Zella's POV
"Online Relationship?" Sus. Napabuntong-hininga nalang ako.
"It doesn't work at all." Agad kong sinara ang laptop ko at humiga sa aking kama. "It never will."
"Ano na namang ka-dramahan 'yan, Zella? I told you, tumigil ka na sa pagpapaka-inang sa lahat ng tao. You can't even put it in reality. Panay tago ka lang. Your life advices? Hanggang words lang." Tinakpan ko ng unan ang tenga ko para hindi marinig ang mga sinasabi ni Jana.
"Oh ano, tatakasan mo na naman ang realidad? Zella, wake up! Hindi na uso ang magmukmok." Inalis ko ang takip sa tenga ko at saka siya hinarap.
"You won't understand, unless you're me." Tumayo ako at nagpunta sa kusina para kumuha ng isang basong tubig.
"Hay, ano pa nga bang magagawa ko? Are you still finding the answer? Akala ko ba--"
"Just.. stop." Pagod na pagod na rin ako sa pagpapaintindi. She still doesn't get it. Kahit araw-araw niyang pinapaalala sa'kin na itigil ko na, mahirap turuan ang pusong nagmamakaawa pa.
"You'll find someone better. Tiwala lang, you know my words right? They always come true." Napangisi ako sa pait. Tama naman 'tong bestfriend ko. Her words always do come true. Her words are magic. Kaya pala.. pati kami, naging parte ng kanyang mahika.
"Yan ka na naman. Pasalamat ka, bestfriend kita eh. Kung hindi, baka matagal na kitang iniwan." She's always with me. Feel ko nga, we are more likely to spend the rest of our lives together. Magmula nung mawala si mommy, siya na ang lagi kong nakakasama. My dad? Hindi nakatiis. Naghanap ng bagong pamilya. Wala na 'kong contact sa kaniya pero it's alright. I can manage on my own.
I have a permanent work as a script writer, and a part-time blogger. Ang aking identity ay tago sa screen. I like it that way. People come for me para manghingi ng life advices. Mapa-problema sa pamilya, buhay-pag-ibig, at iba pa.
"Didn't I make the right choice for you?" Nginitian ko nalang siya para matapos na yung usapan naming paulit-ulit lang naman ang direksyon. Napupunta lang lagi sa pagsisi sa'kin.
Kasalanan na ba ang magmahal?
Kasalanan na ba ang maging tanga?
Pumunta ulit ako sa kwarto at umupo sa harap ng desk. "Right, let's do this." Binuksan ko ulit ang aking laptop at nag-scroll sa aking website. Ang daming tanong at ang daming may problema sa buhay.
"Inang, paano po magiging kami ng crush ko?" Walanjo, napaka-nonsense naman nitong nagtanong.
Hindi na 'ko nag-isip at dali-dali na 'kong nagtype.
Anon: Inang, paano po magiging kami ng crush ko?
Answer: Gumising ka sa panaginip mo.
BINABASA MO ANG
another chance, another pain [one-shot]
Short StoryAre you willing to take another risk to become happy? Or it will just be another chance, and another pain?