Chapter 1

23 2 1
                                    

ELA

Hai ako nga pala si Michaela Avelino. Ela for short. Ako yung taong pinaka dyosa sa lahat ng dyosa.

Nandito ako ngayon aking higaan naka higa habang nag babasa ng wattpad.

Ilang minuto din ang lumipas ay napag-pasyahan kung pumunta ng mapara bumili ng favorite ice cream ko

Naligo muna ako. Tapos nag bihis at nag ayos. Pag katapos tinawagan ko na si Kevin ang aking boyfriend.

Oo tama kayong nabasa may boyfriend ako. Ang love of my life.

Kaya tinawagan ko siya sa aking cellphone. Pero di ma contact. Ah baka busy lang siya.

Lumabas na ako ng aking apartment. Nga pala nasa apartment lang ako nakatira. Kasi namatay yung mga magulang ko dahil sa car accident. Tapos si kuya naman nawala noong grade 10 ako.

But his not my real brother. Napulot lang siya nila mama ang papa nung 3 siya ako naman 1. Wala akong pake noon. Pero sinabihan naman ako nila mama tungkol dun kaya alam ko na.

Pero hindi naman sa ganun na hindi namin siya hinanap.

Kaya mag isa nalang ako. Pero nandito parin naman si Kevin, cousin ko at mga kaibigan ko.

Hays Ok lang yan Michaela. Mawawala rin yang sakit na nandyan sa puso mo.

Hays tama na nga yang drama.

Kaya lumabas na ako at sumakay na ako sa aking kotse papuntang mall.

50 minutes naka rating narin ako sa mall.

Pinark ko muna yung kotse ko. Tapos pumasok na ako sa mall.

I was roaming my sight in every corner of this building. Marami akong nakikitang booths ngayon dito. Seriously, booths? I wasn't expecting for this. Anong meron?

Dahil narin sa boredom ay napagpasyahan kong bisitahin muna ang iba't ibang mga booths rito. As expected, binati agad ako ng nagsisilbing guard nito at iginiya sa loob. Hindi masyadong maraming tao sa loob nito dahil ang pinasukan kong booth ay isang history booth.

Yep, you read it right. History booth! Hm. Marami akong nakikitang portrait ng mga bayani rito. Also katayuang panlipunan ng mga sinaunang Pilipino noon.

Maraming dates and names sa pader na nakakapag bigay lang sakin ng sakit sa ulo.

Lumabas na lamang ako mula roon dahil baka magkalagnat pa ako nang wala sa oras. Tch.

Sunod kong pinasok ang horror booth. Medyo mas maraming dumadagsa rito. Mostly magba-barkada. Kainggit lang e. Nag-iisa lang ako. Shet naman kasi di makontak si Kevin. Tapos yung mga loka-loka ko namang bestfriends eh makikipag date daw. Psh.

Ilang sandali lang din ay marami rami na ang naikot at napasyalan kong booths. At ito na ang last, ang kissing booth.

-_-

Ano naman kayang pinasok ko dito eh wala naman ang boyfriend ko? Pero kahit na ganon. Maglilibang nalang siguro ako. Bakit? Bawal bang manood ng mga couples na nagki-kiss?

Naglakad ako malapit doon sa mini stage na maraming nagkukumpulang tao. Mostly, couples. And I was surprised nung makita ko ang ibang mga kabarkada ni Kevin na naririto.

What are they doing here?

Pero mas nagulat ako nung makita si Kevin sa kumpulan ng magbabarkada. A smile plastered on my face na nawala din naman agad.

Who is she?

Sumikip ang dibdib ko matapos kong makita si Kevin na may kaakbay na babae. Pero hindi lamang doon natatapos. Dahil maya-maya lang din, umakyat sila sa mini stage at doon.

Doon ko nakita ang paghalik niya rito sa labi.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Malulungkot ba o magagalit. Doon ko lang napagtantong unti-unti na palang bumubuhos ang luha sa aking mga mata.

Nung maghiwalay na ang kanilang mga labi ay hindi inaasahang nasagi ako ng mga mata ni Kevin. Sakit at puot ang nakikita ko sa sarili ko ngayon. Nanlaki ang mga mata niya at panandaliang napatulala bago napakilos.

Dali-dali siyang bumaba sa entablado at mukhang papatungo sa aking direksyon.

"Ela!"

Dali-dali akong tumalikod at patakbong lumabas sa lugar na iyon. Ramdam ko ang mga yabag na tila hinahabol ako. At dahil malalaki ang mga hakbang ni Kevin ay naabutan parin niya ako. Hinawakan niya ang braso ko bago marahas na iniharap sakanya.

"Ela, wait. Let me explain firs—"

*paaak

Sinampal ko siya gamit ang buong lakas ko. Yung tipong babaligtad ang makapal niyang mukha.

"Gusto mo pa?"

*paaak

Maangas ang mga mata akong tumingin sakanya. Explain pala huh? Anong ii explain niya? Yung mga kasinungalingang pampalusot lang sa mga kasalanan? Gago! Hindi ako tanga para magbulag-bulagan.

"Dun ka na sa malandi mong kabit. At bahala kayong magpagulong-gulong sa kama habang buhay! Hayop!"

At iniwan ko siyang tulala roon habang pulang pula ang magkabilang pisngi. Simula sa araw na to. Hinding-hindi na ako magpapa-uto pa.

__

Hai guys, it's me! It's the end of chapter one! Hope you like it!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mafia Boss is FALLINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon