PROLOGUE

39 0 0
                                    

"I'm sorry Elizabeth"

Naikuyom ng dalaga ang mga kamao. Sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon.
Hindi niya inakalang magagawa ito ng sariling kapatid at nobyo sa kanya.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng kanyang nobyong si Ceazar.

"Walang hiya ka! Sa lahat ay kapatid ko pa?! Ang bababoy niyo! Mga taksil!"

Humagulhol lang sa isang tabi si Ella na kapatid ni Elizabeth habang hawak hawak ang kumot na tanging nakabalot sa kanyang katawan.

"Ikaw!" Turo niya sa kapatid niyang si Ella.

"Paano mo ito nagawa sa akin Ella? P-Paano? Kapatid mo ako."

"A-Ate p-patawarin mo ako, matagal na kaming nagmamahalan ni Ceazar. P-Pero —"
Sinampal din ito ng kapatid niyang si Elizabeth. Bakas sa mukha ng nakakatandang kapatid ang pagka poot pangdidiri sa kanya.

"Pinagsisihan kong naging kapatid kita! Magkakamatayan tayo Ella hinding hindi ko hahayaang magiging masaya kayo ni Ceazar - habang b-buhay."

Patakbong lumabas ng silid si Elizabeth. Hindi siya makakapayag na ganoon na lang kadali ang lahat para sa dalawang tao na nagtaksil sa kanya. Dalawang tao na parehas niyang minahal ay pinagtaksilan siya.

Ano ba ang nagawa niya? Naging totoo siya sa dalawa at pinagkatiwalaan niya. Mahal na mahal niya ang kanyang nobyo pero kung mapupunta na nga lang pala sa iba ay mas mabuti pang magsasma na lang sila hanggang sa kabilang buhay.



*****

THE ADVENTURE I: "Haunted Mansion"Where stories live. Discover now