Falling

26 3 3
                                    


- Scheiy Cortez -

RINIG KO ANG malakas na pag buhos ng ulan at ang ingay ng pag kabukas ng pintuan ng tren, halos sabay sabay ang pag pasok ng mga tao at aligaga sa pag hanap ng mauupuan. Isa ako sa mga tao na nag pahuli sa pag pasok dahil ayaw kong makisabak sa tila gyera ng mga sundalong nag mamadali.

Kaya ang naging kalabasan, naka tayo ang peg ko. Niyakap ko ng mahigpit ang damit na suot ko dahil nilalamig na talaga ako. Sobrang lakas ng buhos ng ulan at talagang biglaan kaya hindi ako nakapag handa, ayan tuloy... basang basa ako.

Halos kaharap ko lang ung pintuan ng tren, at kitang-kita ko naman ang isang lalake na dali-daling iniharang ang kamay sa pintuan ng tren para itigil ang pag sara nito.

Hindi ko siya makitang mabuti dahil nakayuko siya at natatakpan ng kaniyang buhok ang mukha niya. Hingal na hingal siya na parang kagagaling lang sa pag takbo, pansin ko naman ang get-up niya.

Naka-ripped jeans at white na t-shirt na may naka-print na picture ng isang arrow, cupids arrow. And then pinatungan niya naman ng isang black leather jacket. Basang basa siya bess katulad ko.

Tila nag slow motion ang paligid ng umangat ang pag tingin niya, dahan dahan at tila pati ung pag patak ng tubig mula sa katawan niya nakikisabay din. Pakiramdam ko nawalan ako ng hininga ng mag tama ang tingin namin.

*dugdug* *dugdug* *dugdug*

Matagal. Pakiramdam ko sobrang tagal ng pag titigan namin, pati ung slow motion patuloy padin! Ung pag hinga niya... ung pag patak ng tubig mula sa katawan niya... ung pag galaw ng paligid... lahat lahat! At wala din akong marinig kahit ano maliban lamang sa pag pintig ng puso ko.

Kitang kita ko ang pag baba ng tubig muli sa mukha niya, mula sa noo... sa mapupungay niyang mata... nag padausdus sa matangos niyang ilong... pababa sa mapupulang labi niya at sa kaniyang adams apple na talaga nga namang mapapa-lunok laway ka nalang!

Perfect!

"Ah miss, can you move a little bit?"

Dun lang tila bumalik ang lahat sa normal.

"A-ah? O-oo naman. sige lang.. s-sige lang. "

Nilihis ko agad ang tingin ko sakaniya dahil pakiramdam ko malalagutan ako ng hininga.

Hoo! Ano ba yan Scheiy! Gwapo lang, nag papa-epekto ka na agad?! Aish!

Lumipas ang ilang minuto ng dumadami na ang tao, siksikan na. Madami kasi ang sumasakay at nagulat nalang ako ng talagang napasiksik ako sa pintuan ng train at napasandal! At ang mas malala, nasa harap ko si Mr. Perfect!

Nanlake ang mata ko ng mapansing napaka-lapit namin sa isa't-isa! Parang tinutulak siya papalapit sakin ng maraming tao kaya wala siyang nagawa kundi isandal ang kaniyang dalawang kamay sa salaming pintuan na nasa likod ko, para prebentahan ang pag lalong pag lapit niya sa akin.

Bumagal. Tumahimik. Nawala muli ang ingay ng paligid. At tila siya lang ang nakikita ko sa mga oras na ito. Titig na titig kami sa isa't isa, habang patuloy ang pag lapit ng kaniyang katawan sa akin. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko dahil nakita ko siyang ngumisi! Napalunok nalang ako ng laway at umiwas ng tingin, at ng mapadako ang tingin ko sa salamin na pintuan, kitang kita ko ang sarili kong namumula! Ung kaninang pakiramdam ko na nilalamig ako, ngayon feeling ko ang init-init na!

"I'm James btw. You?"

Nagulat ako ng bigla siyang mag pakilala. Eto naman akong mukhang tanga napaharap agad sakaniya at shit! Nakakalunod talaga ang pag tingin sa mata niya! Kaya ang ginawa ko, para hindi ako madistract, sa noo niya ako tumingin.

"I'm Scheiy. "

Mahina siyang tumawa. "Why are you looking at my forehead?"

"Kasi gusto ko."

"Sure? I don't think that's the case."

Napakunot ang noo ko. "Case? Ano ka? Lawyer para mag karoon ng kaso?"

Tumawa nanaman siya. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? "Not literally silly. Hahaha"

Napa-ikot nalang ako ng mata ko para ipakita sakaniya na wala akong ganang makipag usap sakaniya. Pero deep inside, nag wawala ng sobra ang puso ko.

Hindi na siya muling nag salita na parang natukoy niya na wala ako sa mood makipag usap. Hanggang sa nag daan ang ilang minuto at naramdaman ko ang salaming pintuan na nasa likod ko na unti-unting bumubukas.

Nanlake ang mga mata ko at napatingin din sa akin si Mr. Perfect. Shocks! Nasa likod ko pala ung pintuan ng tren at kapag tuluyan tong bumukas, babagsak ako!

Ng tuluyang bumukas ang pintuan ay naramdaman ko ang sarili kong unti-unting bumabagsak.

Pero bago un, naramdaman ko nalang na may humila sa kamay ko at hinigit ako papalapit sa makikisig niyang katawan at inisukbit ang kamay ko sa leeg niya.

James.

Dun ko lang napansin na pigil na pigil pala akong huminga. Nag mamadali namang lumabas ang mga tao pero kami, titig na titig pa rin sa isa't-isa.

"Next time. Be careful, I don't like seeing some Beautiful Lady like you falling without anyone to catch her.

*Dugdug* *Dugdug* *Dugdug*

Shit. Ayan nanaman ang pesteng puso na yan!

Inalis ko ang pag kakalingkis sa leeg niya at lumayo ng kaunti.

"Wag kang mag alala, sa susunod. Hindi ko na hahayaang mahulog ako sa walang kasiguraduhang lugar. " At saka ako sumabay sa mga tao sa pag labas ng tren. Pero muli ko nanamang naramdaman ang kamay niyang pumigil sa akin at inihila ako muli sa kaniya.

Ngumiti siya ng makahulugan at sinabi ang katatagang nag pa-wala sa aking puso. "But you know what, I think I'll just go with you and catch you everytime you fall. "

At muli, naramdaman ko nalang ang sarili kong nahulog na ng tuluyan.

END

Falling Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon