Magkabilang Mundo - Panaginip

1K 18 7
                                    

Babala sa mga babasa: Ang storyang ito ay kathang isip lamang. Kung may mga karakter na kapangalan ng taong nasa mundong ibabaw ay hinihingi ko po ang kapatawaran sa pagkat ako ay manunulat lamang. Salamat po sa konsiderasyon at pag-unawa niyo.

Sa mundong kinakatayuan natin ngayon. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit nagsilutangan ang mga salitang Balbal, Engkanto, Manananggal mga lamang lupa na mga nilalang. Minsan, napapaisip nalang tayo kung ito ay kathang isip nga lang o sadyang may kabilang mundo talaga na para sa kanila.

Panaginip

Nagising ako sa lakas ng ring nang alarm clock ko sa ibabaw ng kabinet ko.

"Nako! Late ka na anak! Bangon na diyan. Nag alarm ka pa tas ngayon ka pa bumangon. Tsk. Bangon na Leo!". Pasigaw na tawag ni Mama sa akin.

"Opo, babangon na ako. Maliligo na ako." Sabi ko kay Mama.

Habang naliligo ako sa banyo. Nagtataka ako kung sino yung babae na tumatawag sa akin sa panaginip ko. Nako-curious ako. Denedma ko nalang kasi late na ako. At hindi na ako nag-abalang tandaan kung ano ang nangyari sa panaginip ko.

"Kain na anak. Sabay na tayong umalis. Hatid nalang kita sa school mo. First day mo pa naman ngayon sa senior. Pag-igihan mo ang pag-aaral mo ha. Hindi biro ang kumayod para lang may  maipangtustus sa pag-aaral mo sa sekondarya." Paalala ni Mama sa akin. Ako lang kasi ang nag-iisang anak ni Mama. Namatay si Papa nung nasa limang taon pa ako. At siya ang nagtatagayod sa akin.

Nang dumating kami sa school. Iksaktong hindi pa ako late at nagmamadali ako papuntang room ko.

"Hay, salamat. Iilan pa lang ang nandito sa room." Pagod kong nasabi dahil sa katatakbo. Biruin niyo, nasa ikalimang palapag yung room ko kaya hassle ang tumakbo kay sa mag lakad papuntang room ko. Few minutes later, dumating na adviser namin. Maganda naman at may pagka-chix yung dating niya kahit may edad na. Siya si Miss Elaine Reyes. Fresh graduate ng BSEd major in English sa isang kilalang unibersidad dito sa Davao. Nakilala ko si Miss Reyes sa isang paaralan dito sa Davao dahil sa seminar na pinuntahan namin ni Mama. At saktong pamilyar ako sa kanya.

"Good morning class, I am your room adviser. I'm Miss Elaine F. Reyes. I am glad kasi ang ko-cute at gaganda niyong lahat. Call me Teacher Reyes instead of Ma'm Reyes. Are we clear?" Pabirong sabi ni Teacher Reyes sa amin.

"Yes Teacher Reyes!"

"Okay. May transferees ba tayo dito? Mukhang may bago kasi akong nakita dito. Hmm. You look so very familiar, Leo." Pagulat na sabi ni Teacher Reyes sa akin.

"Ha? Ako po?"

"Ay hindi hindi. Siya, yung katabi mong multo sa tabi mo. Opo, Leo. Ikaw. Nagkita na tayo dati diba? Now, introduce yourself in front of your co-seniors." Pabirong sabi ni Teacher sa akin.

"Okay po." Tumayo ako at pinakilala ko ang sarili ko sa harap ng mga kaklase ko.

"Magandang umaga. Ako nga po pala si Leo Ferrer. Dating mag-aaral sa De La Salle College of St. Benilde. Nag-transfer po ako dito sa Davao dahil sa trabaho ng Mama ko. Ako po ay 17 years old na. Salamat po." At dali-dali akong pumunta sa upuan ko dahil sa sobrang hiya ko sa mga kaklase ko. Ako lang kasi ang nagsasalita ng Tagalog. Conyo kasi ginagamit ng mga taga-Davao, kaya medyo naiintindihan ko mga salita nila.

"Salamat, Leo. Okay class. Time for me to leave. Your next subject is Math. Anyway, I will be your English teacher as well as your first subject for this month. Thank you and good bye. Be quite." Sabi ni Teacher Reyes.

Magkabilang MundoWhere stories live. Discover now