Chapter 2

3 0 0
                                    


New life

Naglalakad ako ngayon sa sidewalk pauwing bahay. Kakagaling ko lang sa tayaan ng lotto. Tumataya kami sa lotto araw araw, pagkatapos ng klase ay tumutungo na ako sa tayaan ng lotto, umaasang mananalo ng isang milyon.

Mahirap lang kami. Kaya laking tulong ang pagiging iskolar namin ni ate Bea, hindi gaanong malaki ang binabayaran namin sa eskwelahan.

Bukod sa pagiging mahirap ay wala na kaming magulang. Si ate Bea at si Tita Lisa nalang ang natitirang pamilya ko. Si Tita Lisa ay nagtatrabaho sa ibang bansa bilang isang nurse upang masuportahan kaming magkapatid.

Nang makarating na ako ng bahay ay binuksan ko ang pinto ng bahay at pumasok sa loob.
"Maui, andiyan ka na pala." Bati ni ate Bea nang napansin niyang dumating na ako.

"Ang aga mo ngayon ate ah." Sabi ko sa kanya. Madalas kasi siyang ginagabi dahil nagtatrabaho din siya bilang waitress sa isang fast food chain. Bihira lang siyang dumating ng bahay ng ganito kaaga.

"May exam kasi kami sa Lunes kaya nagpaalam ako sa boss ko na hindi muna ako magtatrabaho ngayon at sa Sabado't Linggo para magreview." Sagot niya habang nagha-highlight.

"Mabuti nga't pinayagan ako eh." dagdag pa niya.

"Mabuti kung ganon." Sabi ko at pumunta sa aking kwarto.

Hinubad ko ang aking school uniform at nagbihis.

Nang matapos na akong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto at tumungo sa kusina para magluto ngunit pagbukas ko ng ref ay wala na itong laman kundi tubig.

"WALA NG LAMAN ANG REF!" Sigaw ko para marinig ni ate. Agad siyang pumunta sa kusina upang makita kung totoo ngang wala ng laman ang ref.

Nang makumpirma niyang wala na itong laman ay kumuha siya ng isang libo sa kanyang wallet. "Gamitin muna natin tong pambayad sa renta." Sabi niya at inabot ang isang libo sa akin.

Hindi na ako umangal at tumungo sa aking kwarto upang magbihis.
Nakasuot ako ng denim jeans, pastel yellow loose shirt at ang aking nag-iisang sapatos, ang aking pinakamamahal at pinaka-iingatang converse shoes.

Lumabas na ako ng kwarto at tumungo sa sala upang buksan ang pinto. Tumambad sa akin ang may-ari ng inuupahan naming bahay.

"Magandang gabi po. Tuloy po kayo." Bati ko kay Madam Martha nang nakangiti.
"Ano pong kailangan niyo?"

"Andito ba ang ate mo, Maurice?" Tanong niya.

"Ah.. eh.." Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba siya o hindi. Baka kasi paalisin na kami.

Sasagutin ko na sana siya na wala pa si ate nang biglang dumating si ate sa sala galing kusina.

"Andyan ka lang pala, Bea" Bati ni Madam Martha kay ate Bea nang makita niya ito.

Lagot. Kinakabahan na ako sa mangyayari. Papalayasin na ba kami? Saan kami titira? Dalawang buwan na kaming di nakakabayad baka nga papalayasin na niya kami.

"Magandang gabi po, Madam." Maligayang pagbati ni ate Bea. "Napabisita po kayo?"

"Maniningil lang ako. Meron na ba kayong pambayad?" Tanong ni Madam na mas nagpakaba sa akin.

"Ate..." Di ko maiwasang mag-alala.

"Madam, di pa po kasi nagpapadala si Tita Lisa at di ko pa po natatanggap yung sweldo ko. Baka naman po-"

"Isang linggo. You have one week to pay me. Kapag di parin kayo nakabayad ay mapipilitan akong paalisin kayo." Pagputol ni Madam Martha at umalis. "One week."

NoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon