Zyna's POV
"Talaga?! Sinasagot mo na ako?
Oo.... Sinasagot na kita"
"Salamat. Worth it ang paghihintay ko sayo. Mahal kita"
"Mahal din kita.. Sana hindi mo ako sasaktan"
"Pangako Babe! Mamahalin kita hanggang sa dulo ng Earth"
"Pangako mo yan ha! Kahit. Baka Sakaling makalimutan kita. Mamahalin mo parin ba ako?"
"Oo naman.. Ganyan kita ka mahal...My Darling Babe"
"Can I kiss you!?"
"Yes. Of course"
Napabalikawas ako galing sa pagkakatulog dahil sa kanyang nilalanggam na panaginip.
"Ang sweet.. ."
Nagtataka ako dahil kadalasan mag kasintahan ang napapanaginipan niya. Minsan iniisip ko ako yung babae Chos.
"Mabuti pa ang panaginip ko. May magkasintahan. Tsk. Lamporeber. Magkakahiwalay din kayo"
Agad akong pumunta sa banyo para maligo. Excited akong pumasok dahil Friday, ang paborito kung araw. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis narin ako at bumaba na.
"Oh, Nandyan kana pala Zyna, kain kana" sabi ni Manang Precy
"Sige, manang gutom narin kasi ako. Hehehe" Nakangisi kung sagot kay manang at umupo na
"Pasensya kana Nak Zyna, yan lang ang naluto ko. Puyat kasi ako"
"Okay lang manang. Syanga pala, nasaan sila mom and dad?" Tanong ko
"Ah, maaga silang pumunta sa kompanya niyo"
"Ah, ang aga naman"
"Ahm. Kamusta studies mo?" Tanong ni manang sakin
"Okay lang din manang" sagot ko at tumingin sa relos ko.
"Shit! Malalate nako!"
"Ah, manang una na ako. Malalate na kasi ako" pagpapaalam ko
"Sige hija, mag ingat ka"
Agad akong lumabas sa mansion. At pumunta na sa garahe. Syempre kinuha ko ang sarili kong sasakyan tas sumakay nako.
Tahimik lang akong nagmamaniho nang sumagi sa aking isipan ang aking panaginip. Sa totoo lang natatakot na ako. Gabi-gabi ko na kasi itong napapaginipan. At pamilyar din ang pinagsasabi nila.
Mayamaya ay nakarating nadin ako sa School. At expected, late talaga ako. Tsk
"Ms. Zyna Love Dacon here's your detention slip"mataray na sabi ng teacher ko.
"Akala niya bagay sa kanya ang magsungit. Tsk. Ang pangit kaya"
YOU ARE READING
Forgotten Man
Teen FictionA two person were away from each other because of an accident. The girl fell in love with another man. While the boy fell in love with another girl. Can they will meet again?