EverydayNagsisipilyo ako habang si ate Bea ay naghahanda ng aming baon.
Pagkatapos kong magsipilyo ay isinuot ko na ang aking school uniform at nagsuklay ng buhok. Nagmedyas na ako at isinuot ang aking school shoes."Eto sayo at eto ang sa akin." Sabi ni ate Bea at inabot sa akin ang aking lunch box. "May allowance ka pa ba o ubos mo na?" Tanong niya.
"Meron pa. Hindi naman ako kagaya mo, gastadora." Pang-iinis ko sa kanya.
"Mauna na ako." Pagkatapos kong magpaalam ay umalis na ako.Naglalakad lang ako papuntang school dahil hindi naman ito gaanong malayo sa bahay na inuupahan namin.
Pagkapasok ko sa school building ay dumiretso na agad ako sa room ko dahil baka hindi nanaman ako papasukin ng mga kaklase kong walang ibang alam gawin kundi ang humarang sa pinto.
Nang makita kong walang nakaharang sa pinto ay tumakbo ako ng mabilis pero hinarangan agad ako ni Kaye, ang kaklase kong walang ibang alam kundi ang magyabang.
"Excuse me." Sabi ko.
"Magkano pera niyo sa bangko? If more than a million like my family, you may enter. If not, you may not." Kaye said with a smirk on her face.
Naiinis talaga ako sa kanya pero di ko lang pinapatulan. Lagi niyang pinapamukha sa akin na napakahirap ko, na scholar lang ako at di ako nababagay dito.
Noong first year ako dito sa Morris ay magkasundo naman kami pero noong nalaman niya, nalaman nilang lahat na scholar at mahirap ako ay ganito na sila sa akin.
"Hindi kami mayaman, Kaye. Padaan." Pagmamakaawa ko.
"That's my point, Maurice Domingo. You don't belong here. This is a prestigious school, school for rich. Are you rich? no, you're not. I don't really know why the school accepted you." She smirked.
'Hindi ko rin alam kung bakit ka tinanggap ng school, hindi ka naman matalino.' Yan sana ang gusto kong isagot sa kanya pero hindi ko ginawa, baka mas lalo siyang magalit sa akin.
I stood in front of the door. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at ganun din siya. Maybe she's waiting for my answer but I didn't reply. Manigas siya.
Napagpasyahan kong hintayin nalang na tumunog ang bell at sumabay nalang sa pagpasok ng adviser namin.
"What? Hindi ka na makapagsalita? I won't let you in coz you don't belong here! Find a cheap school na tatanggap sa mahirap na katulad mo! Me, I'm rich. I can buy anything, I can go to any prestigious schools I want." Pagmamayabang niya.
'Wala akong pake sa yaman mo, okay?' Gusto ko sanang sagutin siya pero again, di ko ginawa.
The school bell rang and our adviser came. Some of my classmates just came too. Sumabay ako sa kanila. Hindi naman kayang harangan ni Kaye ang buong pinto dahil maraming papasok.
Nang makapasok ako ay dumiretso na agad ako sa aking upuan at umupo. Hindi na ako nag-abalang tumingin sa mga kaklase kong tinititigan ako na para bang hindi nila ako kilala which is impossible dahil kasali ako sa top 10 last school year at isa pa, ako lang ang nag-iisang scholar sa klase namin.
"Good morning, class." Bati ng adviser namin.
"Good morning, Miss Margaret." Sabay naming sagot ng mga kaklase ko."I would like to announce that books are already available at the Admin office. Miss Domingo, you may get yours tomorrow." She announced.
Mahal ang mga libro sa school namin kaya napakalaking tulong ang pagiging scholar ko dahil hindi ko na ito kailangang bilhin, pinapahiram ako ng school at by the end of the school year, sinasauli ko ito.
Matapos niyang magcheck ng attendance ay nagsimula na siyang magturo.
Ang subject na kanyang tinuturo ay Math kaya kahit first period namin ito sa umaga ay marami ang natutulog at nagdadaldalan.
Ako naman ay nakikinig lang at kinokopya ang mga nakasulat sa white board.
Matapos ang isang oras ay natapos na ang klase namin kay Miss Margaret at pumasok ang aming Science teacher na si Miss Camille.
Paborito ng lahat si Miss Camille dahil bukod sa magaling itong magturo ay mabait din ito. Laging mataas ang scores namin sa kanya. Lahat ng tinuturo niya ay naiintindihan namin. May kumakalaban din sa kanya, katulad ni Kaye at ang kanyang mga alipores.
Lumipas ang ilang oras ay lunch break na. Lumabas na agad ako ng classroom dahil hindi ako makakakain ng tahimik doon dahil paniguradong pagti-tripan lang ako ng mga kaklase ko.
Tumungo ako sa isang library ng school namin kung saan pwede kang kumain. Napasarap ako sa pagkain at di ko na namalayan ang oras kaya binilisan ko ang pagkain at lumabas na sa library.
Sa sobrang pagmamabilis ko ay may nabangga ako. Hindi ko naiwasang maamoy siya. His scent smells like men's cologne. Hindi ito matapang, mabango ito.
Nahulog ang lunch box ko kaya pinulot ko ito. Hindi parin umaalis ang lalaki siguro ay hinihintay niya akong magsorry. Pagtayo ko ay magsosorry sana ako pero wala na siya.
Hindi na ako nag-abalang lingonin siya dahil nagmamadali na talaga ako. Ilang minuto na lang ay tutunog na ang bell.
Nakita ko ang Music teacher namin at sumabay sa kanya papasok ng classroom.
Makalipas ang ilang oras ay tapos na ang lahat ng klase namin sa hapon. Friday nga pala ngayon at cleaner ako. Naglinis na ako. Ako lang mag-isa dahil ang iba kong kasama sa paglilinis ay tumakas at umuwi na.
Natapos na ako sa paglilinis. Kukunin ko na sana ang aking bag pero wala na iyon doon.
"Are you looking for this trash?" Kaye said while holding my bag.
Kukunin ko na sana iyon mula sa kanya pero huli na nang itapon niya ito sa basurahan.
"Thanks." I mouthed and took my bag from the trash can.
Umalis na siya kasama ang kanyang mga alipores. Umalis na rin ako.
Sa tingin ko ay hinding hindi na kami magkakasundo ni Kaye. Nag-iba na siya, hindi na tulad ng dati. Mabait at bubbly siya noong freshmen pa kami. Ngayon, hindi mo maiisip na ganon siya dati.
Naglalakad ako nang biglang may huminto sa akin. Nakilala ko agad ito dahil sa amoy niya. Hindi ko naman talaga siya kilala at di ko pa nakikita ang mukha niya kaya lumingon ako.
His beautiful brown eyes stared at me. Matangkad siya at tanned. His freckled cheeks look so good on him. Makapal din ang kanyang eyebrows and eyelashes, bagay na bagay ito sa kanya.
"You dropped this at the hallway a while ago ." Sabi niya at inabot sa akin ang lalagyan ng kutsara at tinidor.
"Ah, thanks. Estudyante ka ba dito?" Tanong ko nang mapansin kong hindi siya nakasuot ng school uniform namin. Sa tingin ko naman ay magka-edad lang kami. Hindi rin naman nakakapasok ang mga outsiders sa loob ng school dahil strict ang mga guards.
"I will, soon." Sagot niya at umalis. Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya.
Umalis na ako sa school dahil tataya pa ako sa lotto.
BINABASA MO ANG
Noticed
Teen FictionMaurice Domingo. An ordinary 15 year old teenage girl who is a scholar in a prestigious school. Rich students often play pranks on her for being a scholar, for being poor. She has no friends because no one notices her brighter side. One day, she bet...