Kabanata 1

111 5 0
                                    

Nandito nanaman kami ng kaibigan ko na si rosie sa field. Usual na kami dito pag may vacant kami.

"Sa tingin mo ba may pag-asa ako sa'kanya?"

"Teh' wala naman mawawala kung susubukan. Pero, tandaan mo naman sana yung bilin ni tita for you na tapusin mo muna ang pag-aaral mo. Isang hakbang nalang matatapos na tayo sa K-12."

"Kaya nga eh, saan kaya siya mag-college?"

"Patay na patay ka talaga kay hendrix. Noh?"

"Best friend ba talaga kita? Syempre alam mo na dapat ang sagot dyan."

"Hmmm.. bes, hanap ka nalang ng iba. Feeling ko tatanda ka ng dalaga kakahintay sa'kanya."

"Grabe naman yung pagiging matandang dalaga ko. Gusto ko magkaroong ng anak in the future."

"Then, find new boylet. Hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo."

"Palibhasa kasi, stay strong kayo ng jowa mo."

"Syempre kami pa, tsaka concern lang ako sa'yo atsaka kapag narating mo na ang langit. Hahanapin mo'to."

"Bibig mo, rosie. Palibhasa kasi, active kayo ng jowa niyo dyan, pag ikaw talaga nabuntis."

"Okay lang yun, pananagutan naman niya eh!"

"Di natin masasabi ang panahon."

tapos napatahimik kami, malakas na hangin ang sumalubong sa'min at tahimik na kapaligiran.

"Wala bang training sila hendrix?"

"Baka hindi siya sumisipot? Alam mo naman yun, captain naman yun eh!" di sigurado na sagot sakin ni rosie.

Sabagay wala naman kami idea kung sumisipot ba si hendrix o hindi. Hawak naman niya ang team.

"Tara na, diba may unit test tayo? Baka magalit si sir abundo."

"Oo nga, sungit sungit non'."

tumayo na kami at pinagpag ang palda baka may alikabok na kumapit at tumungo na kami sa classroom.














pagpasok namin ay iilan lang ang tao dun.

"Shaina, ba't tayo lang?"

"Di niyo ba alam yung balita, short period tayo."

"Talaga?" mangha sabi ni rosie

"Oo nga, yung iba nagsi-uwian na ewan ko lang kung tumambay pa yung iba dito."

"Sege, salamat. Tara kain tayo sa mall tatawagan ko lang jowabells ko."

sabagay di pa kami nakain ni rosie.

"Panigurado, bukas na tayo mag-unit test kay sir abundo." singit ni shaina

"bahala siya, katamad mag-aral sa'kanya."

"Baliw ka talaga, rosie. Magbabanyo lang ako ah!" paalam ko.

"Sege, tatawagan ko pa jowabells ko. Gutom na ako."

natawa nalang ako, paglabas ko sa classroom namin tumungo na ako sa cr ngunit sarado ito.

umakyat ako ng third floor kasi bigo ako sa second floor pagdating ko ay naka-lock din. Ghaad, naiihi na ako.

wala na akong ibang choice kundi mag-banyo sa gym.

dyusko, wag ka muna lalabas. ayaw ko din naman magka-UTI. Nagmamadali ako maglakad patungo sa gym, kaya mo yan stella.










--
Pumasok na ako sa gym, at hinanap ang girls room, kung saan naliligo ang mga women's varsity.

nagmamadali ako pumasok sa cubicle at umihi na. nagpakawala ako ng hangin, okay na ako. Pagkatapos ko mag-banyo, inayos ko muna ang sarili ko.

Born To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon