I'm not a good story teller. Just want to share what's on my mind every single daaaay.
****
Magda's POV
Good mooooorniiiiing!! Hello Philippines and Hello Wooooorld! Isang umaga na naman sa mundong Earth. Buong araw na naman na makikipag laban ang peslak ko sa madalang pipoool.
Ako si Magda. Magdalene for long. Magda for short. Mag for super short. Ay wow ang corny -_-
Isa akong first year student dito sa community college dito malapit sa bayan na tinitirhan ko. Isa kong Accountancy student. Sabi kasi ng mama ko pag natapos ko tong kursong to, papirma pirma nalang daw ang trabaho ko. Sabi din kasi nung isang admin sa school na papasukan ko bagay daw sa akin yung accountancy kasi mataas daw yung grade ko sa math. Kaya ayun kinuha ko nalang din.
Sabi din ng mama ko, di daw kailangan ng pleasing personality sa kursong to kaya tyak pagkatapos ko ay makakahanap agad ako ng magandang trabaho.
Actually, to be honest, ang gusto ko talagang kuhanin ay anf kursong HRM kaya lang masyado daw magastos yun kaya ekis ako dun. At syempre kelangan din dun e yung medyo may ibubugang mukha.
Eh ako?? Mukhang nabugahan lang.
"Tita anong oras po pasok ni Izel?" Tanong ko kay tita Angge ko. Nakikitira ko dito kay tita mula ng mamatay ang mama ko dalawang bwan palang ang nakakalipas. Oo patay na ang mama ko. At ang papa ko naman ay may ibang pamilya na mula nung grade 3 palang ako.
Nung namatay si mama, naisip ng iba kong tyuhin na ibigay nalang ako kay papa para sya na ang mag aruga sa akin. Pero salamat kay tita Angge na di nya ko hinayaang mapunta kay papa. Di naman kasi ako gaanong malapit kay papa mula noon pa man.
Si tita Angge ang pinaka close kay mama sa kanilang limang magkakapatid. May anak syang si Izel na super best friend ko. Same age lang kami. Pero unlike me, ubod sya ng puti at ganda.
Ako kasi. Eheem! Maitim na, mataba pa. Walang kadating dating kung inyong titignan. Kahit tignan nyo pa ko ng pang matagalan. Si Izel, kahit nakasimangot maganda padin. Ako kahit labas na gilagid ko sa pagpapa cute, nevermind that one nalang!!
"Alas onse yata iyon Magda. Abay ikaw ba?" Ani tita Angge. "Halika kumain ka muna ng almusal bago pumasok. Ang aga mo naman yata. Alas siyete ba ang pasok mo anak?"
"8am po tita. Pero baka po kasi mahirapan ako sa paghahanap sa mga rooms ko kaya aagahan ko nalang." Wika ko. Tinignan ko ang mga luto ni tita. "Wooow! Tocinooo! My el favorrritooo!" Excited ko turan.
"Aba! Aba! Mukhang masaya yata ang isa nating dalaga dito Angge?" Singit ni tito Ramon.
"Abay panong di sasaya yan Ramon eh nakahanda ang paborito nyang tocino dine." Sagot ni tita Angge.
"Hahahaha! Mainam yan para maraming makain ang ating Magdalena dito." Nakangiting wika ni tito Ramon.
Si tito Ramon ang asawa ni tita Angge. Napakabait nyang ama kay Izel at tito sa akin. Mula bata palang kami ni Izel ay tinuring na akong anak ni tito Ramon. Halos di ko kase nakakasama si papa noon. Kaya noong namatay ang aking ina, ay isa sya sa tumutol na ibigay ako sa aking papa.
"Naku tito ah! Magdadiet na nga po ako e." Pabirong sagot ko kay tito.
"Nakuuu! Nagdadalaga na ang Magdalema namin." Pambubuyo ni tito
"Mukhang may napupusuan ka na anak ah. Sino ba iyan?" Pang gagatong pa ni tita
"Hahahahaha! Pambihira naman kayo tito! At isa kapa tita. Naku wala po. Bet ko lang pong magdiet. Kase po diba college na. Hehehehe."
"Aaaaaaahhhh!!!!"
Napalingon kaming lahat sa tumitiling si Izel. Andito na pala sya sa likuran namin ng di napapansin! Nakanganga sya at sapo sapo ng mga kamay nya ang kanyang mukha. Tila ba may nakita syang di kaaya kaya!
"Siiiis!" Agad kaming talong lumapit at nag aalala sa kanya.
"Sabihin mo sa akin anak! Buntis kaba?!" Galit na tanong ni tita.
O_O
"Ano?! Buntis ka Izel?!!! Sino?? Sino ang walang hiyang lalakeng yun? Sin---" naputol ang pagtatanong ni tito ng tumawa ng malakas si Izel.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!" Todo tawa nya na halos gumulong pa sa sahig. Hawak nya ang tyan nya habang tumatawa ng malakas. "Hahahahahaha! Grabe kayo maderbels!! Hahahahaha! Di po ako buntis! Virgin pa ang dalaga nyo!" Tumatawang sagot nya.
"Eh bakit kaba kase tumitili diyang bata ka ha?!" Tanong ni tita.
"Hahahaha eh kasi naman mama! Impostora yang kaharap nyo ngayon!!" Matalim na tingin sa akin ni Izel.
"H-ha??? Ako?? I-impostora?!! Izel nab---" naputol ang sasabihin ko ng takpan nya ng pandesal ang bunganga ko! Pisti. Bruha talaga to e
"Unang una!! Pers ob ol!! Si Magda ay walang interes sa lablayp! Eh kanina narinig ko parang may boylet ka na!!! I heardness everythinged!! With ED kase past na!!" Galit na sabi nya. Si tito at tita naman ay mataman na nakikinig lang. "At pangalawa!! Second ob ol!!! Ang Magda namin ang di alam ang salitang DIET!!!!"
Emosyonal nyang sabi sabag iyak na parang namatayan! Jusko!! Ano po gagawin ko kay Izel?!!! Tumingin ako kay tita para patahimikin sana si Izel pero nagulat ako ng biglang parang natakot ito sa akin!!
"Ik-ikaw! Ikaw na masamang espiritu!! O kung ano ka naman!! Layuan mo ang Magda namen!!!!" Nagulat ako ng sinabi ni tita yan. Niyakap nya si Izel na tila iiyak na.
Tinignan ko si tito. Naka poker face lamang ito. Haay! Mukhang may tama na naman ang dalawang to. Kami lang talaga ni tito ang matino dito e.
"Hay naku! Kayong dalawa! Magsiayos nga kayo at tayo'y kumain na!!" Mautoridad na sabi ni tito. Thank you tito! You save the daaaay!
"Pero pa!! May sapi si Magda!" Giit ni Izel.
"Zel ano ba! Wala akong sap-"
"Ipapaalbularyo natin sya pagkatapos kumain." Sagot ni tito.
Okaaaay! Binabawi ko na. Ako lang pala ang matino sa bahay na to! T_T
BINABASA MO ANG
Dont know yet
HumorKapag ba di Maganda, wala ng chance na magkaroon ng magandang lovelife?? Pag di ba maganda wala ng chance na magkaron ng gwapong boylet?? Pag di maganda.... Di ka priority sa Jeep pag umaga. Di ka magiging kras ng Kras mo!!!! Malabong magkaron ka ng...