Ako nga pala si Marco . Isang mayabang na tao pero mapagmahal na tunay . May isa akong babaeng gusto ang pangalan nya ay Claire . Sya ay maganda pero mataray . Niligawan ko sya at sinagot nya ako . Pagkatapos nun , nagtagal kami ng tatlong taon pero nagkaroon sya ng sakit . Hindi nya sinabi sa akin dahil ayaw nya akong masaktan . Nasa stage 4 na sya ng cancer , nung birthday ko pa sya nabawian ng buhay . Lagi akong umiiyak kapag sumasapit ang birthday ko . Pilit kong kinakalimutan ang nangyari , pero lubos pa rin akong nasasaktan . Sa bahay na ako nila Claire laging natutulog . Lagi kong sinusuot ang mga binigay nya sa aking mga damit . Tuwing sinusuot ko ang mga binigay nya sa aking mga damit ako ay napapaluha at nasasaktan . Palagi akong pumupunta sa beach na lagi naming pinupuntahan ni Claire . Duon na ako minsan natutulog , lagio kong niyayakap ang paborito nyang unan . Kapag bakasyon sa beach kami lagi pumupunta , sa beach kami lagi nagcecelebrate ng anniversary namin . Pero, ang pinakamasayang araw na nakasama ko sya ay nung summer night . Tuwing naaalala ko ung summer night, para akong nagsisisi na dapat ako na lng ung namatay at hindi sya . Pero wala na akong magagawa . Sana naligtas ko man lang sya . (sinasabi habang lumuluha) . Nung araw na nawala sya ako ay nagluluksa . Hindi ko makaya na nawala sya sa akin . Hirap na hirap ako , parang ayoko ng mabuhay sa mundo . May binigay si Claire sa akin bago sya mamatay . Isang singsing at papel , binasa ko ang nakasulat sa papel .
Dear Marco ,
I love you the way you love me . Pasensya ka na kung hindi ko sinabi na may cancer ako . Sorry Marco kung iiwanan kita , siguro nga di tayo bagay para sa isa't isa . Pag may nagmahal sayo , mahalin mo din ng lubos . Wag kang magbabago Marco , sana pag nawala ako makaya mo . Mahal na Mahal kita Marco
From: Claire <3
Hindi ko talaga makalimutan ung nakasulat sa papel . Sa sobrang mahal ko sya , para na akong mababaliw . Ayokong mawala ang taong pinakamamahal ko . Tuwing maglalakad ako , para bang magkahawak kami ng kamay . Pero kailangan ko magmove-on , Kailangan ko maghanap ng bagong mamahalin . Sana makahanap ako ng katulad ni Claire .
----------END OF MARCO'S POV----------
PLEASE VOTE AND COMMENT PLEAAASSEE :"> SALAMAT PO SA MGA MAGVOVOTE AND MAGCOCOMMENT . :">