sabing uuwi kana?!" Tanong ni Faye kay Joren. Ang babaeng matagal na niyang gusto.
Sa totoo lang hindi naman niya talaga gusto si Faye. Tinutukso lang siya ng mga kabarkada niya nong Grade 7 pa sila. Bagay daw kasi sila. At ngayong Grade 12 na sila ay mahal na niya si Faye.
"Ah-ahm..eh" nauutal niyang sabi sabay kamot sa batok
"Bumalik kana sa Room. Ang dami mo nang fines" sabi ni Faye
"Eh. Ahm. Masakit kasi ulo ko. Hehehe" sabay kamot sa batok niya ulit
"Sus, padahilan kapa. Maglinis kana dun"
"Yiiiiieee, gusto niya akong kasama sa room yiiiieee. Ikaw ah" tukso ni Johan kay Faye
Si Faye naman ay nangangamatis na ang kanyang mukha at hindi makatingin ng diritso kay Johan.
Cute si Johan. Singkit ang mata, maputi siya at may dimples. Matangkad din siya. Walang wala ang height ni Faye kay Johan. Para dibdib niya lang ito.
"Asa ka! Feeling mo ah" hindi parin siya makatingin ng diritso kay Johan
"Bakit hindi mo ko matingnan ng diritso? Ha Faye?" Seryosong tanong ni Johan
Hindi umimik si Faye at nakatitig lang siya sa paanan niya.
"Umuwi ka nalang Johan, masakit pala ulo mo"
"Nah, maglilinis ako"
"Di, umuwi kana"
"Sus Concern. Sige na nga"
"Sige Ingat Johan"
"Ingat din Faye"
Lumakad na si Johan palabas ng campus at hinanap ang bike niya. Nagsimula na siyang magpedal papunta sa Condo ng kanyang ina.
Mayamaya pa ay nakarating nadin siya. Naabutan niya ang kanyang ina na nagluluto.
Hindi mayaman sila Johan. Hindi rin sila mahirap. May kaya naman sila. Single parent ang mama niya. Iniwan na kasi siya ng papa niya. Sekretarya ang ina niya sa kompanya nina Faye.
"Hi ma" bati nito
"Oh, nandito kana pala nak. Ang aga mo naman"
"Ah, iwan kay maam ang aga kami dinismiss eh"
"Ah. Okay"
"Anong niluluto mo ma?"
"Adobo nak. Paborito moto diba?"
"Wow! Adobo! Aba syempre ma paborito ko yan tas masarap pa kasi ikaw ang nagluto"
"Sus bola mo talaga nak"
"Hindi ma"
"Oh, malapit natong maluto, maglapag kana ng plato dun" utos ng ina niya
"Sige po ma"