Chapter 2

9 2 1
                                    

Ang gandang pagmasdan ng kalangitan mula dito sa sinasandalan kong puno ng narra, kahit ilang taon na ang lumipas napakaganda pa din dito, asul na kalangitan, berding damuhan at iba’t ibang kulay ng mga bulaklak

Halos araw araw kapag bakasyon kami naririto ni Jake, dito kami naglalaro o kaya naman nagpapalipas ng oras kapag bored na sa mansyon kaya saksi ang punong to kung paano ako umibig sa uncle ko

Labing dalawang taong gulang ako nuon ng unang tumibok ang bata kung puso

Iniisip ko pa nuon na baka dahil sa siya lang palagi ang kasama ko kaya ganun, pero mali na naman ako, mas lalong lumala ang nararamdam ko to the point na natatakot na ako, simula kasi ng araw na yun napapansin ko na lahat ng ginagawa niya, hindi ko man tangkain lagyan ng malisya ang bawat kilos niya pero di ko mapigilan

Siguro dahil lubog na lubog na ako sa pagibig na nararamdaman ko para sa kanya kaya ganun

Ang hirap hirap umahon sa kumunoy ng pagibig na nahulugan ko, kahit anong pilit ko abutin ang tanging lubid na maaring makahila sakin mula sa pagkakalubog ko, hawak hawak naman ito ng taong dahilan kung bakit ako nandito

“andito ka lang pala” ani ng taong bagong dating, hindi ko manlang namalayan ang pagdating niya

“namiss ko dito” ani ko at binalingan siya ng tingin “kamusta si britney?”

“may ubo’t sipon siya kaya wala siyang ganang kumain” aniya at tumabi sakin

“pero wag kang mag alala binigyan na siya ng gamot ni doc, baka bukas makalawa ok na siya” – Jake

“mabuti naman” tanging sagot ko

“anong oras ka pala babalik ng manila?” I ask randomly

“sasabay na ako sayo, kailan mo ba gustong umiwi?” nakangiti niyang sabi

“paano ang trabaho mo?” I said looking straight into his eyes

“wala naman ako masiyadong ginagawa sa opisina, tska tinawagan ko na ang secretarya ko na magbabakasyon muna ako”

Napapailing nalang ako “matatagalan pa ako dito, baka sa pasukan na ako bumalik ng manila” ani ko “dito muna ako para makalanghap ng sariwang hangin, ok lang naman ako dito tska ano ka ba! malaki na ako di mo na ko kailangan isipin pa, kaya ko na” I said with a smile

“alam ko” aniya at ngumiti ng hindi abot sa tenga, huminga siya ng malalim bago ulit nagsalita “gusto ko din magpahinga muna, masiyadong nakakastress sa upisina nitong mga nakaraang buwan” aniya na tinutukoy ang dalawang truck na naaksidente nang dapat magdedeliver na ito sa manila

Siya kasi ang humahawak ng hacienda dahil ayaw nila mama manatili dito sa probinsya, iba ibang negosyo meron sina lolo kaya pinaghatian nila itong magkakapatid, si mama ang humawak ng lahat ng 5 star hotel chains na meron ang mga Ybarra sa pilipinas maging sa ibang bansa kaya palagi silang wala dito, si auntie Yvonne naman ang humawak ng airline company ni lolo samantalang si auntie Yulli naman ang sa mga Mall

“hindi ka ba kailangan dun?” tanong ko

“hindi na tska andito naman ang main office kaya makakapagtrabaho pa din ako” sagot niya

Hindi na ako umimik pa, pinagmasdan ko nalang ang napakagandang tanawin sa harap

Sana kasing payapa ng tanawing ito ang puso ko, bakit ngaba sa dinami rami ng tao sa mundo sa kanya pa ako nahulog?

Hindi ko akalaing posib-le pala yun, ang mainlove ka sa kamag anak mo, akala ko napaka impossible nun pero hindi pala

I feel inlove with him unexpectedly

Written In The Stars [Complete]Where stories live. Discover now