CHAPTER 2
“ORDINARY TO EXTRAORDINARY”
ALEXA’S POV
Kakababa ko lang sa parking lot. Magkikita kasi kami ni goon ngayon. Syempre kahit busy sya hindi sya nawawalan ng time sa’kin kaya nga mahal na mahal ko yun.
“Waahhhhhh kitty bakit ka kasi umakyat dyan. Paano kung malaglag ka.” May nakita akong batang umiiyak sa tabi ng bike nya. Mga 7 years old siguro ‘to. Hindi ko na sana sya papansinin pero ang lakas umiyak. “Wag kang gagalaw kitty, baka malaglag ka. Waaaaaah! Intayin mo lang si superman, maririnig nun ang iyak ko.”
-_- Modern age na pero naniniwala pa din ‘tong batang ‘to kay Superman. Tiningnan ko lang sya at napatingin din sya sa’kin. “Why are you crying?”
“Waaaaaaaaaaaaaaaah kitty hold on. Darating din ang tulong from heaven.” Wow, parang hindi ako nakita at narinig ha. Pwes bahala sya sa buhay nya, meron pa kong date. Iiwanan ko na ‘tong batang ‘to. “Kitty stay put, I know merong superhero somewhere – ” tapos bigla syang tumigil sa pag-iyak kaya napalingon ako at nakita kong nakatingin sya sa’kin. “ – ahhhhhhhhhhhh kitty no.”
Ugh! Grabeng mga bata ngayon, bakit hindi na lang tumawag sa 117 para humingi ng tulong! Tumingin ako sa paligid pero walang ibang tao. Great! It’s me and that kitten. “Boy, gusto mo bang ibaba si kitty?”
Nagnod sya. “Eh bakit hindi ka umakyat dun at kunin mo hindi yung ngalngal ka ng ngalngal dyan!!” napatulala sya tapos bigla ulit syang umiyak ng malakas. “Shhh joke lang naman. Nagjojoke lang si ate oh.”
“Kunin mo si kitty sa taas ate. Hindi safe dun, baka malaglag sya.” Ugh! Nakakainis, wala akong magawa!
Umupo ako sa harapan nya para pantay kami. “Listen, hindi malalaglag si kitty gawa nung claws nya.”
“Pe – pero maliit pa si kitty!! Waaaaaaaaaaaah!” mas lalo nyang nilakasan yung iyak.
“FINE!!!! AAKYATIN KO NA YANG KITTY NA YAN!!” kapag naman minamalas ka. Tumingin muna ako sa orasan ko at nakita kong maaga pa naman so kung aakyatin ko yung kitty na yun makakababa pa ko. Lumapit ako sa puno at hinubad ko ang shoes ko. Buti na lang at hindi ako nakadress ngayon. Wala pa mandin akong lahing unggoy, naku bata ka kapag ako nagkagasgas o nasugatan patay ka sa’kin.
“AHhhhhhhhhhhhhhhh!!!” nagulat ako sa sigaw nung bata.
“Bakit?” papaakyat na ako pero bumitaw ako dahil sa sigaw nya.
“Kasi baka malaglag ka dyan, wala ng magliligtas kay kitty.” Mahina nyang sabi.
“Kung sisigaw ka ulit ng ganun talagang malalaglag ako. So shut your mouth okay?” then nagsmile ako tsaka nagproceed sa pagakyat ng puno. I can do this. Mababa lang ang puno, ililigtas ko ang kitten then tapos na ang lahat. Isa na akong kitten saver. Kung nasa ibang bansa ako for sure nasa tv na ako ngayon live, isang unica hija, tapagmana ng AGC umakyat ng puno para sa isang kuting na nagpapahangin lang at marunong namang bumaba ng puno.
BINABASA MO ANG
Perfect Haters Book 2: Almost Perfect (COMPLETED)
Ficción General(Highest rank in Teen Fiction #4) They started as haters then become lovers. Fought for the sake of love. Their love is invincible. They are - Alexa and Zak. Everything seems so perfect. From perfect haters to perfect couple and now all they want is...