For you

567 48 49
                                    

For you. 042318
Seulgi x Irene.
A letter shot.

***

Dear Joohyun,

Hindi ko alam kung paano magsisimula. Kung saan ko ba sisimulan ang lahat ng to sa dinami-dami ng nagawa kong kasalanan sa'yo. Kung anong words ang una kong sasabihin, kung mahal kita o pasensya na. Maraming gumugulo sa isip ko, sa totoo lang. Gabi-gabi, naiisip ko kung naiisip mo din ba ako. Araw araw, ikaw ang nagiging inspirasyon ko, kahit na alam kong dinurog kita… na sinira kita.

Bata palang tayo, aware na ako sa feelings ko para sa'yo. May kung anong kiliti sa tyan ko tuwing kausap kita, tuwing malapit ka sa akin at nakikita kita. Feeling ko safe ako pag nandyan ka. Feeling ko, akin ang mundo kapag napapatawa kita sa mga simpleng nagagawa ko.

Salamat dahil nandyan ka palagi tuwing kailangan kita, tuwing nangangailangan ako ng kaibigan na dadamayan ako sa mga problema ko. Minsan nga kahit hindi ko sinasabi na hindi ako okay, magugulat nalang ako at kakatok sa pinto ko, may dala ka pang ice cream at mga pagkain na alam mong paborito ko. Napapasaya mo ako sa mga simpleng bagay na ginagawa mo. Sa mga simpleng pagpapatawa, sa simpleng pagkukwento, masaya na ako. Dahil alam ko, na magaan ang loob mo, kaya naseshare mo sa akin ang mga bagay na yan.

Alam mo din na ako yung tipo ng tao na hindi pala-kaibigan. Yung tipong mas pipiliin pang mag-stay sa bahay upang manood ng mga programang sinusubaybayan ko kesa sa makipagliwaliw sa mga ka-edad ko. Alam mo namang mailap ako sa mga tao, diba? Feeling ko kasi, mapapahiya ako kapag kinausap ko sila. Feeling ko, hindi nila ako papansinin. Yung tipo bang gusto mong magsalita pero nakasarado lahat ang tenga nila sayo. Yung tipo bang gusto mong humingi ng tulong pero hindi sila nakatingin sayo.

Sa mga pagkakataong feeling ko mag-isa lang ako, nandyan ka sa tabi ko. Pinapagaan mo ang loob ko, pinapasaya mo ang kaibuturan ng puso ko. Sa mga simpleng bagay na pagsasabi mo sakin na nandyan ka lang, na hindi mo ko iiwan, mahalaga na sa akin iyon. Napapasaya mo na ako. Salamat dahil ikaw yung taong kahit ang hirap kong intindihin, hindi pa rin ako iniiwan. Yung tipo ng tao na kahit pwede ka namang sumama sa iba, pinipili mo pa din ako kesa sa kanila. Ako yung tipo ng tao na hindi pinipili. Yung tipo ng tao, na hindi kapili-pili. Pero pinaramdam mo, na deserve ko. Na… na kahit papaano, may mga tao pa pala na minamahal ako kahit na ang existence ko sa mundo, hindi napapansin ng iba. Yung tipong gusto ko nalang idelete lahat ng nangyayari sa buhay ko dahil wala din namang may pakeelam.

Pero nandyan ka. Nandyan ka, nanatili ka. Minahal mo ako na para bang ako lang ang taong nakikita ng mga mata mong kumikislap at magaganda. Nag-stay ka sa tabi ko, kahit na sobrang dami ng rason para iwan mo ako. Hindi ka nakinig sa ibang tao. Binasted mo lahat ng mga manliligaw mo. Para piliin ako… ako na sinaktan ka, na pinamigay ka.

Mahal na mahal kita, pero masisisi mo ba ako kung gugustuhin kong mapunta ka nalang sa iba?

'Yung tipong ikaw yung ideal ng lahat, kaya naman nararamdaman kong hindi mo deserve to. Hindi mo deserve na alagaan lang ang isang katulad ko. Hindi mo deserve na mag-stay lang sa tabi ko. You deserve someone better. Yung taong masasamahan ka hanggang sa huli. Yung taong maipapakilala mo sa lahat ng kaibigan mo, at pamilya mo.

Yung taong mamahalin ka, higit pa sa pagmamahal ko sayo.

Kaya pasensya na ah? Kung ibinigay kita sa kaibigan ko. Kung mas pinili ko sya na magalaga sayo kesa sa sarili ko mismo. Wala kasi akong tiwala sa ibang tao, eh. Mas gugustuhin ko pa na sya nalang kung hindi ako. Wala rin akong tiwala sa sarili ko, kaya eto, pinakawalan kita, ng ganun-ganun lang.

Sorry din kung ngayon ko lang sasabihin na sinadya ko lahat iyon. Na sinadya kong lokohin ka. Sinadya kong halikan yung babae na nasa harap ko nung makita kong daraan ka. Sinadya kong ipakita sayo ang text nung babae na nilalandi ako. Sinadya kong makipagusap at makipaglandian sa iba habang nandyan ka.

Sinadya ko. Kasi gusto kong kamuhian mo ako. Para naman hindi ka mahirapan na talikuran ako at kalimutan ang lahat ng ito.

Sinadya ko para magalit ka sa akin at magkaroon ka ng rason para lumaban sa buhay kahit na wala na ako sa tabi mo.

Sinadya ko…

At hanggang sa huli, gusto kong malaman mo na ikaw ang mahal ko. Na mula una ng istoryang ito, sayo na ang puso ko. Ikaw na ang tahanan ko. Ikaw na ang mundo ko.

Gusto ko lang din sabihin sa'yo na masaya ako para sa inyo ni Wendy. Na kita ko namang inalagaan ka nya, na minamahal ka nya. Na kaya nyang maging matatag para sa inyong dalawa. Na hindi ko nagawa noon.

Masaya ako dahil mukhang okay ka na rin. Natatandaan mo pa ba ako? Ako 'yung taong nanakit sayo. 'Yung taong mas piniling lumayo para sa ikabubuti mo. Yung taong mahal na mahal ka pa rin… hanggang ngayon.

I would love to see you na nakawedding dress at lumalakad sa altar, habang hinihintay ka ng kaibigan ko. Gusto kong makita ang ngiti sa mga labi mo. Gusto kong makita na masaya mong babanggitin ang salitang I do, habang nakatingin ka sa mga mata nya at lumuluha ka na sa sobrang saya.

Gusto ko na makita kang masaya bago ako tuluyang mawala na. Pero mukhang hindi ko na kaya. Mukhang matagal-tagal pa bago kayo magpakasal at hindi na kaya ng baga ko na hintayin pa iyon. Ramdam ko na unti-unti ng sumusuko ang katawan ko kaya naman naisipan kong isulat to. Para malaman mo na hanggang sa huling hininga ko, ikaw pa rin ang mahal ko.

Siguro, sa mga oras na binabasa mo 'to, wala na ako sa mundo. Sana maging masaya ka sa kanya. Sana kahit papaano, matatandaan mo pa rin ako.

Ako nga pala si Kang Seulgi. Yung taong pinili na ipamigay ka sa iba para hindi ka na mahirapan na alagaan ako. Para hindi mo makita ang unti-unting panghihina ko. Para maging masaya ka, kahit na hindi ako. Ako si Kang Seulgi… 'yung babaeng mahal ka pa din hanggang ngayon, at mamahalin ka, hanggang sa huling hininga nya.

Love,
Seulgi.

Fin.
***

At dahil malungkot ako, nadamay ko ang SeulRene. hSHSHSHSHSHS.

Wala sa mood so ayun, sorry wala pang matinong cover. Hshshs.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For you | seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon