KENDALL'S POV
"Anong nangyare sa mukha mo? Daig mo pa ang ginusot na papel. May galit ka ata sa mundo ngayon?" Pabulong na tanong ni kristin na bakas sa boses niya ang pagtataka.
Okay sana ang umaga ko ngayon kung hindi lang ako binunggo ng pangit na nasa tabi ko, edi sana iwewelcome ko siya sa section na'to pero hindi e! Ni hindi manlang magawang mag sorry. Bwisit! Panira ng araw ang isang to.
Nakahinga ako ng maluwag ng magring na ang bell na sinyales na break na, hindi nagpaquiz ang prof naman ngayon at bago iyon at alam niyo ba ang magaling kong katabi ay NATUTULOG LANG NAMAN HABANG NAG TUTURO ANG PROF! Pero nakakapagtaka na hindi manlang siya sinita at hinayaan siya matulog nakuuu unfair saamin iyon!
"Grabe naman si Miss. Ang unfair naman niya, ang isang yan na kebago bago hinayaan makatulog pero nung halos mawalan na tayo ng tulog last week dahil sa project na pinagawa ng gaga yun ni hindi manlang tayo pinatulog kahit halatang halata na ang mga mukha naten!" Nakasimangot na reklamo ni Kristine Parehas kameng napabuntong hininga nalang dahil wala naman kameng magagawa ruon.
Palabas na sana kame ng room ng makita ko si Liam na naghihintay sa labas ng room namen kaya napangite ako.
"Ay bongga ang bakla! May taga sundo! Teh sinuswelduhan ba ang hot na si Liam para ihatid at sunduin ka?" Si bry nagtawanan nalang kame sa sinabi niya at saka napagdisisyunan na bumaba.
Nanatili akong tahimik at minsan ay nakikitawa lang naman ako saknila. Pag pumapasok ang lalaking iyon sa isip ko ay kumukulo ang dugo ko at ramdam ko na sumasalubong ang kilay ko!
"Are you okay? Bakas ang pagaalala sa boses ni Liam. Nginitian ko lang siya ng pilit at ng maka rating kame sa locker room ay inis kong nilagay sa lockee ko ang iba kong gamit na hindi na kailangan.
"Naku Liam alam mo ba ang babaetang yan ay nangasim ang mukha simula nung dumating yung bagong papa este—bagong studyante!" Pag susumbong ni Kristine na inirapan ko naman.
Sa susunod nga ay lalagyan ko ng matinding glue ang bibig ng isang to!
"May bago kayong kaklase?" Pagtataka ni Liam na saaken naka tingin.
"Yung bwisit na bumangga saaken na kakilala mo!" Iritang sagot ko sakanya. Narinig ko naman siya tumawa ng bahagya kaya tinignan ko siya ng masama dahilan para tumigil siya.
"Ah, Si Noah? Pinsan ko siya."
Natigilan ako sa sinabi niyang yun. Pinsan niya ang walang modong lalaking yun?! Nagbibiro ba siya?!
"Stop joking around, Liam. I'm not in the mood." Pagtataray ko sakanya nauna sila bry pumunta sa canteen kaya kame nalang dalawa.
"Do i look like I'm joking? Hahaha I'm serious here." Nakangiti siyang sabi pero baka ang pagkaseryoso niya.
Eh, ano naman kung pinsan niya ang pangit nayun?! Siguro nga hindi sila magkaparehas ng ugali ni liam pero hindi ibigsabihin nun ay hindi na niya pwedeng maging pinsan ang pangit nayun!
Biglang nagring ang phone niya at nag sign naman siya ng wait lang kaya naupo na muna ako sa bakanteng upuan duon. After ng dalawang minuto ay lumapit na saaken si Liam na may ngite sa mukha niya, Sino naman ang kinausap ng isang to?
"Tumawag si tita, Mom ni Noah she just told me na itour ko daw si Noah sa school na'to." Natatawang sabi niya. Kahit hindi ko naman tinatanong ay nagkukwento talaga siya. May isang oras kameng break kaya hindi namen kailangan magmadali.
"Tingin ko ay nasa room niyo pa siya at natutulog tsk tsk" Napapailing na sabi ni Liam, pano naman niya yun nalaman?
Engot! Magpinsan sila kaya paniguradong kilalang kilala niya ang isang yun!
BINABASA MO ANG
Secretly Falling Inlove With Kendall Lee
FanficAko. Ako si Kendall Lee, nasaakin na ang lahat ganda, talino, at galing sa mga sports. Hindi ako mabaet, hindi rin ako salbahi...slight lang. Pero lumalabas lang ang pagkasalbahi ko kapag pangit ang pakitungo mo saaken. Pero, bakit ganun? Salbahi ak...