01

42 3 0
                                    

KENDALL'S POV

"Liam, sabay na tayong pumasok. I'm not in the mood to drive." Sabi ko sa bestfriend ko, kausap ko siya sa phone.

"Hahaha. Okay I understand. Kumain kana ba?"

Napangiti ako sa tanong niya. Uunahan ko na kayo, WALA AKONG GUSTO SAKANYA. Bestfriend ko siya and sobrang sweet niya madalas din kameng pagkamalan na mag on pero wapakels kame dun dahil may poging boyfriend kaya ako!

"Yep! Ikaw ba?" Tanong ko sakanya habang sinasalampak ang ibang notebooks ko sa bag ko at isinara yun.

"Kumain na. Hinahanap ka ni mommy" Mas napangiti ako sa sinabi niyang yun,

buntis si tita at ako ang pinaglilihian niya kaya madalas din akong magutom kasi pag ikaw daw ang pinaglilihian madalas ka daw magutom. Halos araw araw ko ng nakikita si tita, bestfriend din naman siya ng mom ko kaya okay lang at sinadya nilang magkadikit lang kame ng bahay.

"Hindi nako magtatanong kung bakit hahahaha"

Bumaba na ako para magpaalam kila mom, dad and kuya saka ako nagpaalam kay liam na sa labas niya nalang ako hintayin.

"Papasok na po ang maganda niyong anak hehe" Paalam ko kay mom, dad and kuya at saka humalik sa pisnge nila.

"Nagtext saken si liam, nasa labas na daw siya. Bilisan mo, tyaka ang pangit mo!" Sigaw ni kuya. Psh! Tiningnan ko siya ng masama saka humalik sa pisnge niya.

SO, HINDI PA PALA AKO NAGPAPAKILALA, I'M KENDALL JENNER HEHE. CHAROT! I'm Kendall Dela Delgueva. Normal na teenager na nag aaral sa isang magandang paaralan, hmm ano pa ba? Syempre maganda at matalino din ako 'no! Nasa Dean list ata 'to!

Pagkalabas na pagkalabas ko ng gate ay saka ko nakita si liam na nakasandal sa kotse niya tumaas ang kilay ko ng makita kong busy siya sa phone niya.

"Tsk! Sabi na nga ba, hindi ako ang love mo!" Kunwaring pagtatampo ko. Sanay na kameng nagbibiruan na parang kame kaya wapakels kame sa sasabihin ng iba.

Lumapit siya saaken at saka ako inakbayan, "Selos ka nanaman sa phone ko. Naghintay ako sa ng five minutes kaya nabored ako so, I open my phone to check kung may nagtext."

"Psh! Okay, okay! Malalate tayo neto kaya let's go na dahil major ang morning subject ko." I told him kaya pinagbuksan niya ako ng pintuan katabi sa driver seat.

Mabilis ang naging byahe namen dahil major din ang unang subject niya kaya nagmadali na kame kasi mukhang malalate na kame. Kung hindi niyo natatanong High School palang ang mga mom and dad namen ay magkakaibigan na sila at kwento pa nila ay magkakaaway pa sila at may mga rules silang sinusunod pero sila din ang sumira nun.

Naunang magbuntis si mom kesa kay tita, at si kuya nga iyon after two years ay nabuntis naman si tita at si Liam na yun and then after one year ay nalaman nila mom na buntis pala siya at ako nga yun hehe. Hindi ako maganda magkwento kaya pagtyagaan niyo na ako.

Graduating na si liam at Third year palang ako kaya minsan ay sakanya ako nagpapatulong lalo na pag sobrang tinamaan ako ng katamaran.

Nakarating kame sa BWU at nung napark niya ang kotse niya saka siya bumaba at pinagbuksan ako, tinulungan niya akong buhatin ng mga mabibigat na libro na mga dala dala ko. Nung makapasok na kame ng gate ay marami kaming students na nakasalubong na nasa amin nanaman ang mga mata!

"Kung hindi lang sila mag bestfriend, iisipin kong mag-on sila"

"Naku, teh! Pustahan sila ang magkakatuluyan!"

Secretly Falling Inlove With Kendall LeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon