Nympha
Pasempling hinatid ko si Kuya haruto sa labas. Papasok na kase ito dahil ngayon ang unang araw ng internship niya sa hospital.
Mahigit dalawang linggo na kaming nakabalik dito sa syudad. Balik eskwela nanaman kami.
"Ingat Kuya" malambing na bilin ko
"I will," ganti niya at akmang hahalikan niya ako ng umiwas ako
"Kuya, baka makita tayo ni mama" pigil ko kaya ngumuso ito
Ngumiti na lang ako at lumayo konti ng sumakay na ito sa kotse nito. Binuksan nito ang bintana at nag flying kiss, kinikilig na kunwari ay sinalo ng kamay ko yun at nilagay sa labi ko.
Narinig kong tumawa siya kaya humagikgik na rin ako at kumaway dito. Nang makalabas na ito ay nakatayo pa rin ako doon habang hindi mapuknat ang matamis na ngiti ko sa labi.
"Anak, anong ginagawa mo dyan?" Tanong ni mama na naka business suit, papasok na rin kase ito sa office.
"Wala ma" nakangiting sagot ko at humalik sa pisngi niya
"Ingat sa pagdrive ma, I love you" turan ko
"Ikaw din hija. Mag ingat ka sa pag commute, walang maghahatid sayo. Bakit ba kase ayaw mong kumuha tayo ng driver mo" bilin ni mama pero mababakas ang pag aalala sa boses nito.
"Ayaw ko lang ma doble gastos nanaman kase ma" umiling ako.
"Oh siya siya sige na" tumalikod na ito at pumunta na sa kotse nito.
Pumasok na rin ako sa loob at umakyat sa taas, napatigil ako ng mapadako ang tingin sa pinto ng kwarto ni Kuya hiruto, last week na rin pala nung lumipad siya patungong Japan. Nasaksihan ko pa kung paano halos maglupasay sa iyak si ninia, muntik pa ngang Hindi matuloy si Kuya dahil humahagolgol si ninia na yumakap kay Kuya.
Pumasok na ako sa kwarto ko at agad naligo. Nagpalit na rin ako at kinuha ang lahat ng gamit ko bago bumaba para pumasok na rin sa eskwela.
Nagtaxi ako papuntang school, pagkababa ko ay sinalubong ako ni ninia na kita ko ang lungkot sa mukha nito. Niyakap ko siya at sabay na kaming pumasok sa loob.
"Miss ko na siya" bulong ni ninia kaya napatingin ako sa mukha niya na parang maiiyak.
Hinaplos ko siya sa balikat para iparating na nandito lang ako na sasandalan niya.
"Babalik din naman siya sayo" turan ko. Suminghot ito at yumakap saakin.
"Hindi naman kase niya kailangan na umalis" garalgal na saad nito.
"Dapat naman talaga siyang umalis para magtrabaho atsaka para sainyong dalawa din naman yun." Pangongonsola ko sa kanya.
"Kase naman eh" bumitaw siya sa pagkakayakap at tumingin saakin.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko nang titigan niya ako na parang may itinatago ako sa kanya.
"May hindi ka pa pala sinasabi saakin bruha ka" naningkit ang mata niya kaya nag iwas ako ng tingin.
Tumayo ito at hinila ako papunta sa tambayan naming dalawa.
"Kwento mo na" namaywang siya
"Ang ano?" Kunwari ay clueless ako sa sinasabi niya
"Kung bakit sinuntok ni hiruto ang kambal niya nung nasa resort tayo" sabi nito
"Sinuntok niya si Kuya haruto" gulat na saad ko
"Oo, nakalimutan mo ba yung pumutok na labi ni Kuya haruto?"
"Si Kuya hiruto ang may gawa nun?" Sambit ko
Tumango si ninia at tinignan ako,
"Nagulat din ako dahil don. May namamagitan ba sa inyo ni Kuya haruto?" Tanong niya
"W—wala…"
"Heh! Magsabi ka ng totoo, bakit sinabi ni hiruto na you have my vote?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"Hindi mo ako huhusgahan" tipid ang ngiting tanong ko
"Of coarse not, beshy mo kaya ako" sagot nito.
Ngumiti muna ako bago nagsimulang magkwento. Sinimulan ko nung araw na ginabi ako ng uwi hanggang sa pagpunta namin sa resort at yung kanina.
Napangiti ako ng makitang kinikilig si ninia sa kwento ko.
"Grabe hah! Daig pa ang teleserye" kinikilig na hinampas niya ang balikat ko
"Pero quite ka lang ha, natatakot ako na baka malaman nina mama" malungkot na saad ko.
"Sosuportahan kita besh" ngumiti siya saakin at niyakap ako.
"Wait di alam pala ni Kuya hiruto" sabi ko ng maalala yun
"Siguro, kilala daw niya ang kambal niya at Hindi siya bulag" kibit balikat na sabi nito
Alam ni Kuya hiruto pero hindi niya kami sinumbong kay mama at papa?? Kakabahan ba ako o hindi??
//uglyswan56

BINABASA MO ANG
dangerous siblings R-18 (Completed/Unedited)
General FictionMasaya ang buhay ni nympha sa pamilyang kinagisnan niya, ang Takahashi family. half Filipino half Japanese. Ang foster parents niya na napakabait at tinuring siyang totoong anak. Napakaperpekto ng pamilyang nagpalaki at nag-aruga sakanya. wala siyan...