~Chapter 1~

29 1 0
                                    

A/N: Basahin niyo po yung Story Description to know some things tungkol kay Belle☺ Tsaka iba ang birthday dito ni Zild. Sorry pero kailangan kong ibahin hehe.

August 11, 2018
Isang araw nalang pasukan na ulit! Yey Grade 12 na ako! WOOOOOOO. OA ko grabe.

*ring

"Hello? Belle! Tara shopping tayo!" Sabi ni Nicole sa kabilang linya. "At bakit nanaman Nic? Di pa ba napupuno ang bahay niyo sa mga napamili mo? Jusko." Sabat ko naman sa kanya. "Gaga! Hindi naman damit! Kakabili lang natin last week. School supplies bibilhin natin!" Tili niya. "Ah ganun ba? Sige sunduin mo ako ng 2:15" sabi ko. "Sige! Bye Belle! See you later muah!" Sabi naman niya at ibinaba na ang tawag.

Ay hala 1:30 na pala. Dumiretso na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos maligo ay pumili na ako ng damit na susuotin. Naka shorts lang ako na puti at pink na crop top. Suot ko rin ang aking sneakers. 'Di naman ako magpapakabonga. Bibili lang naman ng school supplies eh.

2:00 narin ng nakatapos ako mag-ayos. Nag-instagram na lamang ako para malibang ng onti. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarinig na ako ng busina ng kotse mula sa labas ng aking tahanan.

Bumaba na ako at lumabas na ng bahay. Nag-paalam nanaman ako kay mommy at daddy ka no problem. Nakita ko na rin ang pamilyar na puting van ni Nic. Pumasok na ako, at umupo sa tabi niya. "Belle! Buti naman at umayos ng onti yang suot mo." "Bakit? Pangit ba suot ko dati?" Sabat ko naman. "Hinde naman. Kasi dati ang baduy ng suot mo! Ngayon, parang tao ka na manuot!" Sabi naman niya. "Napaka-sama mo talaga!" Sabi ko sa kanya at padabog na tumalikod. Syempre peke lang para maging mabait siya saakin. "Uy joke lang! Ang ganda mo kaya! Ang dami mo pang manliligaw!" Napangiti naman ako bigla at humalakhak ng napaka-lakas. Kumunot ang noo niya pero tuloy-tuloy parin ako sa pag-tawa. Napatawa narin siya hanggang sa makarating na kami sa mall.

Bumaba na kami sa kotse at dumiretso sa National Book Store. Nag-shop nalang kami at pumunta sa Starbucks. Nag-order nalang kami ng maiinom at dumiretso na sa kotse.

Agad na sumalubong saamin si Kuya Derell. Ang driver nila Nic. "Ay ma'am andiyan na po pala kayo. Nicole, pinapasabi ng daddy mo na dumiretso tayo sa resort niyo." Kwento ni Kuya Derell.

"Ah sige po. Oo nga pala Belle! Birthday nung pinsan ko! May swimming sa resort namin! Kuya punta muna po tayo sa bahay nila Belle kukuha lang ng damit." "Sige po." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Nic. "Wait? Sinong pinsan? Tapos na birthday ni Francine ah. Tsaka malayo pa birthday ni Ate Faith!" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. "Si Kuya Zild! Yung may banda? Remember?" "Ah okay yung Ay-vi of Spades ba yun? Diba siya yung sa drums?" Tanong ko naman. " Four kasi yun hindi ay-vi. Tsaka sa bass siya hindi sa drums." Humalakhak nalang kami hanggang sa makarating sa bahay.

Dumiretso ako sa kwarto ko at kumuha na ng gamit. Nagdala ako ng one piece na swimsuit, towel, cardigan at pajamas. Nag-ayos nalang ako ng kaunti at bumaba na. "Ah manang, pakisabi po kay mommy na pupunta ako sa resort ni Nicole." Sabi ko sa isang katulong namin. "O sige. Mag-iingat ka ah?" Tumango ako at sumakay na sa van. "Bes, overnight tayo dun sa resort. Pinagpaalam na kita kay Tita." Sabi sakin ni Nic. "Ah okay. Buti may dala akong pajama." Nagdrive na papunta sa resort yung Driver ni Nic.

Pumasok na kami sa loob at onti lang naman tao. Baka close friends and family lang nila nandito. Bigla namang bumungad sakin si Kuya Zild. "Oh Belle. Buti nakapunta ka! Ipapakilala kita sa friends ko." Hinila na ako ni Nic papunta sa isang modern na kubo. Nakita ko naman si Gelo at si Shanne. Tapos may 2 pang lalaki dun. Yung isa mukhang Dora na may salamin pero uy grabe ang pogi! Tapos yung isa medyo chubby pero napakacute! "Uy Gelo, Shanne!" Sigaw ko sa dalawa. Napapunta naman sakin ang atensyon ng iba.

"Belle! Na-miss kita sobra! How are you? May boyfriend na ba?" Bungad ni Shanne. "Na-miss rin kita! Ok lang naman ako tsaka wala akong boyfriend no!" Si Gelo naman nakangiti lang. Si Shanne kasi kaklase ko nung highschool. Tapos si Gelo, childhood bestfriends kami. Pero lumipat kami ng bahay kaya hindi na kami nagkita. "Wala kang boyfriend?" Tanong sakin nung may bangs tsaka ngumisi pa. Agad siyang binatukan ni Kuya Zild. "Ah Belle, mukhang magkakilala na kayo ni Shanne at Gelo. This is Unique. You can call him Nikkoi or Koi." Turo niya sa Dora na ngayon ay nakangit ng malapad. "Eto naman si Badjao. Call him Badj or Jao instead." Turo niya dun sa isa. Nakipag hand shake siya at ngumiti.

Bigla namang dumating ang isang lalaki. Nakayuko kasi siya kaya hindi ko nakita yung mukha. "Oh Ter! San ka nanaman nanggaling ha?" Tanong ni Gelo kay Ter daw. Tumingin siya sa direksiyon ko at nanlaki ang mata. Bakit kaya?  Umiwas siya ng tingin at tumango nalang sa sinabi ni Gelo. Nako cold ata tong pogi na to. "Uy Belle! Narinig mo ba?" Alog sakin ni Nic. "Ha? Ang pogi! Este ano yon?" Ang lutang mo nanaman Belle! Nakakahiya ka. Jusko po Lord. "Sorry ah? Bagay kayo ni Ter eh. May pagkalutang ka rin eh." Inirapan ko siya habang yung pogi naman ay nakatitig lang. "Sabi namin, Si Blaster to. Ter nalang tawag mo sa kanya. Tsaka bagay kayo!" Pinagdikit naman kami ni Nic at pinaupo sa magkatabing upuan.

"Ah hayaan mo sila ah? Ganyan talaga yang mga yan. Ter pala."  Nakipagkamay ako sa kanya at ngumiti. Nakakabaliw yung ngiti na yan asdfghjkl. "Ah Y- ysabelle. Y-you can call m-me B-belle." Nauutal kong sagot. Tumawa nalang siya at nagkwento ng mga bagay bagay. "Ah Belle? Kuha tayo ng pagkain. Gutom na ako eh." Sabi ni Ter sakin. Tumango ako at tumayo. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang aking kamay. "Baka mawala ka bigla. Maraming tao sa loob." Sabagay marami nga. Pero bigla niyang binitawan yung kamay ko at nilipat sa bewang. Ang init ng katawan niya huhu. Napansin niyang nagulat ako kaya tumawa siya bigla.

Kumuha nalang kami ng pagkain at lumabas na. Habang kumakain ay napapansin ko na panay titig siya sakin. "Tama na. Baka matunaw ako sa titig mo." Nag-blush siya kaya napatawa ako. Nag-aya naman sila Kuya Zild na magswimming kaya hinila na ako nung dalawang babae papunta sa isang kwarto. Nauna ako magpalit at sumunod si Shanne at si Nic. Nagpatong muna ako ng cardigan since hindi pa muna kami maliligo. Inaantay kasi nila na umuwi yung iba. Yung mga boys naman naka swim shorts at t-shirt lang. Nakita ni Shanne na parang kinakabahan ako kaya bigla niya akong nilapit kay Ter. Mas lalo naman akong kinabahan kasi hindi ako sanay mag swimsuit. Nagpunta na sila sa pool kaya natira nalang kami ni Ter dito sa kubo.

"Um Belle? Tara ligo na tayo." Inakbayan niya ako kaya mas lalo akong kinakabahan. Hindi ako nakasagot kaya muli siyang nagsalita. "Gusto mo pahiramin kita ng t-shirt? Mukhang hindi ka komportable sa suot mo. Bakit ka kasi nagsusuot ng ganyan eh kita na kalukuwa mo diyan." He chuckled then offered me his shirt. "Ah eh wag na. Hindi lang ako sanay magsuot ng ganito lalo na pag maraming tao. Sige na mauna ka na." Sabi ko naman sa kanya.

"Hindi ako maliligo kung ayaw mo. Bat mo pa kasi sinuot yan kung hindi ka sanay. Sayang naman ang ganda mo." Hindi ko narinig yung last niyang sinabi. "O sige na nga. Tara!" Inalis ko yung cardigan na suot ko at tiningnan si Ter. "Oh? Lutang ka nanaman?" Natawa ako kasi natulala lang siya. Hinawakan ko yung kamay niya at nagpunta na sa pool. Napakasaya nilang kasama grabe. Natapos na kaming maligo kaya nag-aya sila Zuya Zild na uminom.

Sanay naman akong uminom eh. Pinapayagan ako ng parents ko kasi hindi naman ako madaling malasing. Siguro medyo tipsy ako pag maraming nainom. Ayun ako ata yung pinaka maraming nainom. Nakaramdam na ako ng antok kaya nilagay ko nalang yung ulo ko sa balikat ni Ter. Bigla niya akong binuhat papunta sa isang kwarto. Sinuotan niya ako ng pajamas at t-shirt. Oh diba? Hindi na ako nagpalit ng damit pinatong nalang! Kinumutan niya ako at may binulong. Di ko narinig sayang. Grabe na yung atake ng alak saakin kaya natulog na ako.


A/N: Welcome to this fanfic! I'm warning you: SLOW UPDATES. May iba pa kasi akong fanfic kaya slow ang updates. Pero magsisipag ako para hindi maging slow hehez. Hanggang ngayon di parin ako makamove on sa nangyari. May 4 nila sinabi tapos May 5 birthday ko huhu. Kaya medj sad ako nung birthday ko. Abangan niyo yung fan fic ko kay Unique and Zild. Syempre may fan fic parin ako kay Unique no! Pero baka unahin ko muna yung kay Zild. Anyways abangan niyo yung next chapter kasi todo kilig yun!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

koya; A Blaster Silonga FF {Social Media}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon