Ako si Keiza Ishii. My friends call me Eiz. Yes, I have friends naman kahit papaano. Weird ako pero mas weird mga kaibigan ko ah, pero yun nga ung masaya eh. Mga otaku kasi kami. Yung iba nga lang saamin, weeaboo na. Yun bang sobra na. Iniisip nila anime character na rin sila or story nila na kinukwento kahit seryosohan na nagsisingit parin ng mga role play na kwento. Minsan nakakainis pero ayos lang. Nakikisabay nalang sa trip. Mag ro-role play sila, ako naman nakikiepal wahahaha!
Nakakamiss sila.
Kailan ko kaya ulit sila makakasama?
Huling taon na namin sa high school ngayon, ayoko pang mawalay sakanila.
Nasanay ako sa mga kagaguhan at katarantaduhan ng mga kaibigan ko.
Sana naman ay hindi kami magkawatak watak.
Tiyak mamimiss ko rin ang mga gawain namin.
Sa ngayon, susulitin ko ang bakasyon.
Para pagpasukan na, susulitin ko ang oras na kasama ko sila.
Feeling ko ang haba haba haba haba haba haba na ng hair ko, lagpas pwetan ko na ang buhok ko kaya siguro dapat ko na itong gupitin. (OxO)\
Oo, ako gumugupit ng sarili kong buhok. Wala akong tiwala sa mga barbero o mga taga gupit ng buhok sa salon. Na-trauma na ako, dati nag pagupit ako tapos yung hairstyle na gusto ko, hindi ginawa. Instead, ginawa niyang hagdan hagdang palayan! Huhu. T^T
Ang pangit ko na nga,
Lalo pang pinag mukhang tanga ng bwisit na babaeng barbera na yun!
Di bale, keribels lang. u_u'
Wala namang papansin sakin na lalaki kasi maliban sa panget ako, ay sobrang taba ko at weirdo ako.
Weird ako in a way na sobrang kakaiba ako.
Ako lang ata ang taong mahilig sa patayan, makitang tinotorture ang mga tao..
Tuwang tuwa ako sa mga dugo. Sa mga sumisirit mula sa leeg na dugo..
Mukha kasing masarap ung dugo. Lalo na pag malapot at pulang pula.
Dati nga, sinadya kong hiwain ng onti ang daliri ko gamit ang gunting.
Wala lang. Gusto ko lang makakita ng dugo. Tinikman ko, nasarapan ako.
Aaminin ko, sadista na may pagka-masokista ako.
Oo, kahit sarili ko sinasaktan ko.
Masarap. Hindi ko alam kung bakit.
Mukha rin akong di natutulog (well, totoo naman un madalas) at hindi ako marunong mag ayos ng sarili ko.
Marunong ako mag gupit pero di uso sakin ang pag gamit ng suklay.
Maliban dun, nerd ako at ang baduy ko mag style. Salamat nalang at di nila napapansin ang kabaduyan ko sa pananamit dahil laging school uniform ang suot namin.
Mukha nga daw akong drug pusher na baboy na naka makapal na eyeglasses at naka wig na gusot gusot at buhol buhol. Grabe noh? -_-'
Ang haba ng summer vacation, sa wakas patapos na ito.
Wala akong magawa kundi mag laro ng mga game, mag PSP, PS3 at mga online games like audition dance battle, Cabal, Rebirth Ragnarok Online, Yitien, Wartune at iba pang MMORPG.
Kapag ganito, walang tulugan with master KEIZAAAA! (~*_* )~
Hindi lang ako inaabot ng umaga. Minsan inaabot pa ako ng 3 days straight na walang tulog. HAHA!
BINABASA MO ANG
My Crush is a Masochist?!
RomanceEven if you call her fat, ugly, weird and a nerd She won't give a damn. Even if you insult her and call her a bitch, you know what? She won't care even a bit. Hurt her? Sure. Fine. She's already used to it. But hurt her sister and her friends? Oh, i...