Sana..

67 2 2
                                    

Napabalikwas ako ng bangon. Tagaktak ako sa pawis at nanginginig ako sa sobrang takot.

Nakakatakot na bangungot! Pilit kong inalala kung ano nga ba ang nangyari sa panaginip ko pero tila itinago na ito sa pinaka malalim na parte ng utak ko. Yung tipong nasa dulo na ng dila ko pero di ko masabi o maipaliwanag.

Ang nasisiguro ko lang ay namatay ako.

Namatay ako sa panaginip ko.

Kinalma ko ang aking sarili at liningon ang orasan na nakapatong sa bedside table ko. Pasado alas-otso na ng umaga. Nag inat-inat ako at pumasok na sa banyo para ayusin ang aking sarili.

Pababa na ako ng makasalubong ko ang aking kapatid na si Jonathan. Nginitian ko ito at binati pero tila wala itong nakita na pumasok sa kwarto nito.

Bad vibes ata si bunso.

Binalewala ko na lang iyon at dumiretso na sa dining area. Natigilan ako ng makitang inililigpit na ang mesa. Agad na nag init ang ulo ko. Yung pinaka ayaw ko pa naman ay kapag di ako inaantay sa breakfast.

"Ate Lea, sila Mommy? Bakit daw di nila ko inantay? Kinatok man lang sana ako sa taas." nagtatampong saad ko sa katulong namin. Pero sa pagtataka ko ay di man lang ako nito nilingon o sinagot ang tanong ko. Walang babalang nagpunta ito sa hardin at di man lang ako tinapunan ng tingin.

Weird.

Dinedma ko na lang ang ikinilos nito at nagtimpla na lang ng gatas. Akmang kukuha ako ng cereal sa may cupboard ng marinig ko ang pagbaba ni Jonathan. Dali dali ko itong pinuntahan para magtanong kung saan nagpunta sila Mommy. Di ko pa kasi naibabalita yung nangyari kagabe.

Agad na naramdaman ko ang pag init ng aking mga pisnge ng maalala ang proposal ng 6-years-boyfriend kong si Clark. Sinulyapan ko ang aking kanang kamay at hinagod ng tingin ang aking engagement ring. Napangiti ako at napagtanto kung gaano ako kaswerte.

Pero agad ding napawi ito ng mapatingin ako sa ayos ng aking kapatid. Malungkot ang mga nito habang nakasulyap sa akin. Namumuo na rin ang mga luha sa gilid nun. Lalo akong nagtaka ng mapansin na naka itim ito, siya kasi yung tipo ng tao na kahit anong pilit mo ay di mo mapapasuot ng itim.

"Anong problema, Nathan? May nangyari ba?" nag aalalang tanong ko habang papalapit dito pero tinitigan lang ako nito habang walang tigil ang pagbuhos ng mga luha sa mata nito.

Nabigla ako, ni minsan ay di ko pa nakitang umiyak ang little brother ko.

Hinagod ko ang pisngi nito ng bigla itong magsalita.

"M-Miss na k-kita, Ate Nathalie." saad nito habang pinupunasan ang mga pisnge.

"Ano bang sinasabi mo-" nagulat ako ng maglakad ito palapit. Umatras ako pero sa ikinabigla ko ay lumagpas ito sa akin. Literal na lumagpas lang sa akin na parang hangin lang ako na nakaharang sa daraanan nito.

Liningon ko si Jonathan na ngayon ay nakatitig na sa isang malaking painting ng larawan ko na nakasabit sa dingding. Iyon ang picture ko noong 21st birthday ko.

Naguguluhang linapitan ko ito.

"Jonathan, what's happening? Wag mo kong binibiro ha, di ka na nakakatuwa!" sigaw ko pero di man lang ito natinag. Imbes ay dali-dali itong lumabas ng bahay kaya agad ko itong sinundan.

Tinawag ko ang pangalan nito pero kahit anong lakas ng sigaw ko ay di man lang ito lumilingon. Parang wala itong naririnig, halos mapugto na ang mga ugat ko sa leeg pero wala pa rin itong pakialam.

Tumingin ako sa paligid at napansing papalapit na kami sa chapel. Ang St. Augustine Chapel na matatagpuan sa loob ng aming subdivision na isang kanto lang ang layo mula sa bahay namin.

Sana..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon