CHAPTER 1
Napatungo ako ng tingin. "Ah talaga?" Sagot ko sa tanong nito. "So kamusta ka naman? Hindi mo sinasagot mga tawag ko, ang tagal kong nag antay Chandria." Sigaw nito sakin. "Ah. Sorry busy kasi ako." Walang gana kong sagot. "Busy?! Tatlong araw, ni walang hi, hello o isang putang*na* man lang!" Singhal nito.
"Ah, kaylangan ko ng umalis." Tinignan ako nito ng halos di makapaniwala.
"Sige! Kung yan ang gusto mo! Kung yan ang makakapagpasaya sayo."
Kung ito ang makakapagpasaya sakin? Napatawa ako ng bahagya sa isipan ko. Tumalikod ako sa kanya kasabay ng pagdurog ng puso ko. Di ko to ginusto Wilbert. Para to sayo. Mag sasakripisyo nanaman ako.
Nag start ako maglakad palayo sa kanya.
Gusto ko sanang bumalik at sabihing nasasaktan din ako na nakikitang nasasaktan ka, pero kaylangan kong tiisin dahil mahal na mahal kita. Gusto ko syang yakapin ng mahigpit pero hindi.
Gusto kong halikan ka ng madiin wilbert, dahil miss na miss na kita. Gusto kong yakapin ka ng mahigpit. Gusto kong sabihin mong wag akong lumayo.
Makakasuhan na ata ako sa sariling pag sasalvage sa puso ko.
Napapikit ako ng mariin inaantay ang pagsabi nya ng 'wag. Mahal na mahal kita. Wag kang umalis, wag kang lumayo babe. Hindi ko kayang mawala ka sakin.' Bahagya akong napatigil.
Nag antay ako ng ilang segundo pero walang kamay ang pumigil sa paglalakad ko. Tumakbo ako bago ako bumuwal. Mas mahal nya yung babae kaysa sakin. Sino nga ba ako? Isang kontrabida sa sarili nilang kwento.
Oo isang kontrabida. Kontrabida na gusto ng magparaya.
Ako si Chandria Santos. Ang babaeng nagkagusto sa taong nakatali na sa ibang babae. Isa akong babaeng kabit, hilaparot, demonyita! Yeah may girlfriend sya at oo pinatos ko sya! Shit.
Tumingin ako pabalik kitang kita ko kung paano sya tumalikod at maglakad palayo.
Oo, palayo sakin. Sakin na kontrabida sa istorya nila.
"Please, lumingon ka naman oh." I whisper. Desperada akong malaman kung importante ba talaga ako sa kanya. Nagbigay ako ng mapait na ngiti para sa sarili ko habang tumatalikod na din. Wala na chandria. Wala na.
Naglakad na ko palayo. Ewan, diko alam kung san ako dadalhin ng mga paa ko. Ang importante makalayo, nagpapatangay lang ako. Ang sakit ng puso ko. Sobra. Kasalanan ko ba to ha?!
Napasampal ako sa sarili ko. May dapat pa bang sisihin sa katangahan mo chandria?!
Tuluyan ng bumuwal ang paa ko kasabay ng paglabas ng mga luha ko. Diko ginustong magkagusto sa taong nakatali na sa iba. Di ko gustong makapanakit ng ibang tao. Diko gustong masaktan ang isang inosente. Ano ng gagawin ko?
YOU ARE READING
Starting Over Again
Teen FictionAyokong maging kontrabida sa sarili kong kwento :).