3years ago..
"Dad maganda ba talaga dun?" Pangungulit ko habang nakaupo sa backseat kasama ang isa ko pang kapatid na 6years old.
"Oo naman anak sabi ng amo ko sa opisina pwede daw nating gamitin ang resort nila sa palawan para sa vacation ko ng 1week." sabi naman ng dad ko habang nagmamaneho sa harap.
"Oo nga naman anak sabi pa nga ng mga kaopisina ko isa iyon sa pinakamagandang private resort dun at siguradong mag eenjoy tayong magpapamilya dun! Excited ka na ba? First out of town trip natin toh kukuha tayo ng maraming picture para may suviener naman tayo pag uwe natin." sabi naman ni Mom na nakaupo sa kabilang side ni Dad.
Halatang masayang masaya at excited na sila.
Nakatulogan ko ang byahe namin nagising nalang ako ng may sumisigaw at biglang may parang bumundol na malaking truck sa sasakyan namin.
Di ko na maalala nagising nalang ako isang araw sa loob ng ospital na maraming sugat sa katawan at kasama sila Tito at Tita pati tatlong pinsan ko.
Wala kang makikitang iba sa mukha nila kundi kalungkutan at awa habang nakatingin sa akin.
Alam ko may masamang nangyari pero parang nawalan ako ng boses para magtanong sa kanila.
Alam ko na sa isip at sarili ko na hindi ko magugustuhan ang mga sasabihin nila.
At tama nga ako nga sabihin nila Tita Aurora at Tito Fred ang pagkawala na ng mga magulang at kapatid ko.
Wala akong magawa kung di umiyak ng umiyak.
Wala na ang mga taong pinaka importante sa buhay ko.
Minsan natanong ko sa sarili ko kung bakit nabuhay pa ako kung bakit di nalang ako namatay kasama sila para naman di ako nagdudusa ng ganito.
Umabot din ng ilang months bago ako nakausap ng matino nila Tita. Doon nila ako pinatira sa kanila pero after din noon pinilit ko sila Tita na umuwe na ako sa bahay.
Nung una di sila pumayag pero talaga pinilit ko sila hanggang sa wala na silang nagawa pa at pumayag nalang.
Nung mga time na iyon pinilit kong bumangon para tuparin ang mga pangarap nila Mama at Papa para sakin.
Kumuha ako ng scholarship para sa pag aaral ko kasi di ko nga naman kaya pang pag aralin ang sarili ko nun ng walang tulong sa scholarship.
Nag alok naman ng tulong sila Tita sakin pero di ko na tinanggap kasi nahihiya ako sa kanina marami na rin silang natulong sa akin.
Ginawa ko lahat para makatayo sa sarili kong mga paa ng walang tulong sa iba nag part time ako sa isang restaurant at nag apply as singer naman sa Bar naman nang pinsan ko.
Kung iisipin mas maayos na ang buhay ko ngayon kaysa dati. Hindi madali pero nakaya ko naman.
*Back to Present*
Di ko na namalayan na umuulan pala sa labas ng jeep na sinasakyan ko.
Pumara na ako ng marating ko na ang gate ng Subdivision namin.
Buti nalang talaga at may mabait ang guard at pinahiram ako ng payong para makauwe.
Kilala na din ako kahit papano ng mga guard dito kasi nga late na ako lagi umuuwe tapos naglalakad lang naman ako papasok.
Nang makarating na ako sa bahay hinubad ko agad iyong sapatos ko at jacket at dumiretso sa kusina
para mag init ng tubig.
Umakyat na ako sa taas para maligo at magbihis.
Nakakapagod ng araw nato pero sana'y na naman ako. Ini on ko nalang ang Dvd at nagpatugtug ng mga paborito kong Acoustic na kanta.
Sinasabayan ko pa ng kanta habang inioff ang ko ang heater at nagtimpla ng kape.
Umupo na ako sa sofa at nagsimulang gumawa ng assignment sa English major ko BSBA kasi ang kinuha kong course.
Di ko na namanlayan ang oras ng matapos ko ang assignment ko at umakyat sa taas para matulog.
Humiga na ako sa kama, napakatahimik ng bahay hindi katulad dati nung buhay pa sila Mama pero sana'y na ako.
Haay Tomorrow is another hard day for me..
May's Note:
Hello eto na iyong Chappy two..
Open pa din po ako sa mga Feedbacks and all just Comment niyo lang.. ^_^
Comment and Vote..! ^___^v
BINABASA MO ANG
When Love Takes Over
Romance"Falling inlove with him is something I hadn't expected. But being inlove with him is something I couldn't stop even if I tried." -Mayla "So I love this girl. She's my world. But she doesn't care. She's off with some guy. He's probably good looking...