03

52 6 9
                                    

// For Cristina who remembered my favorite word. //

* RING RING *

Pinindot ko na yung off ng alarm clock ko. Ibig sabihin, seven na ng umaga. Gusto kasi sana namin na maaga kaming umalis para kahit papaano, mas mahaba ang outing namin, ang stay namin doon.

Tinapik tapik ko yung braso ni Cheska na natutulog parin sa tabi ko. Nag-sleep over kasi si Cheska dito saamin. Para daw hindi siya ma-late kasi baka late siyang magising.

"Hmm. Ikaw na mauna." Ungol ni Cheska bago tumalikod saakin.

Umupo na ako ngunit nakapikit parin ang mga mata ko. "Jusko naman Cheska sabi mo kagabi ikaw mauuna."

Wala akong nakuhang sagot. Natulog na ata ulit. Kinusot kusot ko ang mata ko habang sinusubukang imulat ang mata ko. Kinapa kapa ko yung cellphone ko na nasa bed side table saka kinuha. Sinindi ko iyon at itinapat sa mukha ko.

Napapikit agad ang mata ko nang nasindi iyon. Masyado palang maliwanag. Dark ang mga curtains sa kwarto ko at nakapatay ang ilaw kaya naman napaka-dilim dito sa kwarto na 'to. I squinted my eyes to see clearly. "Cheska. Doon ka na sa banyo sa ibaba maligo. Doon nalang ako sa banyo sa kwarto nila mommy. Para mas mabilis tayo matapos. Para mas maaga. Dalian mo na. Gising na."

She grudgingly sat up on bed. "Oo na. Maliligo na din ako niyan."

Nauna na akong tumayo at naligo. Doon ako sa kwarto nila mommy dahil may sarili silang banyo doon. Si Cheska sinabihan ko nang doon nalang sa ibaba maligo.

Pagbalik ko, nadatnan ko si Cheska na nagsusuklay. "Oh. Grace, kahit kailan talaga ang bagal mo maligo. Alam mo yun?"

I flipped my hair with a sneaky smile on my face. "At least ako nililinis ko ng mabuti ang katawan ko."

Natigil siya sa pagsusuklay. "Are you saying I don't?" Hindi makapaniwala niyang tanong saakin.

Nag-kibit balikat ako saka siya nginisian. "May sinabi ba akong ganun? Ikaw nagsabi nun eh."

Binato niya yung twalya niya saakin. "Che! Malditang Grace."

Nag-ayos na kami bago kumain ng breakfast namin. "Anong oras na?"

"Ten minutes to eight." Sagot ko sa tanong niya.

"Oh sige. Tara na. Lumarga na tayo. Excited na talaga ako makita yung rest house niyo. Sa tingin mo? Mga anong oras tayo makakarating dun?" Aniya habang nililigpit ang pinagkainan namin.

Hinilig ko ang ulo ko sa kaliwa. "Siguro two to three hours lang naman ang byahe natin papunta doon. So kung on time ang alis natin ng 8:15, baka 10 or 11 nandun na tayo."

Tumango siya, "Oh, okay po."

Sabay kaming pumunta sa bahay ni Junmyeon. Siya kasi ang mag-pprovide ng sasakyan namin ngayon, kaya doon ang meeting place namin. Wala eh, rich kid kasi yun.

"Junmyeon~ Musta na?" Pangungumusta ko kay Junmyeon nang salubungin niya kami sa labas ng bahay nila.

"Okay lang naman. Akin na mga dala niyo, ako na magdadala." Aniya bago kinuha ang mga bags na dala dala namin ni Cheska.

"Wah~ Bakasyon na. Ang sarap mag-puyat niyan panigurado, knowing na walang pasok kinabukasan!" Sabi pa ni Cheska habang nag-uunat.

This SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon