Chapter 1

3 1 0
                                    

Chapter 1

BRYLE'S POV

"Hoy Bryle gumising ka na daw sabi ni mama"

Napamulat ako saglit para tignan kung sinong gumigising sa akin. Nang makita ko ang pagmumukha ng kapatid ko natulog uli ako.

*PAK*

"GUMISING KA NA" at na flying kick naman ako sa tiyan ng barako kong kapatid.

"A-ARAY" napahawak nalang ako sa tiyan ko. Kahit kelan talaga lagi nalang akong binubugbog ng kapatid ko.

"Hoy Bryle bilisan mo mahuhuli nanaman tayo dahil sayo" tapos lumabas na sya ng kwarto ko.

Kahit antok pa at papungay-pungay ang mata ko, pumasok na agad ako banyo para maligo. Nang makatapos akong maligo at magbihis lumabas na ako ng kwarto at nagpunta sa kusina.

Nandun na sina mama at papa pati si Syville na kakambal kong barako, sya din ang nang gising at nang flying kick sa akin. Ako at si Syville ay fraternal twin pero mas nauna akong nailabas kesa sa kanya.

"Ang bagal mong kumilos halos isang oras ka kung matapos, para kang babae. Tulog ka pa sana kung di pa kita sinipa" inis na sinasabihan ako ni Syville ng umupo ako sa tabi nya.

"Pasensya na tinapos ko lang ang report namin kagabi" paghingi ko ng pasensya sa kanya.

"Tsk, ikaw nanaman ang gumagawa ng project nyo. Kahit minsan naman bawasan mo ang pagiging mabait" lalo pang nainis sa akin si Syville. Tapos may laman pa ang bibig nya at halos tumalsik ang kinakaen nya sa mukha ko.

"Syville tama na yan, at pwede ba ilang ulit ko bang sasabihin sayo na wag mong itataas ang isa mong paa habang kumakaen" pagpapatigil at pagsermon sa kanya ni Mama.

Tumahimik naman na si Syville pero inis pa rin sya sa akin. At ibinaba nya na din ang paa nya. Minsan talaga hindi babae kong gumalaw tong si Syville.

"Bryle about sa pagsali mo sa judo, naayos mo na ba?" tanong sa akin ni papa.

"Ahm o-opo" sagot ko sa kanya, napatingin naman ako kay Syville at muli nanaman nya kong inirapan. Ang totoo nyan gustong sumali ni Syville sa judo pero ayaw syang payagan ni papa. Kaya inis na inis sa akin si Syville ng isinasali ako ni Papa sa judo, ayokong talagang sumali sa judo pero ayokong madisappoint sa akin si Papa.

Kung tutuusin baliktad kami ni Syville ng personality, matapang at may confident si Syville barako at frank din sya. Samantalang ako mahinhin at mahina ang confident ko sa sarili ko.

"Alis na po kami" at nagpaalam na kaming dalawa, naglalakad kami ngayon ni Syville papasok ng school. Walking distant lang ang school namin hanggang sa bahay.

Tulad ng dati tahimik lang kami ni Syville kapag papasok ng school. Magkapatid kami pero hindi kami katulad ng ibang magkakambal o magkapatid na sobrang close sa isa't-isa. Kapag nasa bahay kami madalang lang kaming mag-usap at pag nasa school kami kahit magkaklase pa kami hindi nya ako kinakausap. Hindi ko naman sya masisi kung ikinakahiya nya ako bilang kapatid dahil sa personality na meron ako.

"Syville" may biglang tumawag kay Syville napatigil naman kami at tumingin sa tumawag sa kanya.

"Stephie ang aga mo yata" nakangiting sabi ni Syville kay Stephie ng makalapit sya sa amin. Matalik na kaibigan ni Syville si Stephie na kaklase din namin.

"Hahahaha anong maaga ka jan, malalate na kaya tayo buti na nga lang at Physic Ed tayo ngayong umaaga" sabi ni Stephie kay Syville.

Nang marinig ko ang physic Ed parang gusto ko ng umuwi. Hindi talaga ako active sa subject na yun. Ang daming physical activity ang ipinapagawa sa amin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SWITCHWhere stories live. Discover now